Chapter 2

4 0 0
                                    


Ayan, tumawag na si tito Andy. Siguradong isang kilong sermon nanaman ang abot niyang si Ada. Ever since kasing nag bago siya talagang umariba na din ang sermon powers ni tito eh. Kaya 'eto sabi ko punta muna ako sa bakery sa kanto para naman may privacy sila at maikain ko ang pagka-gulat ko sa unang kwento ni Ada. Pero sinasabi ko na nga ba. Tama ang hula ko. Mag sisimula ang kwento ni Ada dun. Pero grabe pala talaga naranasan niya. Ibang klaseng torture 'yun eh. Parang bangungot that came to life. 'Yung nag bubully din kasi sa kanya talagang notorious din ang reputation nung lalaking 'yun. To the highest level ang place n'ya sa mean-o-meter. Pag iniimagine kong nasa loob ng maliit naming chapel si Ada habang iniisip niya kung kelan matatapos 'yung dinadanas niya, nakakalungkot talaga. Lumipat na kasi ako ng school 1 year before ito mangyari. I figured na magiging okay lang naman si Ada sa pag lipat ko kasi napaka positive niya at marami pa siyang ibang kaibigan. Mali pala. Kaya ang solution noon nila tito Andy ay ilipat si Ada ng school para matigil na 'yung pang bubully.

Makalipas ang 30 minutes ng pag mumuni-muni at pag kain ng 2 ensaymada dito sa bakery, parang natatanaw ko na si kamahalan este si Caloy pala. Nakagawian ko na siyang tawaging kamahalan kahit napaka-ikli lang naman ng palayaw niya. Ang sosyal kasi ng buong pangalan niya eh. Frederiko Montecarlo Salvador. Oh 'diba (muntik nang maging monterey, 'yung tindahan ng karne). Parang royalty na hindi mo maintindihan. Masyadong maka-luma. Lakas makatanda. Sa sobrang sosyal ng pangalan niya ilang libong pang-aasar na ang inabot niya sa akin. At lagi siya napipikon noong mga bata pa kami nila Ada kasi wala naman siya mai-asar sa pangalan ko. Kimberly Perez. Simple. Pero ngayon talagang nakagawian ko na lang na tawagin siyang kamahalan. At in-fairness din dito kay Caloy, ubod naman ng bait. Kahit mayaman hindi naman siya mayabang at simple pa. Bobplaks nga lang pag dating sa babae. Kaya lagi lang kami ni Ada ang kaibigan at kasama niyang babae eh.

"Oy Kim!" masigasig na bungad ni Caloy. "Bakit mag isa ka lang d'yan? Napaka takaw mo talaga. Hindi ka man lang nag aaya. Balak mo ata ubusin 'yung ensaymada nila Aling Turling eh (may-ari ng bakery)". "Alam mo kamahalan iba talaga timing mo eh. Kung kelan isusubo ko na t'yaka ka pa na-ngonsensya sa pag kain ko ng ensaymada. Oh 'eto sa'yo na" pabiro kong sagot. *isinubo ng buo ung malaking tira ng ensaymada* "Oh, so bakit ka nga nandito mag isa? Nasa'n si Ada? Mukha ka kayang baliw dito. Naka tulala ka pa habang kumakain" punong bibig niyang inusisa. "Ay grabe siya. Bad manners talaga. Nako tumawag kasi si tito Andy at sinesermonan pa si Ada. Ibang klase din kasi 'tong kaibigan natin. Na-E.R. nung isang araw. Alcohol poisoning/intoxication. Ibang klasing laklakan ang ginawa." "Oh?! Bakit hindi mo sinabi sa akin para naihatid or nasundo ko man lang kayo sa ospital". "Nako hindi na. Okay lang 'yun. T'yaka ang bilis din ng mga pangyayari. After ako tawagan nung mga kainuman ni Ada pumunta na ako agad sa ospital kaya hindi na kita nasabihan. Buti na nga lang, kahit malayo, dinala si Ada dun sa dating ospital ni tito Andy kaya mabilis ang pag asikaso sa kanya. Grabe nakakatakot Caloy. Ang tagal din nagising ni Ada" kwento ko kay Caloy. "Si Ada kasi nag iinom hindi naman nag yayaya. Buti okay na siya nagyon. 'Yan nga lang katakot takot na sermon ang abot niya kay tito Andy. Nakakatakot pa naman boses no'n ni tito". "Ay grabe sinabi mo pa. Dapat nga ako ang kakausapin no'n para tanungin ng mga bagay bagay tungkol kay Ada eh. Buti na lang sabi ni Ada siya na daw kakausap at sigurado naman siya na siya daw talaga ang gusting kausapin. Oh siya babalik na ako sa bahay at hindi pa tapos 'yung kwento ni Ada". "Kwento? Anong kwento? I feel so left out ah. Sama ako" pabirong pag pupumilit ni Caloy. "Hay nako Caloy. Kulit mo talaga. T'yaka ka na sumama. Medyo deep ang mga kwento ni Ada ngayon. Itatanong ko muna kung p'ede ka ba sumama or kung p'edeng ikwento ko na lang sa'yo. Huwag ka ng mag pumilit kamahalan. Okay?". "Sige na nga. Balitaan mo na lang ako".

Pag dating ko sa bahay nakita ko si Ada na nanonood na ng t.v. Napaka bihira lang nito manood. Siguro tapos na ang sermon ni tito sa kanya. "Ada? Keri na? Tapos na ang sermon?" marahan kong tinanong. "Oo tapos na. iKukweto ko din sa'yo 'yung sermon ni daddy sa dulo".

Ada's Story Part 2

Ito na nga. Alam mo naman ang solution ni daddy noon 'diba. Gusto niya na ilipat ako ng school. Which is okay naman sa akin. Parang lahat bago. Pakiramdam ko p'wede ko ng gawin lahat. Sinubukan kong ibalik 'yung dating ako na nawala simula nung na-bully ako. Pero nando'n pa 'yung takot na baka hindi ako matanggap ng mga tao dahil sa itsura ko. Nahirapan akong mag tiwala. Alam mo bang siguro mga isa o dalawang buwan pa bago ako nakahanap ng mga kaibigan na lagi kong nakakasama. Ganun kahirap. Pero naging okay naman eventually. Hanggang sa 'yung isa naming barkada nag simulang magka-gusto sa akin. Lagi ko na nga lang siya binabasag para lang maiba 'yung topic. "Eh bakit naman kasi iniiba mo? Ayaw mo ba do'n sa barkada mo?" inusisa ni Kim. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, hindi ko lang kaya mag tiwala. 'Yung klase ng trust na, mag cocommit ako sa kanya. Pero nung 4th year high school na kami sinubukan kong mag tiwala sa kanya. Sinubukan namin na maging kami. Masaya. Kasi after all the bullying, sumaya bigla 'yung pakiramdam ko. Kaso mali pala na nag tiwala ako. Kahait alam niya 'yung pinag daanan ko niloko pa rin ako nung barkada ko. Humingi siya ng chance. Sabi ko sa kanya na baka matagalan bago ako ulit mag tiwala sa kanya. Hanggang sa napagod na din 'yung tao sa kaka-hintay. Tapos we lost contact after high school. Do'n ko napag isip isip na, wala pala talaga. Talagang maliban sa magulang ko, ikat at si Caloy lang mapagkakatiwalaan ko. Simulan lahat ng lumigaw sa akin binasted ko. Kasi pakiramdam ko lolokohin lang ako ng lahat. Nung college naman mas mahirap na. Ang naging barkada ko na lang at 'yung mga kainuman ko. Kaya mahirap Kim. Sobrang hirap. I feel so lonely. Kaya naman ang bagong solution ni daddy ay pumunta na ako sa America. Do'n nalang daw ako kasama nila. Mag simula ulit. At 'yun ang dahilan ng pag tawag niya kanina. P'wede ka pa rin daw mag stay dito sa bahay dahil wala naman daw ibang titira dito. "Ano?! Aalis ka? Parang biglaan naman 'to te. Kanina gusto ko lang maintindihan kung bakit ka ganyan tapos nauwi tayo sa aalis ka na" gulat na gulat na reaction ni Kim. Ito lang ang nakikitang solution ni daddy. 'Wag ka mag alala we'll keep in touch. As in seryosong keep in touch talaga. Promise. P'wede mo din yayain si Caloy mag board dito para may kasama ka. I'm sure papayag 'yun. Tapos masarap ka pa mag luto at P.G (patay gutom) naman siya kaya papayag 'yun. – end of Ada's Story part 2



Next Chapter 3


No to love please. (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon