Chapter 22

41.3K 768 76
                                    

[Chapter 22]

"Welcome!" Sinalubong ako ni Deinty ng mahigpit na yakap. Rinig na rinig ko ang malakas na tugtog mula sa loob ng guest house.

"I thought hindi na kayo pupunta because i know my brother is a boomer." Umiirap na aniya nang nilingon si Darwin na nasa tabi ko.

"Anyways, sa kabilang bahay ang family and this one is for my guest. Nandun na si Mom and Dad pati yung ibang cousins namin. Chlouie will stay here with me, she's part of my guest and i want to have fun with her." Sabi ni Deinty habang itinuturo ang dalawang bahay na magkatabi lang. Isang white at brown na guest house. Pareho itong malaki at katapat lang ng dagat.

Nilingon ko si Linda sa likuran ko na may buhat sa natutulog na si Dariel. Saglit kong nilingon si Darwin nang kuhanin niya si Dariel sa bisig ni Linda.

"She's coming with us. Dariel will look for her when he woke up." He said, giving his sister his warning stare. I sighed and was about to agree but Deinty immediately wrapped her arms on me.

"She's not the only parent here! Come on, it's time for her to have fun don't be a boomer! Sayonara!" Mabilis akong hinigit ni Deinty kaya naman hindi na muli pang nakasagot si Darwin. I gave him an apologetic smile before shifting my gaze infront.

Pagpasok palang namin ng malaking bahay ay sumalubong kaagad sa ilong ko ang malakas na amoy ng alak. Naaamoy ko palang ito ay nasusuka na ko, geez.

"Here! Let's go ipapakilala kita sa mga friends ko." Muli niya kong hinila matapos akong abutan ng isang baso ng alak. Dinala niya ko sa nagkukumpulang mga tao at sumigaw siya roon ng 'Hey'

"This is my sister in law! Chlouie this is Trisha—wait you met her before right? Nung nag aaral pa ko!" Sigaw niya dahil sa lakas ng tugtog sa paligid. Tiningnan ko ang babae at sinubukang alalahanin ito pero hindi ko na maalala kaya ngumiti nalang ako rito.

"This is Chase, Alfred, Megan.." Marami pang ipinakilala sa akin si Deinty at halos mahilo na ako sa dami nila. Ang totoo ay hindi ko naman natatandaan lahat ng pangalan na iyon, ngumingiti nalang ako para hindi mahalata ni Deinty na hindi ko natatandaan kung sino ang mga ito.

"Drink!" Deinty shouted, giving me another glass of Alfonso. I don't want to get drunk pero ayoko namang tanggihan ang birthday celebrant. Kinuha ko ang ibinibigay niya at ininom ito.

I have Linda to look after Dariel so i think it's fine. Pero mababa ang alcohol tolerance ko so i don't know what will happen to me.

"Let's play this!" Nilingon ko ang tinutukoy ni Deinty. I saw her pointing at the ping pong game. Ito iyong magshoshoot ka ng ping pong balls sa isang baso. Kapag natalo ay iinumin ang alak na nasa baso.

"Kampi kami!" Inakbayan ako ni Deinty habang kausap ang isang kaibigan. Ngumiti naman iyon sa kanya at nag sign ng 'Ok' sa kamay.

"Don't worry dear, i gotchu." Deinty whispered between her chuckles.

Naunang maglaro ang kabilang team at hindi ko maiwasang matawa sa kanila tuwing nakakashoot sila. Kung magsigawan kasi ang mga ito ay para bang nananalo sila sa lotto. Nang turn ko na para tumira ay chineer ako ni Deinty ng pagkalakas lakas. Sa unang pagtira ko ay kaagad na nagshoot iyon sa isnag baso kaya naman tuwang tuwa akong niyakap ni Deinty.

"Teka ang daya bakit naging ganto?" Sigaw ni Deinty nang lumipas ang ilang mga oras ng paglalaro namin. Hinawi ko ang buhok ko at sinubukang tumayo ng maayos.

Countless Tears (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon