Episode 1-- Good News

9K 225 9
                                    


"The Things i do for Love"

-Courage TheCowardlyDog

                *               *             *

•BLAZE POV•

Pag dating ko sa bahay ay agad akong nag mano sa aking lolo na naka upo sa maliit namin sofa na ibinigay ng kapitbahay namin, Yep. Sobrang bait ng kapitbahay namin dito, Lahat ng tao dito sa village namin ay mabait at mapagbigay! Kaya laking pasasalamat ko sa May taas na dito kami napadpad.

"Mano po Lo. May dala po akong ulam natin. At eto po yung sweldo ko dun kay Tiyang"
nag mano ako kay Lolo at binigay ang aking sahod.

Kahit masakit ang aking katawan sa maghapong trabaho ay pilit ko pa ring ngumiti kay Lolo, Siya ang aking dakilang lolo na nag aruga at nag mahal saakin. Hindi ko alam kung nasaan ang aking mga magulang ngunit hindi na ako nag tanong pa, masaya na ako kay Lolo dahil hindi niya ako iniwan.
Sapat na siya sa buhay ko.

"Tara kumain na tayo apo. May magandang balita ako sa iyo." Masayang masaya si lolo..
Napatingin ako sa nakangiting mukha ni lolo

Inihanda ko ang lamesa at umupo kame ni lolo sa hapag kainan.
Nagdasal muna kame ng pasasalamat.

"What's the important news lo?"
Charot englishera lang ang peg.
Naexcite tuloy ako.

"Ah apo. Sinagot ng may taas ang aking dasal. Makakapag aral kana apo. Dahil sagot ng Eskwelahan ang iyong gastos. Napakabait ng aking kaibigan"
biglang napaluha si lolo.
nabitawan ko ang aking kutsara at napanganga kay Lolo.
Nawala ang ngiti ko sa aking mukha at napalitan ng lungkot.

Hala!? Ano daw?
Tumigil ako sa kakanguya. Buti at di ako nabilaukan

"Pe-Pero lo.. paano po kayo?"
Nagulat ako sa biglaang balita ni lolo.
Hindi ko kayang iwan si lolo ng basta basta.
Siya ata ang tumayong magulang ko.




natigilan si lolo at tumingin saakin.


"Hindi habang buhay kang magtatrabaho apo. Hindi ito ang gusto kong buhay na ibigay sayo."
seryosong sagot ni Lolo. Halos sumakit ang lalamunan ko sa pagpigil ko ng aking luha.
Ayokong umiyak sa harap ng hapag kainan.

Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy kumain.
Punong puno ang utak ko.
Paano na si lolo?


Sinong mag aalaga sakanya?



Napabuntonghininga ako wala sa oras.

Si lolo ang nagligpit ng aming kinain.
Bilin niyang ayusin ko na ang aking gamit dahil bukas na bukas din ay aalis na kame.
Oo, sobrang bilis. Yung tipong utak ko nag loloading palang, katawan ko natumba na.

Napaiyak ako sa kakaisip na iiwan ko ang aking pinakamamahal na lolo.
Hindi ko malubos na mapapatawad ang aking sarili pag may nangyari kay lolo habang wala ako dito.



Hay.




Ayoko din madisappoint siya saakin kapag tumanggi ako.

Tapos ko ng inilagay sa bag ang lahat ng gamit ko.
Mga damit at personal kong gamit. At.....




Si Blave.





Ang aking cute na cute na cute na stuff toy na baby panda.
Well. Guess niyo kanino galing to?
Edi sa one and only Dave Levine ko.
Ay oo nga pala. Umalis na sila last year, grabe isang tanke yata ang luha ko nung umalis sila. 1 week yata ako iyak lang ng iyak nohhh
Eh kasi naman aalis na ang lovie dovey ko. Huhuhu My first love.
Kaya eto ang souvenir niya saakin sabi niya babalikan niya daw ako
How true?
Kung babalik man siya sana pakasalan niya na ako. Hehe
Grabe nuh? Head over heels talaga ako sakanya.



-Throwback-


Heyy.. wag ka ngang umiyak blazey, buhay pa naman ako eh. Babalik ako promise.

Huhuhuhu. Paano na ako dave? Iiwan mo na ako. May makikita kanang iba duun. Ma eerase na ako sa memory mo. Huhu. Wag ka nalang umalis please.

Sorry blazey. Wala na kasi ako magagawa eh. Si mommy kasi ang may gusto neto. Ah! Eto nga pala souvenir ko sayo.

At binigay niya sa akin ang isang napakacute na panda stuff toy

Tumigil ako sa kakaiyak *sniff* *sniff*
Nang makita ko ito, niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit na mahigpit.

Balik ka uh? Hintayin kita.

Oo naman blazey.

At niyakap niya at nagkiss sa hair ko.
Hayy.
Maghihintay ako sa pagbabalik ng aking love.

At etong panda?
Il name him 'Blave'
Blaze Love Dave. Yeeeee hehehe.

-End of flashback-



Habang yakap yakap ko si blave di sinasadya akong nahulog sa upuan.


BLAAAAAAGGGG!!




aray!!!!!!
Anak ng palaka naman. (-.-)

Kainis oh. Tanga tanga ko naman.
Hinilot hilot ko ang aking nauntog na ulo.
Pshhh. Dave kasi eh. Bulabog tuloy utak ko,

Ay oo nga pala! Balik nako sa earth sobrang lutang na ata yung utak ko.
Napalunok tuloy ako,
Anong kapalaran kaya ang naghihintay saakin sa bago kong paaralan?



*goosebumps*


This is now or never.
Dapat maging matapang ako

**

Hoooorraaaayyy!
At nagawa ko din hahahahaha
Abangan ang next episode.
Bitin bah? Or boring?
Feel free to message me or..

Hit the vote button. Hihi

Xoxo,
Crey. ♡

Alice Wonderland Academy (Awesomely Completed!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon