Caloy's POV
Tama ba 'to? Iniisip ko lang din naman kapakanan ni Kim kasi pag alis ni Ada mag isa na lang siya sa bahay. Tama! Wala naman ibang ibig sabihin 'to. Pinapahalagahan ko lang talaga 'yung pagkakaibigan namin ni Kim kaya concern ako sa safety niya. Pero in fairness din dito kay Kim ah. Sobrang galing mag luto. Siya lang ang nakakagawa nung sobrang sarap na ensaymada na sobrang paborito naming dalawa. Hindi alam ng marami pero mahilig din yan si Kim kumanta at hindi lang basta mahilig sobrang ganda ng boses niya mas maganda pa kaysa kay Ada para sa akin. Lalo na pag nag luluto na siya. 'Kala mo concert sa kusina eh. Masinop din sa gamit. Minsan noon pag pumupunta yan sa bahay para mag DVD marathon kami, kahit hindi ako makalat, kinakalatan ko 'yung kwarto ko para mag stay siya ng matagal kasi aayusin niya pa 'yung kwarto ko with matching sermon pa yan. Lalo na nung mga panahon na crush niya pa ako. Tapos talagang kahit ano ipaluto ko d'yan kahit hindi pa siya gaano marunong noon iluluto niya pa din. Ireresearch niya talaga kung paano lutuin para makakain kami ng gusto ko. Early training na din daw niya 'yun dahil gusto niya maging chef. Pero alam kong dahil gusto niya lang ako ipag luto. Ito kasi si Kim eh. Sabi ko naman maski noon pa na pag may nararamdaman na siya mag sabi lang siya. Kaso waley. Hindi niya tuloy nalaman na gusto ko din siya nung mga panahon na gusto niya pa ako. Sinubukan ko naman 'wag siyang gustuhin kaya nga ako nagka girlfriend in the first place. Si Ada lang ata may alam nito dahil madalas niya ako mahuling nakatitig kay Kim pag lumalabas kaming tatlo eh. Kaya solid supporter siya ng loveteam namin ni Kim. Maraming beses na gusto ko na siya ligawan pag nakipag break na siya sa kung sino man ang boyfriend niya. Kaso laging bad break up ang relationships ni Kim. Lagi na lang siya niloloko. Kaya yan na din siguro dahilan kung bakit hindi pa ulit siya nag boboyfriend. At kaya din hindi na sinabi ni Ada sa kanya 'yung last part ng story niya. 'Yung about sa boyfriend niya na niloko siya ng 3 beses at 'yung lalaki pa ang nang iwan.
Wait! Ano ba 'tong naiisip ko?! Kalokohan! Bakit.. Parang.. No! Erase! Erase! Erase! Dapat supportahan ko si Kim ngayon dahil sigurado malungkot 'yun sa pag alis ni Ada. Kung ano ano pa 'tong iniisip ko. Kaibigan ko lang yan si Kim. Nothing more nothing less. -eopov
Nagulat si Ada sa nadatnan niya. "Oh ano 'yan? 1 hour lang ako nawala para maligo ito na aabutan ko?! May pa 'change topic change topic' pa kayo kanina" asar ni Ada. "Oy Ada. Sadyang nakatataya lang akong malapit dahil tinitignan ko kung maayos 'yung pag hugas ni Kim ng pinggan! Imagination mo ah" paliwanag ni Caloy. "Tignan mo si Kim walang imik! Masyadong nag co-concentrate sa pag huhugas ng pinggan. Aminin nagulat ka sa lapit niya sayo" tuloy pa ni Ada. "Uy Ada. Tantanan mo na kasi 'yung katol. Kung ano ano na naiisip mo eh" pilit kong pag change topic. Ito namang si Caloy kasi napaka lapit! Parang ewan lang. T'yaka anong eksena niya? Kailangan ba talagang gano'n kalapit? At kailangan niya ba talagan bantayan kung paano ako maghugas? Alam naman naming dalawa na mas malinis ako sa gamit kaysa sa kanya. Ang weird lang at ang awkward. Ano kaya sasabihin ko sa kanya mamaya? Should i just brush this off? 'Yung parang walang nangyari para walang hiyaan.
Caloy's POV
What the hell was that?! Bakit naman kasi ang lapit ko? Ganda rin kasi mag timing nitong si Ada. Ang lapit na eh. Teka. Bakit ba ako nanghihinayang na naudlot kung ano man 'yung naudlot? Ang gulo lang. Hindi ko na alam. Nakaka tanga lang. – eopov
Okay. Medyo normal na ulit atmosphere dito sa bahay. May kanya kanya kaming ginagawa. Si Ada busy sa pag iimpake. Si Caloy busy sa pag aayos ng kwarto na lilipatan niya sa isang araw. Ako kunyari ginagawa ko 'yung report ko para sa new menu nung restaurant namin. Ang awkward! Ang hirap iexplain nung mga nangyari. Ano ba kasi iniisip nito ni kamahalan at kailangang gano'n kalapit. Hindi ko maexplain 'yung itsura niya nung pag harap ko. *iniisip 'yung eksena na pag harap at sobrang lapit ni Caloy* OMG! Parang sumisikip 'yung dibdib ko. Itsura pa ni Caloy kanina 'kala mo parang ngayon lang nakakita ng taong nag huhugas ng pinggan eh.
Next Chapter 5
BINABASA MO ANG
No to love please. (on-hold)
RomanceMarami na ring kwento tungkol sa love now-a-days. Pero ito ang isang kwentong magbibigay ang ibang concept sa mga taong mahilig mag deny at mag taguan ng feelings, sa mga taong bumabalik sa akala nilang tama at sa mga taong tumutulak para mapagbigya...