Episode 2-- New School

6.9K 204 15
                                    

"All you need is a a little faith, trust and pixie dust."

-Peter Pan

                              **

•BLAZE POV•

This is it! Time to say goodbye to our home, my home for 17 years
Naiiyak nananaman ako
Sana pwede ako bumisita dito kahit saglit. Pero sabi ni Lolo depende pa daw sa patakaran ng school.

Naman! Siguro ang strikto ng school na yon.
Nagtataka talaga ako kung bakit bawal lumabas?


Lakad lakad lakad



Nakita ko na si Lolo gamit niya ang kotse ni Mang Isko, yung kaibigan niya na trabaho dati.
Siya lang kasi yung may kotse dito sa lugar namin.
Di kasi uso ang 4 wheels dito, 4 wheels na bike lang.

Oo, tuloy na tuloy na talaga ako.
Wala nang urungan to.




Wala na akong choice, kundi ang sundin si Lolo Henry.

Sa lalim ng iniisip ko,



Nang di sinasadya.



BLAAGGGG!
ay!
eto nanaman ako.
Ewan ko ba kung may problema ba ako sa paa at lagi ako natatalisod.
Ang sakit pa naman!

Apo!? Ayos kalang ba?
Tanong ni lolo na nag aalala.
Tumayo ako at pinagpag ang dress ko.
Eh kasi naman. Yung paa ko eh!


Opo lo. Ayos lang ako. Hehe
At pinasok ko na yung bagahe ko. Bye bye na talaga to.

Habang nagmamaneho si Lolo ay bigla siyang nagsalita.
Mahinahon at ngumingiti pa ito.

"Apo magpapakabait ka doon ha. Susulatan kita parati. Alagaan mo ang sarili mo at higit sa lahat magtiwala ka na kaya mo at magagawa mo ang lahat."

Wow. Lalim naman!
Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana.
Ayoko tumingin kay lolo, naiiyak lang ako.

After 1 hour nag stop by kame sa isang Gas station na may grocery.
Narinig ata ni lolo yung Call of Tyan ko. Umaalboroto na kasi, sa sobrang dami ng iniisip ko kanina, nakalimutan ko nang kumain.
Gutom na gutom na gutom na ako.
Kaya lumabas at tumungo si lo sa Grocery.

Lumabas ako at umupo sa bench.
Napansin ko na may tumitingin saakin.
Sa kotseng Blue. Wow ha? Ferrari.
ang yaman naman. Sa magazine dun sa may parlor ko lang kaya to nakikita.
Paglingon ko ay biglang nagsara ang bintana (which is tinted).
Hmmmmmmmm??
Sino kaya yun.

May maliit na kunehong puti ang lumapit sa kinauupunan ko.

Hah!

Wowwwwwww!!!
ang lapad ng ngiti ko.
Bahala na isipin nilang mukha akong baliw.
Eh ang cute cute kaya ng white bunny na ito.
Inilapit ko ito sa nose at lips ko para halikan.
Ayyyy!! Tumingin nanaman yung lalake sa tabi ng driver's seat.
Malapitan ko nga
Total na good vibes na ako ng cute na bunny na to.

Dala ang nakakalokong ngiti ko lumakad ako papunta sa kotse at nagsara ang bintana.
Magkakatok na sana ako ng biglang......

Alice Wonderland Academy (Awesomely Completed!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon