"Good morning Kim. Ito na kape mo. Hatid na kita? Alam mo naman na hindi bagay sayo mag commute" bungad ni Caloy sa akin. Ayan nanaman siya. Sweet sweetan tapos mamaya mag iiba nanaman ihip ng hangin. "Ay hindi na Caloy. Dadating kasi Francis 'yung bago naming chef sa restaurant. May breakfast meeting kami. I-oorient ko kasi siya sa mga ins and outs sa kitchen at sa restaurant. Second day niya pa lang kasi so nasa orientation week pa lang siya" super polite at maingat kong sagot kay Caloy. "Francis? Baho ng pangalan ah. Pa'no naman niya nalaman 'tong bahay natin? Hirap kaya hanapin nito kung simpleng address lang ang meron ka. Buti pa ihatid na kita do'n sa breakfast meeting mo para hindi ka malate" pilit ni Caloy. Medyo iba ang kulit ni kamahalan ngayon than usual ah. "Hinatid din kasi niya ako kagabi. No'ng tumawag ka kasi kahapon inoorient ko siya tapos naka-loud speaker 'yung conversation natin kasi nag luluto ako kaya nadinig niya 'yung sinabi mo about your night out with Rebecca. Tapos sabi niya kung busy ka daw siya na lang mag hatid sa akin kagabi para makapag thank you daw siya sa warm welcome ko sa kanya sa restaurant. Tapos since may breakfast meeting nga kami ngayon, nag offer na din siya sunduin ako since alam na niya kung saan ako nakatira. At speaking of Rebecca. *nagulat na reaction ni caloy* Kamusta naman 'yung date niyo? Parang ngayon ko lang nadinig na may Rebecca pala ah" super polite at ingat ko ulit na paliwanag kay Caloy. "Ahhh. Hindi lang kita nasundo ng isang gabi eeksena na agad 'yang Francis na 'yan. At 'wag mong ibahin 'yung topic kasi ka-opisina ko lang si Rebecca at hindi 'yun date." "Eh bakit ganyan reaction mo? Galit ka ba? Nag malasakit lang 'yung empleyado ko. Oh ayan na pala siya eh. Hi Francis. Francis this is my best friend of too many years, Caloy. Caloy siya 'yung bago naming chef, si Francis" awkward kong ipinakilala si Francis. *nag shake hands sila Caloy at Francis* "Caloy pare." "Francis pare nice to meets you. Ma'am Kim should we go? Para makapag kape na din po kayo" polite na pag aaya ni Francis. "Aalis na kayo agad. Ginawan naman kita ng kape Kim kaya hindi niyo kailangan mag madali" mayabang na pag pupumilit ni Caloy. "Dito ka rin nakatira Caloy? Couple? Living-in?" usisa ni Francis. "Aba Kim ibang klase din naman pala 'tong bago mong chef eh. Chismoso. Oo pare. Magkasama kami dito. At ano naman pakealam mo kung magkasama kami? At ano naman ang pakealam mo sa status ng relationship namin ni Kim" medyo pagalit at maangas na sagot ni Caloy. "Ano ba kayo?! Mga bata lang? Kailangan may ganyan talaga. Sige na Caloy. Salamat sa kape. Pero kailangan na namin umalis. See you later *beso kay Caloy*" pilit kong pag pigil sa kanila. "Oh sige Kim mag ingat ka d'yan este mag ingat kayo" pahabol pang asar ni Caloy. Ano ba yan si Caloy. Nakakahiya. Daig pa 'yung nag seselos na boyfriend eh.
*habang nasa sasakyan ni Francis*
Kim: Sorry ah. Hindi ko alam bakit gano'n si Caloy ngayong umaga. Usually okay naman siya pag umaga. Baka hindi pa siya nag kakape.
Francis: Ma'am p'ede po ba mag tanong about sa inyo?
Kim: Ano ka ba? Masyado namang pormal. Kim na lang at 'wag ka na mag po please nakakatanda eh. Ano ba tanong mo?
Francis: Ex mo ba si Caloy or something. Kung makabakod kasi siya kanina sobra eh.
Kim: Ahh. Protective lang talaga 'yun si Caloy. Gano'n lang 'yun. 'Wag mo nalang gaano pansinin.
Francis: Wala ba siyang gusto sayo?
Kim: Ano?! Nag papatawa ka ba? Or nakainom ka na ng ganitong oras? Walang gusto 'yun sa akin. Nag date panga 'yun kagabi eh. Rebecca 'yung pangalan. Kasama niya daw sa trabaho. 'Wag mo lagyan ng malisya 'yung concern niya sa akin.
Francis: Sigurado ka ah. *napansing may sumusunod na sasakyan sa kanila*
Kim: Oh bakit ganyan mukha mo? Parang may danger?
Francis: Wala naman. Nandito na tayo. Pasok na po kayo i-park ko lang 'yung sasakyan.
*bumaba si Kim at pumasok sa restaurant*
Caloy's POV
Saan ba sila pupunta? Hindi naman ito 'yung daan papuntang trabaho ni Kim eh. Sira ulo 'tong Francis na 'to ah. Baka kung saan saan lang dalhin si Kim. 'Yan huminto na sila. Makapag park nga ng medyo discreet. Oh bakit hindi pumasok si Francis? Nako! Papalampit siya dito! *nagtatago sa sasakyan* "Pare bakit mo naman kami sinusundan?" bungad ni Francis. *bumaba si caloy ng sasakyan* "Kasi pare wala akong tiwala sayo. Parang hindi ako kampante na ikaw 'yung nag hatid sa kanya" maangas kong sagot. "Pare, naiintindihan kong best friend ka ni Kim. Pero parang sobra naman ata ito. Daig mo pa boyfriend eh" medyo pagalit na sabi ni Francis. "Una sa lahat wala kang pakealam sa kung anong gusto kong gawin. Pangalawa, malaman ko lang na ginagago mo si Kim" banta ko sa kanya. "Pare please umalis ka na. kasi parang pakiramdam ko mang gugulo ka lang". "Aba pare sumosobra ka na ah. Sino ka ba? Empleyado ka lang ni Kim sa restaurant niya". *sabay sapak kay Francis* -eopov
Ang tagal naman mag park ni Francis. Male-late naman kami sa restaurant nito. *may biglang guard na sumugod sa table ko* "Ma'am! 'Yung kasama niyo po may kasapakan sa labas. Inaawat na po ng tao pero grabe na po!" nag aalalang sumbong nung guard. Pag labas ko laki ng gulat ko. Si kamahalan at Francis nga! *tumakbo si Kim papunta kila Caloy* "Oy oy oy! Ano ba nangyayari dito? *sabay pagitana sa dalawa* Caloy! Ano 'to? Francis bakit may gulo?" galit na galit kong sinabi sa kanila. "Kasi Kim nakita kong sinusunda niya tayo. Tapos kinausap ko lang at ayun bigla na lang siyang sumapak" paliwanag ni Francis. "Sige na francis umuwi ka na muna. Bukas na tayo mag kita sa restaurant. Halika Caloy umuwi na muna tayo" galit kong sagot sa kanya.
Pag dating na pag dating namin sa bahay galit na galit na pumasok sa kwarto niya si Caloy. Ano ba kasi eksena nitong lalaking 'to? Kanina ubod ng sungit ngayon naman nakipag sapakan pa! *kumatok sa pinto ni Caloy* "Kamahalan? Buksan mo naman 'yung pinto. May dala akong ensaymada at first aid kit. Please buksan mo naman" pa-sweet na pilit ko sa kanya. *binuksan ni Caloy 'yung pinto* "Nako tignan mo 'yang mukha mo! Ang bilis mag pasa ah. Laki din kasi ng kamao ni... niya.. Oo. Niya" puna ko habang ginagamot 'yung mukha ni Caloy. *tumingin si Caloy na parang galit na galit kay Kim* "Oh anong expression 'yan? Bakit sa akin ka galit? Ginagamot na nga kita eh" pa-bebeng sagot ko kay Caloy. "Eh kasi naman Kim. Kung sa akin ka na sumabay at nag pahatid kanina edi sana hindi ko kayo sinundan. Sana hindi kami nag usap. At sana hindi kami nag sapakan" galit na paliwanag ni Caloy. "Eh bakit ka naman kasi galit? Tapos bakit mo ba kami sinundan? 'Diba sabi ko naman sayo may breakfast meeting lang kami. At empleyado ko lang 'yun si Francis wala naman meron sa amin. At t'saka bakit ba kasi ganyan ka? Kung maka-bakod 'kala mo jowa eh. Jowa ba kita? *nagulat si Kim sa sinabi niya* Relax ka lang kasi kamahalan" takang takang sagot ko kay Caloy. "Oo nga hindi nga tayo!" pagalit na sinabi ni Caloy. "Oo nga hindi tayo. Gusto ko lang naman masigurado na safe 'yung kumag eh" makalmang dag dag ni Caloy. "Okay. I understand. 'Wag ka na magalit. Gamutin ko na 'yang mukha mo at kainin mo na lang 'yang ensaymada na ginawa ko para sayo" pang lubag loob na offer ko kay Caloy.
Pag labas ko ng kwarto ni Caloy. Hindi ko napigilang mapahawak sa sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Palpitations nanaman? Hindi pa nga ako kumakain at partidang wala pang kape sa sistema ko. Ibang klase din tong si kamahalan eh. Basag ulo much? Hay nako. Weirdo din talaga minsan tong si Caloy. Out of nowhere bigla na lang galit na galit. Tapos bigla pang nakipag sapakan. Alam kong protective siya pero this is very unlike Caloy.
Gabi na. buong araw lang si Caloy sa kwarto niya. Hindi man lang lumabas for lunch. Kinatok ko siya sa kwarto niya at ang tagal bago niya ako pag buksan ng pinto. "Caloy? Pwede ba tayong mag usap?" *nagbukas ng pinto si Caloy* "Kim. 'Wag ka na mag alala. Hindi na 'yun mauulit. Hindi ko alam kung anong nangyari. 'Wag na lang nating pag usapan" giit ni Caloy. "Okay. Hindi naman kita tatanungin about sa nangyari. Itatanong ko lang sana kung okay na ba pakiramdam mo? At kung hindi ka ba nagugutom? Kasi hindi ka pa kumakain ng kahit ano buong araw" paliwanag ko. Parang nagulat si Caloy sa sinabi ko. Hindi niya expected na hindi ko siya kinukulit tungkol sa nangyari. "Kamahalan? Bakit ka nakatulala? Ano gusto mo ba kumain?" "Ah oh sige." Tahimik kaming sabay na pumunta sa kusina para kumain. Tahimik lang din kami kumain. Hindi alam ni Caloy nakikita ko siyang patingin tingin. "Kamahalan. 'Wag ka mag alala. Hindi naman ako galit sa ginawa mo. Sana lang next time kausapin mo muna ako bago ka mag amok. Okay? Oh kain lang ng kain at 'wag ka na ma-awkward" huling banat ko.
NExt Chapter 7

BINABASA MO ANG
No to love please. (on-hold)
Storie d'amoreMarami na ring kwento tungkol sa love now-a-days. Pero ito ang isang kwentong magbibigay ang ibang concept sa mga taong mahilig mag deny at mag taguan ng feelings, sa mga taong bumabalik sa akala nilang tama at sa mga taong tumutulak para mapagbigya...