Episode 32-- Sacrifice

2.8K 63 0
                                    

(Blaze Pov)

Kahit hinang hina na ako ay sinikap kong bumuo ng napakalakas na fire ball, gawin ko itong malaki. Sapat na upang mawasak ang mag amang demonyong yan.

"Blaze! Anong ginagawa mo?"
tanong ni clark.

Pero parang bingi lang ako at patuloy pa rin sa pag buo.

wag mong hayaan lamunin ka ng galit at poot

wag mong hayaan lamunin ka ng galit at poot

wag mong hayaan lamunin ka ng galit at poot

paulit ulit ko itong naririnig sa aking utak. pinatay nila ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Nakatayo na ang mag ama, at kung hindi ako nagkakamali ay nakita kong ngumisi si Haring Lusyfer saakin.
Wala man lang bahid ng kahit konting takot ang dalawang to, at parang inaasahan pa nga nila ito.

"Oh ituloy mo na yan. Para makabayad naman kami sa pag kamatay ng lolo mong walang kwenta!"
Sigaw ni Damon, pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng aking dugo at lalong dumilim ang aking paningin.

"Magbabayad kayoooooooo!!"

binitawan ko ang aking napakalaking fire ball at isinentro ang target sakanila.

Boogsh!

Malakas ang impact ng pagkasabog, hinintay kong mawala ang alikabok upang makita kung namatay ba ang dalawa.
Halos malaglag ang aking panga ng makita kong si Frose na gumawa ng Water shield upang protektahan ang dalawa.

"Fro..frose? anong gina- bakit? "

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito, sila ang kalaban diba? Pero bakit niya hinarang ang aking atake?
Nakakatakot na yung itsura ko ngayon na halos puno na nang dugo at pasa.

"Blaze, makinig kang mabuti. Hindi mo sila dapat patayin..."

Tumingin siya saakin ng diretso at napa atras ako ng konti.
Pero saglit lang bago lumiyab ang aking kamay.
Ginagago niya ba ako!?
Nagsimula akong mag ulan ng fire balls kay frose. Iniwasan niya naman itong lahat.

"Clark! Gumawa ka ng paraan! Pigilan mo si Blaze pleasee! Dahil kung hindee.. argh!"

Nadaplisan ko si Frose sa balikat at naramdaman ko nalang at may malaking kamay na gawa sa lupa ang humawak saakin.
Nang mahigpit..

"Argh! Bitawan mo akooooo clark!!! pakawalan mo akooo!!"

Sinikap kong pumiglas, at sa huli ay nagtagumpay ako.
Buo na ang aking desisyon, ang wasakin ang Dark Kingdom na ito.
Aatake na sana ako nang maramdaman kong may nakalibot na aking katawan. hangin, lumingon ako at nakita ko si Aralyssa.
Tiningnan ko siya ng masama at sinubukan siyang tamaan ng fire spear ko.

"Pakawalan niyo ako kung ayaw niyong pati kayo madamay"

Nagulat man si Ara, pero nanatili pa ring matigas ang kanyang ekspresyon.

"No! Makinig ka saamin blaze! Para ito sa kabutihan mo. Masyado kang nilalamon ng galit, hindi mo ba naisip na planado and lahat ng ito!?"

Sigaw ni Frose, sa gitna ng pagsasalita ni Frose ay nahuli ng aking mata ang pasimpleng pag galaw ni Haring Lusyfer. Gumawa ito ng itim na dagger. Habang nag sasalita si Frose ay dahan dahang iginalaw ni Haring Lusyfer ang kanyang kamay.

Alice Wonderland Academy (Awesomely Completed!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon