Chapter 7

9 0 0
                                    

Iba tong nakaraang week ah. May umalis. May boxing match pa. It's just plain weird. Ngayon ko lang nakitang umasta si Caloy ng ganito. Pero I'm sure okay na siya ngayon. Sana itong mga susunod araw wala ng eksenang mga ganito. Nakakatanda eh. Baka sakaling mabawasan ang palpitations ko.

After 1 and half week since nakaalis si Ada, sa wakas nakausap ko na din siya. Kinuwento ko lahat lahat sa kanya: yung pag aamok ni Caloy, si Francis at Rebecca. Ang pinag tataka ko lang parang NR to si Ada. Parang hindi man lang siya nagulat sa reaction ni Caloy. Pero mas na-question niya pa yung reaction ko nung lumabas si Caloy kasama si Rebecca. Napaisip tuloy ako. Over ba yung reaction ko? Hindi naman ako nagalit. Parang slight tampo lang. Kasi sabi ni Caloy susunduin niya ako if ever gusto ko tapos ganon na lang bigla eeksena si Rebecca. Hindi man lang naikwento ni Caloy yang Rebecca na yan ever. Malay ko ba kung klepto (someone unable to refrain from stealing) pala yun. Tapos manakawan na lang bigla si Caloy or mamamatay tao pala siya. Nako the possiblities are endless. Tapos over na yun para kay Ada. Hindi ba pwedeng concern lang ako? talagang may meaning agad. Agad agad? Palibhasa avid fan nga siya sa imbento niya love team namin ni Caloy.

"Kim. 'Wag ka na mag day dream dyan. Male-late na tayo. Ito na kape mo" istorbo ni Caloy sa train of thought ko. "Ay grabe siya! Late agad. Aga aga pa kaya. Aba lagi mo na talaga naaalala yung kape ko ah" pabiro kong sagot. "Ikaw lang eh. Parang wala lang sayo" pabulong na sinabi ni Caloy. "Ano sabi mo?" kunyari hindi ko narinig. "Wala! Sabi ko halika na. Mamaya sunduin ka pa ng magaling na si Francis. Uminit lang ulo ko eh." "Ay grabe. Mainit agad. Oh siya halika ka na".

Caloy's pov

*habang nasa offce*

Haaay. Almost 2 weeks pa lang kaming magkasama ni Kim sa bahay ang dami dami ng nangyari. Parang ang weird lang. Dati naman kahit may mga nag hahatid at sundo sa kanya na iba okay lang sa akin eh. Pero grabe talaga yung inis ko nung nakita ko yung Francis na pumapapel sa dapat ako yung gumagawa.

Officemate: Oh pare lalim nanaman ng iniisip mo.

Caloy: Pare grabe kasi last week. May naka-sapakan ako. Talagang hindi ko napigilan. Eh medyo nagulat din ako sa reaction ko. Kasi ordinarily naman hindi ako pala away talaga.

Officemate: Oh? Ano ba ginawa nung gago?

Caloy: Kasi si Kim meron silang bagong chef sa restaurant nila. Tapos hinatid pala siya sa bahay nung gabing sinabi kong lalabas ako kasama si imaginary Rebecca. Tapos sinundo pa nung umaga para pumunta sa breakfast meeting. Ayun sinundan ko sila tapos binaba ako. Nagkainitan kami tapos next thing I know, nasapak ko na siya.

Officemate: All that dahil lang hinatid at sinundo niya si Kim?

Caloy: Oo.

Officemate: Alam mo pare, I think you need to re-assess yourself.

Caloy: What do you mean?

Officemate: As in look at the situation obejctively tapos assess yourself, your emotions and actions towards the situation. Alam kong ayaw mo tong naririnig pero tingin ko talaga pare may gusto ka na kay Kim. Hindi nagkaka-gusto but gusto mo na siya. Kasi biruin mo, yung mga reaction at mga ginawa mo ay actions ng isang boyfriend. A clingy boyfriend at that. Isipin mo ng maigi pare. Mahirap naman na kung kelang alam mo ng mahal mo si Kim tyaka pa hindi na pwede.

Caloy: Salamat pare. Gagawin ko yang self re-assessment tactic mo pero pinapangunahan na kita, hindi ko mahal si Kim in that way.

Officemate: Pwede ba pare i-assess mo muna sarili mo. Huwag kang mag salita ng patapos. Matagal mo ng kaibigan si Kim. Pwede naman na hindi mo lang ma-identify ng maayos yung mga nararamdaman mo dahil akala mo dahil lang yan sa best friend mo siya at matagal mo na siyang kilala. Mamaya maunahan kapa nung bagong chef. Sige ka. Ikaw rin.

No to love please. (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon