Chapter 1

9 1 0
                                    

Parang yung kaibigan kong si Ada. Napaka positibong tao. Nung nagpasabog ng positive attitude sa mundo talagang nandun ata siya sa unahan with matching open arms para lang kunin lahat ng positive energy. Sobrang masayahin. Lahat kinakaibigan niya. Wala siya sa honor roll pero matalino at pumapasa siya sa lahat ng mga tests at projects sa school. Hindi nga lang kagandahan at katangkaraan pero talented. Sumasayaw siya at sumasali pa sa mga group dance competitions sa school namin noon at nananalo naman ung grupo niya. Magaling din siya kumanta. Nasa tono and everything ang kanta niya. Sumali din siya ng singing contest nung high school sa ibang school kaso hindi siya nananalo kasi biglaan. Hindi daw siya prepared. Hindi naman siya pumiyok at nasa tono naman kaso hindi nga lang talaga siya prepared according to her. Oh di'ba? Parang napaka active niya? Talo pa niya ung mga officers na nasa student body namin eh. Ubod ng bait! As in maaasahan na kaibigan. Game sa lahat ng lakad at sa kahit anong trip ng barkada 'wag lang illegal at masamang gawain (s'yempre joke lang yung may illegal na part, wala namang mga gano'n na eksena). Marami din siyang kaibigan noon at talagang binubuhos niya ang lahat lahat sa mga kaibigan niya.

Ewan ko ba d'yan kay Ada. Parang hindi nauubusan ng positivity eh. Kaya minsan napapaisip na lang ako, napapa-imagine. What if Ada is the opposite? Yung Ada na napaka-negatibo. Napaka tamad. Yung tipong maski sa tindahan sa kanto eh hindi mo na mayayang sumama sa'yo. Yung Ada na puro "no" na lang ang alam isagot sa kaibigan. Yung nag-aaral pa rin naman ng mabuti pero para na lang pumasa at matapos dahil nawalan na siya ng motivation to aim as high as she could. Grabe! Iniisip ko palang, parang ako naman ang nawawalan ng motivation at parang mag eevaporate ung katiting na positivity na meron ako. Ang hirap lang kung bigla bigla eh mag bago si Ada. Parang sa tingin ko isang malaking bagyo lang ang makakapagpa-bago dito kay Ada. Pero ang hindi ko talaga inaasahan kung gaano kabilis dadating 'yang bagyo na 'yan at kung gaano ba kalakas 'yung bagyo. Kasi biglaan eh. Lahat nung iniimagine ko naging totoo. Dahan dahan naman 'yung pag babago ni Ada pero nung full blown na, dun pa lang na parang sinapak ako nung sitwasyon sa mukha. Ibang-iba na si Ada. Bukod sa pag inherit niya ng lahat ng negativity sa mundo. Eh nadagdagan pa ng pag mamasteral niya sa iba't-ibang bisyo. Alak. Yosi. Buti na lang never siyang nagka-interest sa droga. Ang labo. Hindi ko maintindihan kung ano nangyari. Wala naman naikukwento itong si Ada. Kasi pakiramdam ko sa sobrang bait niya sa iba, nakalimutan niyang maging mabait sa sarili niya at humingi ng tulong nung hindi na niya kinakaya 'yung bagyo.

Kaya 'eto nandito kami pareho sa emergency room. Tinawagan ako nung isa sa mga kainuman niya. Tuliro. Hindi na daw niya alam ang gagaawin kay Ada. "hello?! Ito ba si Kim?!" nag aalalang bungad sa 'kin sa cellphone. "hello? Oo si Kim nga 'to. Sino to? Galit lang te?!" pabiro kong sagot. "Nag pass out si Ada! Hindi namin siya magising! Parang hindi lang siya basta na-himatay sa lasing!" "Ano?! Oh edi tumawag na kayo ng ambulansya, taxi, jeep, pedicab or kung ano man meron d'yan at dalin niyo na sa E.R.! Text mo sa akin kung saang ospital". Sabay baba ng cellphone. Bigla na lang akong napalitanya sa sarili ko habang papunta sa ospital. "Ito na nga ba sinasabi ko eh. Hindi kasi siya nadadala sa awat! Gusto niya maranasan niya muna lahat ng hirap bago siya tumigil sa pang aabuso niya sa katawan niya. Haaaaay nako Ada!"

Pag dating ko sa ospital, bumulaga sa akin 'yung kaibigan niyang mukhang adik. "Kim! Bakit ang tagal mo naman dumating? Hindi ko alam 'yung mga tinatanong na information ng mga nurse tungkol kay Ada." "Pasensya naman ah. Traffic eh. Wrong timing tong kaibigan ni'yo eh. Kung kelan ang daming rally at ginagawang kalsada t'yaka pa nagkaganito. At kayo, bakit ang layo naman ng ospital na pinili niyo?" Pagalit kong sagot. Pinuntahan ko na agad si Ada. At sa sobrang swerte ni Ada, wala pa raw available na room or cubicle sa mga ward kaya dun daw muna kami sa E.R.

Habang fini-fill up-an ko 'yung mga forms ni Ada, hindi ko na talaga mapigilang mapa-isip kung ano ba talaga ang nangyayari sa kaibigan ko. Nasa ibang bansa naman mga magulang niya at it's not like 12 years old pa 'to si Ada para ipaalam ko lahat sa magulang niya (responsibilidad niya na 'yun pag gising niya). Mas lalo ko nang hindi maintindihan. Akala ko pa naman medyo nagiging okay na ang lagay niya dahil college graduate na siya at board passer pa siya. Marami siyang dapat ipag-celebrate dahil lately maraming magagandang bagay ang dumadating sa buhay niya. At least I thought kahit lay-off sa bisyo ng ilang buwan pero wala eh. Napapaluha ako sa kakaisip kung ano ba ang nangyayari kay Ada. Kapag tinatanong ko naman siya lagi lang niyang sagot ay "Okay ako Kim. Pag hindi ko na kaya ihandle sasabihin ko naman sa'yo.". Kahit ilang ulit ko pang ulitin 'yung tanong ko sa iba't-ibang araw ganun pa rin ang lagi niyang sagot. Kinikimkim niya lang lahat kahit hirap na siya.

No to love please. (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon