Chapter 9

9 0 0
                                    

*nag ring ung alarm clock ni Kim at sabay hampas ni Kim sa clock* WTH! Ano bang pumasok sa isip ni Caloy at may ganon? Grabe bumubilis ung tibok ng puso ko kakaisip lang sa nangyari. Okay wait let's do the math. Caloy is my friend for a long time. Inaamin ko naman na parang iba talaga lately. I feel more secure, i feel more taken care of, and just safe pag kasama ko si Caloy. I dont think i can ever function kung wala siya sa tabi ko. I'm not saying he completes me but he just inspires me to be a better "Kim". Ano na ba to? *maypintong nag bukas sa labas* Nako baka gising na si Caloy. *lumabas ng kwarto si Kim*. "Caloy?" dahan dahan kong sinabi. "Oh Kim, gising ka na pala. Alika mag kape ka muna. Mag luluto na din akong almusal" enganyo ni Caloy. "Okay. Pababa na ako." sabi ko. Pag dating ko ng kusina talaga namang abalang abala si loko sa pag luluto. Naka salin na din siya ng kape ko sa mug ko. Ano ba Caloy? Mag salita ka naman. Konting pag bungad naman sa nangyari kagabi. Samahan mo na din ng konting paliwanag. Alam naman niyang hindi ako magaling sa confrontation eh. "Kim" biglang sinabi ni Caloy. "OH?" pagulat kong sinabi. "Wag ka ng mag day dream dyan ang makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko. Gusto kong pakinggan mo ng maigi at pag isipan mo ng mabuti. Matagal na nating kilala ang isa't isa. Talagang pati dighay ng isa't isa alam na natin. Pero alam kong nagulat ka sa ginawa ko kagabi. Ako rin nagulat sa ginawa ko. Parang hindi ko na lang talaga napigilan yung sarili ko. Parang sasabog yung dibdib ko nung nakita kong kasama mo si Francis ng ganon tapos kayong dalawa lang. Parang dun ko lang din na-realize kung anong klaseng impact din yung nagawa ni Francis sayo since nagka-gf ako nung high school at hindi tayo gaanong mag kasama. Tapos pag dating natin dito sa bahay mas lalong hindi ko na napigilang halikan ka kasi pakiramdam ko sasabog na talaga dibdib ko kung wala pa akong gagawin sa nararamdaman ko para sayo. Mahal kita. Matagal na. Hindi ko lang alam paano, kelan at saan ko sasabihin sayo. Considering nangyari yung kagabi i figured na i might as well tell you this now kesa naman habang buhay na lang tayong mag hulaan ng kung ano bang ibig sabihin nun. Alam kong ramdam mo ang "iba" sa ating dalawa nitong mga nakaraang buwan, linggo at araw kahit nung hindi pa ako dito nakatira. Gusto kong pag isipan mo ng mabuti kung ano ba talaga ako sayo kasi alam kong iba na din nararamdaman mo hindi mo lang maamin sa sarili mong iba na nga. Pag uusapan natin to mamaya pag uwi natin dahil eksato ding wala tayong pasok pareho bukas kaya pwede natin to pag usapan kahit buong gabi pa" mahabang paliwanag ni Caloy. Wala na akong nasabi kung hindi tumango lang sa sinabi niya. Tahimik lang ako habang papunta kami ng trabaho. Ito na siguro ang pinaka mahabanng panahon na hindi ako nag salita.

Pag dating ko sa trabaho sobrang distracted ako. Marami akong nagagawang mali. Sunog ng pakain dito sunog doon. Hindi ako mapakali. Balisa. Daig ko pang may utang sa bangko na bukas na sisingilin eh. Hindi ako mapalagay. "Kim" biglang may boses na galing sa likod ko. "Oh Francis ikaw pala. Kanina ka pa ba dyan?" distracted kong sagot. "Okay ka lang ba Kim? You seem so distracted. Aba ilang orders din ung nasunog mo kanina ah.What's up?" usisa ni Francis. "Wala. Wag mo na ako intindihin. Mag snack lang ako tapos magiging okay na din ako" sabi ko trying to convince Francis and myself na okay lang ako. "Kim. I know you well enough to know that something's wrong. Can you just tell me what it is? Alam mo naman na mapagkakatiwalaan mo ako diba" pilit ni Francis. "Okay. So kagabi diba nung dumating si Caloy nakita niya tayo na nag tatawanan. So habang nasa car kami tsaka pag uwi namin ang cold cold niya. Na para bang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya. Tapos hindi na siya sumasagot. Tapos out of nowhere bigla na lang niya ako hinalikan. Walang pasabi sabi nag punta na lang siya sa kwarto niya. And then kaninang umaga he made breakfast kinausap niya ako. Sabi niya mahal niya ako at pag isipan ko daw ng mabuti yung mga sinasabi niya dahil mag uusap daw kami pag uwi namin mamaya". Pagkatapos kong mag drama ng pang magpakailanman ang eksena wala namang kibo tong si Francis at nakatulala lang sa akin. "Oi Francis! Mag salita ka naman oh." "Timing din talaga tong si Caloy oh. Kung kelan humohopia akong magiging tayo tyaka naman papasok tong si Caloy sa eksena. Eh teka, ano bang nararamdaman mo about Caloy?" seryosong tanong ni Francis. "Ewan ko. Gusto ko din siya? Mahal ko din siya matagal na? Pero...." nalilito kong sagot. "Mahal mo naman pala siya eh. So anong problema? And you don't have to be so emphatic about it" more tanong ni Francis. "Eh kasi naman Francis. Para akong na-trauma sa mga boyfriend boyfriend at relationship relationship na yan. Lahat kasi ng mga naging boyfriend ko at lumigaw sa akin after mo lahat mga manloloko. Kaya natatakot ako na baka pag nag take chance ako kay Caloy eh lokohin niya lang ako tapos mawala pa yung bestfriend ko" paliwanag ko kay Francis. "Ito na lang isipin mo Kim. Si Caloy ay bestfriend mo. He cares so much about you. Mahal na mahal ka nung tao even as a friend. Sa tingin mo ba gagawa siya ng ikaka-sama ng loob mo? Ng ikaka-lungkot mo? Ng ikaka-sira ng friendship niyo?" subok na pinapa-realize ni Francis sa akin. "Hindi" "Ayun naman pala eh. Anong problema?" "Wala! Mahal ko nga si Caloy! And I'll take this chance to make us both happy. Thanks Francis!" excited kong sinabi. "Oh saan ka pupunta?" confused na tanong ni Francis. "Edi saan pa? pupuntahan ko na si Caloy. Sasabihin kong mahal ko din siya. Hindi ko na mahihintay yung pag uwi namin mamayang gabi. Sige ah ikaw muna bahala dito Francis" sabi ko sabay alis.

Ayan na! Malapit na ako sa office ni Caloy. Excited ako. Ano kaya una kong gagawin? Sabihin ko ba munang mahal ko siya or yakapin ko muna or halikan ko na agad para rekta na! Wala ng duda duda. Walang ng ibang mahabang litanya before the big kiss. Eto na!!! Nag lalakad na ako papasok ng office niya. Nakikita ko na yung secretary ni Caloy!!! Hindi naman ako masyadong excited nu? "Uhmm miss? Nandyan po ba si Carlo?" polite at mahinahon kong tinanong trying to seem polite at pa-dalagang pilipina. "Nako ma' am nagka-salisi po kayo. Kakaalis alis lang po ni sir. Pinatawag po siya ng daddy niya sa Bacolod. May ipapa-asikaso daw po. May gusto po ba kayo ipasabi?" paliwanag ni ate secretary. "Ay ganun po ba? Sige po. Itetext ko na lang po siya. Salamat po. Mauna na po ako" disappointed kong sinabi. Habang nag lalakad ako palabas ng office nila biglang nag text si Caloy. Sabi niya next week na daw kami mag usap pag balik niya. Aasikasuhin lang daw niya yung business eksena ng daddy niya. Ano ba naman to napaka anti-climactic! Yun na sana eh. Kaasar. Di bale. 1 week lang hihintayin ko. Makauwi na nga.

Pag dating ko ng bahay. Itong si Ada tumawag. Lakas ng radar nito eh nu. Nasa ibang bansa na siya pero nasagap niya pa yung balita. "Grabe ka talaga te. Ang laki ng coverage ng radar mo ah" biro ko kay Ada. "Oh so ano nga te? Ano na gagawin mo?" super usisa ni Ada. "Edi ano pa te? Pag balik niya galing bacolod sasabihin kong mahal na mahal ko din siya. Mag sorry din ako na masyado akong takot sa relationships kaya hindi ko agad inacknowledge yung nararamdaman ko para sa kanya at yung nararamdaman niya para sa akin. Ang saya ko lang Ada. As in. Hindi ko maexplain yung feeling" excited kong kinuwento. "Oh eh bakit mo pa papatagalin? Nasaan ba si Kamahalan?" tanong ni Ada. "Nasa Bacolod eh. May pinaasikaso daw yung tatay niya sabi niya at sabi din nung secretary niya" disappointed kong sinabi. "Sa Bacolod?" worried na tanong ni Ada. "Oo sa Bacolod. Paulit ulit?! Bakit ano bang meron sa Bacolod? Oh diba pareho niyong home town yung?" sabi ko trying to lighten up yung pag iba ng mood ni Ada. "Oo. Oh sige kailangan ko na bumalik sa work. Bye te. Take care always ah. Sige" sabay baba ng phone. Bakit kaya nag mamadali tong si Ada. Something's up. Worried yung boses niya pagka-sabi ko ng Bacolod.


Next Chapter 10




No to love please. (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon