Intro

18 0 0
                                    


Parang lahat na lang ng tao gusto main-love. Lahat na lang umaasa at nainiwala na mero'ng namumukod tanging tao na inilaan para sa kanila. "Destiny." "Faith." At kung anu-ano pang mga salitang pumupuno ng pag-asa sa kahit kanino mang umaasa. Yung iba pa nga d'yan talagang taon ang hinihintay para lang makasama nila ung taong supposedly "inilaan" ng tadhana para sa kanila. 1 year... 5 years... 10 years... Wala daw mahabang panahon para sa taong in love. D'yan ka na makakarinig ng mga "hahamakin ang lahat.." at "love knows no time" at marami pang ibang ka-kornihan (pwe!! grabe nakakakilabot lang! not to mention nakakangilo!). Parang ang hirap lang paniwalaan kasi. Imagine, sa bilyong bilyong tao sa mundo, sa dami ng lugar sa mundo na magkakalayo at sa dami ng language na ginagamit ng tao talagang naniniwala pa rin sila sa tadhana na yan. Ibang klase din kasi talaga ung higop sa pag-iisip ng tao ng mga ganitong klaseng topic eh. Yung talagang buong atensyon nila ang naka-focus. Dinaig pa yung pakikinig ng mga lessons sa school or yung pakikinig sa weekly meeting sa opisina. Exciting daw kasi, enjoy, kilig at halo-halong masasayang emosyon lang ang nararamdaman nila.




No to love please. (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon