Umaga nanaman. Panibagong araw para sa mga bagong bagay. *biglang naalala yung eksena ni Francis* Ano ba yan si Francis!? Ano naman kayang ineexpect niyang gawin ko sa gesture niya? Matunaw bigla tapos balikan siya? Sa saglit na panahong naging kami noon napamahal na rin siya sa akin pero hindi talaga yung klase ng pagmamahal na gusto niya. Napalapit na rin ako sa kanya simula nung nagingg kami noon pero hanggang dun na lang yun. Hindi na madadagdagan pa yung kwento na yun. *nag ring yung phone* Oh my gulay si Francis tumatawag! Sagutin ko ba? Ano ba naman kasi to!? "Hello? Francis?" nangigninig kong bungad. "Good morning Kim. Gusto ko lang mag sorry kung nagulat man kita kagabi. Hindi ko talaga alam na hindi mo ako namukha-an. Pero gusto ko lang din sabihin sayo na umaasa pa rin akong magiging tayo ulit. Kaya hindi din ako mag reresign sa restaurant mo kahit pahirapan mo pa ako. Okay?" mapilit na sinabi ni Francis. "Francis, sinabi ko naman na sayo kagabi diba? Pero kailangan ka talaga ng restaurant ko kaya wala naman akong balak pilitin kang mag resign. Choice mo naman yun. Pero yung isang bagay na inaasahan mo hindi na yun mangyayari. Friends na lang talaga." Mahinahon kong pinaliwanag. "Pwede ba kitang sunduin. As friends. Susunduin lang." "Nako hindi pwede. Ihahatid ako ni Caloy for sure. Tyaka baka mamukha-an ka pa nun. Sigurado away nanaman to. See you na lang sa restau. Bye." Sabay end ng call. Haaay uamga palang ah. Makabangon na nga.
Pag dating ko sa kusina nakita ko na dun si Caloy gumagawa ng kape. Walang kamatayang kape. Hindi pa ako nag gu-good morning nakatalak na siya agad. "Sino kausap mo sa phone? Aga aga ah" medyo bad trip na bungad niya. "Ah eh si Francis. Pero wala lang yun. Nag tatanong lang about sa restau" palusot ko. "Ah restau ah. Parang sweet niya kagabi sayo ah. May mga candles candles pa. Ano pa yan korni ah" pabirong parang nakaka-g*gong tanong ni Caloy. "Nakita mo yun?" "Kitang kita! Nililigawan ka nun?" "Caloy wag ka nga mag isip ng ganyan. Empleyado ko yun. Pero ito ang shcoking news. Naaalala mo pa ba yung Francis from 3rd year high school?" casually kong tinanong. "Yun Francis na ex boyfriend mo? Don't tell me he's Francis the chef"shock na shock na tanong ni Caloy. "Oo. Akalain mo yun. Small world. Hindi ko talaga din siya namukha-an nung nag apply siya. Nagulat na lang ako kagabi nung sinabi niyang siya pala yung Francis from high school" paliwanag ko. "Oh eh ano naman yung eksena sa mga candle niya kagabi may bulaklak pa ah" usisa ni Caloy. "Eh ayun. Nakikipag balikan siya. Pero sabi ko ayaw ko. Sabi ko kung ano man yung meron kami noon tapos na yun nung umalis siya kaya wala na siyang babalikan. Gusto ko sana siya paalisin sa restau kasi imagine how awkward would this be. Pero kailangan kasi siya ng restaurant and hindi ko naman afford bayaran yung ibang chef with the same qualifications" dagdag ko pa. "Ano? Nakikipag balikan?! Aba loko pala talaga yang Francis na yan eh. Pagkatapos kang iwan babalik balik siya" galit na galit na sinabi ni Caloy. "Oh hayaan na. hindi naman ako makikipag balikan eh. Bakit ba ang sensitive mo pag dating kay Francis? Galit na galit lang? kalma lang kamahalan. *nag ring yung cellphone* Nako si Ada! More facetime.
Kinuwento ko kay Ada kung sino talaga si Francis. At in fairness this time nagulat siya. Hindi daw siya inaasahan na babalik pa tong si Francis. Considering we had a huge screaming match bago siya noon umalis. Kasi ayaw ko siya paalisin noon hangga't hindi siya pumapayag sa LDR (long distance relationship). Sabi ko noon sa kanya na we can make it work as long as we were both willing to work on it. Kaso hindi daw niya kaya. Marami siyang rason na binibigay noon. Pero bottom line was he didn't want to be with me. So pinabayaan ko siyang umalis. At talaga diniin ko naman sa kanya na kapag umalis siya ng hindi kami LDR, then that would be it. Kaya eto grabe ang reaction nitong si Ada! Maka-sermon kesyo bakit daw hindi ko namukha-an at bakit hindi ko daw pinaalis sa restaurant ko. Feeling itong si Ada may alam to na hindi ko alam kaya ganito na lang ang pag taboy niya kay Francis. I'm not saying na babalikan ko pa si Francis (eh ayaw ko na nga sa mga relationships relationships na yan) pero parang o.a lang. Makes me curious. "Hoy Ada. Bakit o.a ka? Makataboy lang wagas!" alaska ko kay Ada. "Hindi naman sa tinataboy ko siya Kim. Malay mo lang may ibang tao pala sa paligid mo na mas deserving bigyan gn pagkakataon kesa sa Francis na yan" ang very shady reply ni Ada. "Ganon? Sino naman aber? Si kamahalan? Siya lang naman nasa paligid ko lagi eh" pa-joke kong sinabi. Hindi ko alam nasa likod ko lang pala tong si Caloy. Bigla na lang pumasok sa kwarto niya. "Nako Ada na-offend ata si kamahalan sa joke ko. Weird. Hindi naman na yan siya napipikon sa mga asar ko" takang taka kong sinabi kay Ada. "Ikaw naman kasi Kim. Itigil mo na yang pagiging manang mo at mag boyfriend ka na ulit para hindi yang kung sino sino ang bumabalik sa buhay mo. 28 na tayo. At yung huli mong boyfriend ay nung 20 ka pa. Actually pareho nga kayo ni kamahalan eh. Magsipag jowa na kasi kayo" "Are you saying na maging kami na or mag hanap na kami na magiging jowa namin?" "Aba nasa sa inio na yan. Pero bakit pa kasi kayo titingin sa malayo diba?" natatawang sagot ni Ada. " Hay nako Ada oh siya papasok na kami at baka ma-late pa si kamahalan" sabay baba ng phone.
Pag dating ko sa trabaho hinatid pa ako ni Caloy sa loob ng office ko dahil marami akong folder na bitbit. Eksakto naman pag pasok namin sa office ko nandun na agad si Francis at may hawak na tumbler ng kape. Talagang tong mga lalaking to alam na alam na kape talaga ang sagot sa akin. Biglang nag iba ang aura ni Caloy. "Pare. Diba dapat nasa kusina ka at nag pe-prep? Bakit ka biglang pasok ng pasok sa office ng boss mo? Wala lang respeto? Hindi porket mabait si Kim eh inaabuso niyo na" pa-galit na puna ni Caloy kay Francis. "Good morning Kim. Ginawan pala kita ng kape. Yung paborito mo." sabi ni Francis na halatang dine-deadma niya si Caloy. "Salamat Francis pero nakapag kape na kasi ako. Lagi kasi gumagawa ng kape si Caloy pag umaga. Pero iwan mo na din yan dyan sa mesa ko mukhang masarap yung amoy" pigil na pigil kong sinabi kay Francis. "Sige Kim samahan ko na ung ibang chef sa pag prep" paalam ni Francis sabay labas na din ng office ko. "Ano ka ba Kim bakit mo tinanggap yung kape?" badtrip na tanong ni Caloy. "Oy kamahalan relax ka lang. Kape lang yan. Masyado kang hot headed eh" pabiro kong sinabi kay Caloy. "Nako dyan nag sisimula lahat sa mga simpleng bagay lang. Mamaya sobrang asang asa na yan dahil tinanggap mo yan." "Ano to high school? Kape is just kape. Wag mo naman bigyan lahat ng meaning. Teka. Baka ma-late ka naman. Pumasok ka na kaya." Paalala ko kay Caloy trying to change the topic. "Ay! Oo nga! May meeting pa naman ako kay dad. Sige Kim sunduin na lang kita mamaya" sabay alis agad. Talaga tong si Caloy. Kaya kami pinagkakamalang mag jowa ng mga tao eh. isa pa tong si Francis nag hahanap pa ata ng away sa umaga eh. Sana naman ordinary nalang tong araw na to no more surprises please.
Nung natapos na ang shift ko saktong tapos rin ng shift ni Francis. "Kim hatid na kita. As friends." alok ni Francis. "Hindi okay lang padating naman na si Caloy. Tsaka sigurado ka bang as friends lang yan" pabiro kong sinabi kay Francis. "Oo. Pero kung ayaw mo talaga sasamahan na lang kita mag hintay kay Caloy" pilit ni Francis. In fairness din dito kay kamahalan ubod ng tagal kaya ang haba tuloy ng kwentuhan namin ni Francis. As in binalikan namin lahat lahat ng kung anong meron kami noon. Tawa kami ng tawa sa mga embarassing stories na kinukwento namin sa isa't isa. Parang nakakahinayang nga talagang ang rason lang ng break up namin noon ay dahil lang sa umalis siya. "Parang ang saya saya niyo ah" biglang may nag salita sa likod ko. "Oh kamahalan nandyan ka na pala. Alika uwi na tayo" sabi ko kay Caloy. Ito naman si Caloy makabakod. Biglang buhat sa mga gamit ko at akbay pa sa balikat ko. Well, normal naman sa amin yun pero this time parang ginagawa niya to para lang bakuran ako. Marking his teritory ba. Pag sakay namin sa sasakyan nag simula na siyang mag litanya. "Parang napaka saya niyo ah" unang patutsyada ni Caloy. "Hindi naman nag kukwentuhan lang kami. Ikaw talga lahat na lang pinupuna mo" pabiro kong sagot hoping na mag lighten up ung atmosphere sa sasakyan. Pero after nun wala nag kibo si Caloy the whole way home. Pag dating namin sa bahay hindi na kao nakapag pigil tinanong ko na siya agad.
Kim: Caloy may problema ba tayo? Tahimik mo kasi nung buong byahe eh.
Caloy: Ewan ko sayo Kim.
Kim: Anong klaseng sagot naman yan. Nag tatanong naman ako ng maayos. Ngayon ka na lang kasi ng amok ng ganito sa akin. Ano bang meron?
Caloy: Hindi ko alam kung nag tatanga tangahan ka lang or manhid or nag mamanhid manhidan ka lang dahil sa takot mo sa mga relationships.
Kim: Caloy pwede diretsahin mo na lang ako. Ayaw ko ng mga hula hula na to.
Caloy: *tinigna ng sobrang seryoso si Kim*
Kim: Oh anong tingin yan? Sabihin mo na kasi. May nagawa ba akong mali? Napipikon ka na ba sa akin ngayon? Ayaw mo na bang maging housemate ko? Ano?
Caloy: *lumapit ng mabilis kay Kim sabay hinalikan si Kim*
Biglang bumitaw sa kiss si Caloy. Kitang kita sa mukha kong nagulat ako sa ginawa ni Caloy. Pagkatapos ay bigla na lang siyang pumasok sa kwarto niya ng walang sinasabing kahit ano.
Next Chapter 9
BINABASA MO ANG
No to love please. (on-hold)
RomanceMarami na ring kwento tungkol sa love now-a-days. Pero ito ang isang kwentong magbibigay ang ibang concept sa mga taong mahilig mag deny at mag taguan ng feelings, sa mga taong bumabalik sa akala nilang tama at sa mga taong tumutulak para mapagbigya...