Ito na. This is the day na aalis na si Ada. Grabe! after all the years ng friendship namin ngayon lang kami magkakahiwalay ng ganito kalayo at katagal. Imagine most of our lives kami na magkasama. Simula no'ng nag nagkahiwalay parent ko at nagkaro'n ng mga sarili nilang pamilya, pamilya na ni Ada ang naging pamilya ko. Halos sa kanila na nga ako noon nakatira eh. Tapos ngayon pupunta na siya ng America. Sana makabuti talaga ang pag alis niya. Mawala na sana lahat ng masasamang bagay sa isip niya para maging masaya na ulit siya. Makakita sana siya ng mga sobrang bait na kaibigan do'n.
"Kamahalan! Male-late na si Ada sa flight niya. Traffic pa. Bilisan mo na" sigaw ko kay Caloy. "Yes ma'am! Umaga kasi kaya bibilisan ko na. Nag kape ka na ba? Ito oh. Nasa tumbler na yan para madala natin" sabay abot ni Caloy sa akin nung kape. Habang iniinom ko 'yung kape, nag mamadali na kaming sumakay ng sasakyan ni Caloy. Mabuti na lang ay walang traffic kaya umabot si Ada sa Flight niya. "Oh Kim 'wag masyado mag mukmok ah. Kausapin mo ng kausapin si Caloy or ipag bake mo siya nung paborito niyong ensaymada para maaliw ka. Mag fefacetime tayo ng madalas lalo na pag settled na ako do'n. Okay?" sabi ni Ada sabay yakap ng mahigpit sa akin. "Oh guys maiiwan na si Ada. Tama na yan" paliwanag ni Caloy. "Mag ingat ka do'n ah. 'Wag ka mag alala, ako na bahala dito kay Kim. At papangunahan nakita. Aalagaan ko siya but not for the reasons na naiisip mo" paalam ni Caloy kay Ada sabay yakap. At ayun na nga pinanood namin siyang pumasok ng airport. Hindi naman kung saan saan na lugar pupunta si Ada pero 'yung iyak ko grabe. 'Kala mo ako 'yung nanay ni Ada na iiwan niya for the first time eh. yinakap na lang ako ni Caloy para mapatahan. "'Wag ka na umiyak. I'm sure mas magiging okay si Ada do'n. Biruin mo after ng ilang taon makakasama na niya ulit 'yung pamilya niya. Hindi 'yung laging tayo na lang kasama niya 'diba? Kaya dapat maging masaya tayo para sa kanya"subok na pag comfort sa akin ni Caloy. *habang sinusubok huminto ng pag iyak* "Ay taray! Kailan ka pa naging ganyan ka-sensible? Parang hindi ko ata namalayan 'yang transformation na 'yan ah. Pero tama ka. I'm sure makakabuti nga 'to kay Ada. Matagal na din siyang destructive sa sarili niya dito. Baka ang pag punta niya ng America ang solution. Alika, uwi na tayo" sagot ko kay Caloy.
*habang nasa sasakyan* "Uuwi na lang ba tayo? Wala ka bang ibang gustong puntahan? Sabado naman ngayon at alam kong off ka ng weekends" tanong ni Caloy. "Ewan ko. Saan mo ba trip pumunta ngayon? Parang wala kong maisip. Alam ko ng gusto mo ako i-cheer up. Kaya go! Ikaw mamili". "Ayan! Good! Ako na bahala sayo"excited na reaction ni Caloy.
After ng mga 2 hours nasa daan pa rin kami. Nakatulog na ako't lahat lahat nag ta-travel pa rin kami. Pero hindi nag tagal meron akong theme park na natatanaw. "Oy kamahalan. Nasaan na tayo? Bumyahe tayo ng dalawang oras para sa theme park?" nang aasar kong tanong kay Caloy. "Ano ka ba? Hindi mo ba 'to naalala? Ito 'yung unang theme park na napuntahan nating magkasama" paliwanag niya. "Wow! I'm impressed! Naaalala mo pa 'yun? Ang tagal tagal na no'n tapos ilang ulit na rin 'tong nag sara at nag bukas" bilib na bilib kong sinabi. "Oh halika na! Simulan na natin 'yung mga rides! Ang dami niyan oh. Baka mag kulang ang isang araw"excited na aya ni Caloy. Talagang lahat ng mga paborito kong mga rides tandang tanda niya pa at 'yun 'yung mga inuna naming sakyan. Talagang kilalang kilala na ako ni Caloy. Alam niya talaga kung ano ang magpapa-cheer up sa akin sa sobrang lungkot na araw na 'to. Alam niya talaga kung gaano ka-importante sa akin si Ada.
Grabe! 4pm na! Hindi na namin namalayan 'yung oras. Hindi pa kami nag la-lunch. "Oy Caloy! Nagugutom na ako. Kain muna tayo." "Ikaw talaga. Basta pag kain hindi p'edeng kailmutan" asar niya pa. Sa dinami-dami ng kainan na masasarap, do'n talga kami nag punta sa paborito ko ng kainan do'n sa theme park. *habang kumakain* "Caloy. Salamat ah. Siguro nag mukmok lang ako buong araw sa bahay kung hindi mo ako niyaya pumunta dito"seryoso kong sinabi. "Ano ka Kim?! Ikaw pa! S'yempre naman! Alam mo naman na ayaw kong nakikita kang malungkot. Kaya kung malungkot ka man, gagawin ko talaga lahat basta kaya ng powers ko na pasayahin ka 'no. Para ka namang bago ng bago" sagot ni Caloy. "Eh kaya nga nagpapasalamat 'diba? Mag thank you na lang kasi." "Edi thank you. Nag eenjoy ka naman ba?" "Oo naman. Buti ikaw kasama ko. Inalis ko na 'yung control ko sa pag tawa kahit ngayong araw lang. Naks! Eh ka-sweet naman ng kamahalan ko *sabay kurot sa ilong niya*" sabi ko. Parang nagulat si Caloy sa pag pisil ko ng ilong niya. *hinawakan niya 'yung kamay ko nung pinisil ko 'yung ilong niya* "Oh bakit? Napadiin ba? Sorry. *sabay bawi ng kamay ko*". "Hindi. Namiss ko lang 'yung pag kurot mo ng ilong ko. *with slightly serious face, at biglang bawi ng mukha* Ikaw kaya nakapag patangos nito! Kakakurot mo!" patawa niyang sinabi. *kinurot ko ulit 'yung ilong niya* "Ah gano'n?! Oh ayan pa!" pabiro kong ginawa. "Araaaaaay! Baliw ka talaga!" natatawang sinabi ni Caloy.

BINABASA MO ANG
No to love please. (on-hold)
RomanceMarami na ring kwento tungkol sa love now-a-days. Pero ito ang isang kwentong magbibigay ang ibang concept sa mga taong mahilig mag deny at mag taguan ng feelings, sa mga taong bumabalik sa akala nilang tama at sa mga taong tumutulak para mapagbigya...