Pag gising ko ngayong umaga 4 thoughts agad ang pumasok sa isip ko: 1) Grabe 'yung nag babagang balita ni Ada kahapon. Hindi ko keri. Kawawa naman siya. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganyan siya. Parang sobrang reaction naman ata ito for something that happened a long time ago. Palagay ko meron pa. Nag tira pa siya ng konti. Pero hayaan ko na, I'm sure ibang klaseng courage ang inipon niya to even tell me that much. 2) Omg! Aalis na si Ada in less than 4 days. Sino na kaya ang magiging housemate ko. Nakaka-nega naman kung mag-isa lang ako dito eh ang laki ng bahay nila Ada; 3) Ano kaya lulutuin ko para pumayag si Caloy maging housemate ko? Kasi naman ang ganda din naman ng bahay nila kaya hindi ako mag tataka kung ayaw niya samahan ako; 4) Nasaan na ba 'yung cellphone ko? Kanina pa 'yun tumutunog eh. Wala naman akong ginawang alarm kagabi bago ako natulog. Ay grabe! 15 missed calls from kamahalan! Ano nanaman kaya eksena nitong lalaking 'to?
*tinawagan si Caloy* "Uy Caloy! Okay ka lang ba?" bungad ko sa kanya. "Oo naman. Okay pa sa alright. Bakit?" "Eh kasi naman para saan 'yung 15 missed calls? 'Kala ko tuloy kung ano na. Alam mo naman na kung hindi tunog ng alarm ko eh hindi ako magigising sa kahit anong tunog ng cellphone ko. Ano ba eksena mo?" sagot ko. "Kung ano man ang iniisip mong itanong sa akin, oo na ang sagot ko" confident siyang sumagot. "Huh? Nag katol ka ba? Parang iba nanaman tama mo ngayong umaga ah" mapang asar kong reply. "Tignan mo ugali nito. Ikaw pa ang mang-aasar ah. Oh sige parang ayaw mo eh. Hindi na lang ako ang bago mong makakasama sa bahay. 'Wag na. Nag bago na isip ko" halatang nag papapilit niyang sagot. "Wow! Updated siya. Paano mo naman nalaman na kailangan ko ng bagong makakasama dito sa bahay? Stalker kita 'no?! Sabi ko na nga ba Caloy eh." "Ay grabe siya. Ikaw ata ang nagkatol ngayong umaga. Sinabi sa 'kin ni Ada na kailangan mo ng bagong kasama kasi aalis na siya in 4 days. At papangunahan na kita, kinuwento na din sa akin ni Ada lahat kanina para hindi ka na daw mahirapan mag kwento. So ano, kelan ang lipat ko d'yan?" usisa ni Caloy. "Haaay salamat naman. Akala ko kailangan pa kita ipag-luto para mapapayag kita eh. Gusto mo lipat ka dito habang nandito pa si Ada para naman makita niya kung gaano ka ka-kalat at malaman niyang iniiwan niya ako sa makalat na tao" asar ko kay Caloy. "Oh sige. Mag ayos lang ako dito sa bahay tapos siguro in 2 days lipat na ko". *baba ng call* In fairness talaga dito kay Caloy eh. Maasahan. Ipag bake ko na nga ng ensaymada. Paborito ko rin naman 'yun.
Pag punta ko ng kusina, nando'n na si Ada busy sa pag gawa ng breakfast para sa aming tatlo nila Caloy. "Oh good morning Kim. Upo ka na padating na din si Caloy at malapit na din 'to matapos" proud na pang eenganyo ni Ada. Na-appreciate ko naman ang effort niya eh. Honest. Na-appreciate ko talaga. Pero minsan p'wede pa rin naman 'yung it's the thought that counts na eksena. Sana inisip na lang niya tapos ako na lang nag luto. Kasi kahit gaano ka-talented itong si Ada, hindi ata siya nabiyayaan ng sense of taste. Ibang klaseng masarap ang masarap para sa dila niya. Ilang beses ko na din siya tinuruan pero waley. Ito pa namang si Caloy napaka accident prone ng dila. Masyadong matabil! Pag hindi masarap talagang sasabihin niyang hindi masarap at hindi niya gusto. Nako speaking of the royalty.
"Hello guys!!" masigasig niyang bati. "Taray! Aga natin ah. Naka-amoy ng pag kain kaya mabilis pa sa alas-kwatro" asar ko kay Caloy. Sabay kain niya sa inilutong almusal ni Ada. At aba, for the first time wala siyang reklamo sa lasa. Siguro iniisip na lang niya na aalis naman na si Ada kaya pag bigyan niya na 'yung lasa. In fairness din talaga dito kay Caloy eh. Talagang kahit siya lang ang lalaki sa maliit naming grupo hindi naman siya abuso, maalaga pa. "Oi Kim! Tikman mo na to chef! Tingin ka ng tingin d'yan kay kamahalan mamaya madevelop ka d'yan" nang-aalaskang puna ni Ada. "Uy Ada ang aga. Hindi pa ako nag kakape. Tsaka, ano ulit 'yun? Kay kamahalan? Nag katol ka din 'no?" pabirong sarcastic na sagot ko kay Ada. "Ikaw Kim ah. Mamaya mahal mo na pala ako hindi mo lang sinasabi. P'wede naman natin pag usapan 'yang nararamdaman mo eh" nag yayabang na explanation ni Caloy. "Ay grabe ka din eh. Nag katol kayo ng sabay ngayong umaga 'no? Tsaka, kanina ka pa sa phone Caloy ah, kokota ka na. Makakain na nga lang" sagot kong trying to change the topic. "Sosyal! Umagang uamga magkausap na kayo agad sa phone! Daig pa mag jowa eh. Pero hindi nga. Imagine ang tagal na ng mga huli niyong jowa. It's about time. And maybe baka kayo na nga!" pag pupumilit ni Ada. "Uy Ada! Ang sarap ng luto mo ngayon ah. In fairness walang sunog at walang over sa timpla!" mabilis na change topic ni Caloy. "Aba dalawa na kayong nag pupumilit mag change topic ah. Nako. This is it na talaga guys. Ninang ako ng mga future mini-me's niyo ah" huling hirit ni Ada. "Kainan na!" last comment from me.
Talaga 'tong si Ada. Porket aalis na siya eh talagang itinodo na niya 'yung pagiging solid supporter niya ng tandem namin ni kamahalan. Matagal na kasing boto yan si Ada sa amin ni Caloy. Sabi niya perfect daw kami for each other. Nasasakyan daw namin 'yung trip ng isa't isa kahit minsan sobrang mag kaiba. Tapos pareho daw kaming alaskador at sa isa't isa lang kami hindi napipikon. Madalas ko ngang itanong sa kanya na "'Yun na ba ang batayan mo na bagay kami ni Caloy?". Hindi ba p'wedeng sadyang matalik na magkaibigan lang kami. 'Yung tipong sobrang tagal na naming mag kakilala eh tipong dighay ng isa't isa ay kilala na namin." Actually mas una kong nakilala yan si Caloy kesa kay Ada. Magkapit bahay kasi kami. Tapos no'ng una galit ang papa ko sa kanila kasi makalat daw lagi 'yung tapat ng bahay nila. Tapos hindi ko na maalala 'yung eksaktong pagpapakilala sa amin no'ng okay na 'yung mga magulang namin. Naalala ko na lang na lagi talaga kami nag lalaro at lagi magkasama pati school, pati nung pag lipat ng school sabay at pareho din. Siguro kung pareho kami ng course no'ng college malamang pareho din school namin no'n. I must admit naging kras (crush) ko yan dati si kamahalan. Ewan ko ba basta parang iba na lang. Kaso nagka girlfriend na siya tapos may ibang lumigaw na din sa akin. Kaya ayun walang pinuntahan. Hindi ko alam kung nalaman ba niya ' yung tungkol dun pero knowing how well he knows me I'm sure alam niya 'yun. Sadyang hindi na lang namin siguro napag usapan kasi umaariba 'yung lovelife namin no'ng highschool. Kahit torpe si kamahalan nagkaro'n din naman siya ng mga girlfriend madalang at konti pero meron naman. 'Tong si Ada kasi, naalala ko tuloy.
"Lalim ng iniisip mo friend ah! Okay lang 'yan. 'Wag mo masyado dibdibin ang pag huhugas ng mga pinag kainan, may likod ka pa" puna ni Caloy. "Tignan mo ugali nito. Tahimik lang mag hugas may malalim na iniisip na agad. Hindi ba p'wedeng sadyang tahimik lang talaga." "So ganito ka pala sa umaga. Hindi naman mainit ulo mo pero MAS sarcastic ka pala. Medyo tahimik. Anong oras nagiging okay mood mo?" mapang asar na tanong ni Caloy. "Mas sarcastic ba? Ikaw naman maliit na bagay. Madalas okay na ako after ng unang kape ko. Tapos mag luluto na ako ng almusal namin ni Ada." "Ahhhh. At least ngayon alam ko na. Uy teka baka affected ka sa asar ni Ada ah. Baka talagang nadedevelop ka na sa akin ah. Mag sabi ka para hindi ako magulat" tulak pa ni Caloy. "Parang ikaw ang pilit ng pilit na gustuhin kita eh. Baka ikaw pala ang nadedevelop sa akin ah. Binabaliktad mo lang 'yung sitwasyon. Kaya ikaw pala dapat ang mag sabi sa akin para ako ang hindi magulat" asar ko pa kay Caloy. Hindi ko alam na 'yung kinakatayuan ni Caloy ay sobrang lapit lang sa akin. Kaya lumingon ako para tignan 'yung reaction niya sa asar ko. Pag lingon ko may 5 inches lang ang layo niya sa akin, nakatitig lang siya sa akin sabay sabi ng "Uhmmm. Paano...". Tapos biglang pumasok sa kusina si Ada.
Next Chapter 4

BINABASA MO ANG
No to love please. (on-hold)
RomanceMarami na ring kwento tungkol sa love now-a-days. Pero ito ang isang kwentong magbibigay ang ibang concept sa mga taong mahilig mag deny at mag taguan ng feelings, sa mga taong bumabalik sa akala nilang tama at sa mga taong tumutulak para mapagbigya...