Chapter 10

13 0 0
                                    

Caloy's POV

Excited naman akong umuwi. Makikita ko na ulit si Kim at mapag uusapan namin ang tungkol sa amin. Pero ito kasing tatay ko eh. utos utos pa. *nakita across the room ung tatay niya*

Caloy: Pa! Ano bang importante mong ipapagawa at pinapunta mo pa ako dito sa probinsya natin?

Tatay ni Caloy: Anak. Seryosong bagay tong pag uusapan natin. Maaapektuhan ka, ang buong pamilya ang negosyo at higit sa lahat kayo ni Kim.

Caloy: I understand all the other thing na maaapektuhan. Pero bakit pati si Kim?

Tatay ni Caloy: Caloy. Naaalala mo pa ba si Tito Andy mo? Yung tatay ni Ada?

Caloy: Oo naman. Sino bang makakalimot dun kay tito at tsaka pa, alam mo naman na hanggang ngayon magkakaibigan pa rin kaming tatolo nila Kim diba. Diretsohin mo na lang kasi ako pa para maintindihan ko.

Tatay ni Caloy: Nung mga bata pa kasi kayo nagkaroon ng problema yung company natin. Sa kanila kami humingi ng tulong. Kaso si Tito Andy mo noon napaka trditional na tao. Mabait siya, oo, pero lahat noon grabe ang kapalit. Hindi na daw siya hihingi ng perang bayad basta daw ay ipagkasundo namin kayo ni Ada. Dahil gusto niya daw na yung yaman nila will be kept among their family. At nag agree kami ng mommy mo sa kanya noon dahil wala kaming magawa. Kailangan talaga ng company.

Caloy: Pa. Joke time ba to? Parang galing naman ng makalumang storya yang mga sinasabi mo.

Tatay ni Caloy: Alam kong mahirap paniwalaan anak. Pero yan ang totoo. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo kasi malapit na kayo ikasal anak.

Caloy: Ano? Ano to pa? Kaibigan ko si Ada and I care for that person pero hindi si Ada ang gusto ko.. Actually sasabihin ko din nga sana sayo ngayon na si Kim ang gusto ko. At if ever magiging kami na.

Tatay ni Caloy: Si Kim? Caloy bakit si Kim? Hindi maganda ang family status nila. Hiwalay ang mga magulang niya. At pareho pa yung mga magulang niyang hindi mayaman at average lang. Wala siyang maitutulong sa pag asenso ng company natin. Don't get me wrong anak. Nakita ko na rin yang lumaki si Kim, napamahal na rin sa akin yang bata na yan at bilib ako kung paano niya inasenso ang sarili niya kahit mag isa lang siya. Pero anak naman.

Caloy: Pa kelan ka pa naging mababaw? Kelan ka pa tumingin sa mga ganyang aspects ng tao. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo!

Tatay ni Caloy: Anak pag isipan mo muna. Kasi nag hahabol na si tito Andy mo. Nag tatanong na siya kung kelan na namin aasikasuhin ang kasal niyo.

*nag walk out si Caloy. Pumunta sa kwarto niya para tawagan si Kim*

Caloy: Kim! Miss na kita.

Kim: Ako rin Caloy. As in 1 week ka talaga diyan? Hindi ka ba uuwi ng mas maaga?

Caloy: 1 week talaga eh. medyo ang gulo pa ng mga sinasabi ni Pa pero uuwi ako after 1 week.

Kim: Since 1 week ka talaga diyan, pwede na ba natin pag usapan as in now na yung about sa nangyari kagabi at kaninang umaga.

Caloy: Good news ba yan? Parang hindi ko keri kung bad news nanaman.

Kim: Super good na good na good na news!

Caloy: Oh sige ano na ang napag isipan mo since nung nag usap tayo kaninang umaga?

Kim: Mahal din kita. Matagal na. Parang hindi ko maamin sa sarili ko kasi nadala ako eh. Tyaka parang if something were to happen na hindi maganda parang hindi ko din keri na mawala ka.

Caloy: Mahal na mahal din kita Kim. Pag uwi ko mag celebrate tayo ng sobra ok? I love you.

Kim: Oo. I love you too. Teka. What do you mean "nanaman"? Is something wrong? Nag away ba kayo ng dad mo?

Caloy: Hay nako Kim. Itong tatay ko parang nag uulyanin na hindi ko maintindihan. Ang daming non-sense na sinasabi. Ikwento ko sayo pag uwi ko ah.. Pasensya na napaka anti-climactic nitong aminan eksena natin pero i really have to go na. I promise pag uwi ko dun tayo mag celebrate at super mag pay attention dito ok?

Kim: Ok lang Caloy.. Sige do your best diyan.. bye..

Caloy: Bye. I love you.

Kim: I love you too.

Napaka gulo ng nangyayari. Ang tagal kong hinintay tong pagkakataon na matanggap namin ni Kim na mahal namin ang isa't isa. Tapos may ganito. Teka. Alam kaya ni Ada yung tungkol dito. *tinawagan si Ada*

Caloy: Ada. May problema.

Ada: Hindi na ba uso ang hello kamahalan?

Caloy: Listen Ada. There's no time for jokes. May sinabi si pa sa akin. Ngayon ngayon lang.

Ada: Ano? Tungkol ba yan sa kasal natin?

Caloy: Alam mo? Eh bakit hindi mo naman sinabi sa akin?

Ada: Hindi ko alam kung paano Caloy. Alam kong mahal niyo ni Kim ang isa't isa kaya parang i never gotten around telling you. Alam ko kasing masasaktan ka at si Kim.

Caloy: So anong balak natin? I'm sure na ayaw kong magpakasal kasi si Kim ang mahal ko. At alam kong alam mo yan matagal na. Kaya hindi ako papayag na makasal sa ibang tao.

Ada: Ayun! That's it!! Pakasal kaya kayo ni Kim.

Caloy: Uy Ada. Parang hindi mo naman kilala yung Kim. Hindi yun papayag ng sobrang bilis na ganito. Kahit ba matagal na kaming magkakilala. Tsaka sa tingin mo pag nakasal kami ni Kim titigil na ba si tito Andy? Hindi na ba niya ipipilit yang kasundo kasunduan na yan?

Ada: Well yan ang hindi ko alam. But it's worth a shot. don't you think so? I mean paano kayo ni Kim kung mapapakasal ka sa akin?

Caloy: Basta i'll figure this out. Uuwi na ako bukas ng Manila. Ayaw ko mag tagal dito sa Bacolod.


Next Chapter 11





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No to love please. (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon