Episode 28-- Trust

2.7K 64 0
                                    


(Dark blaze Pov)

.
.
.
.
.
Then let me go

Gulat na gulat si Frose sa sinabi ko. Well lucky him at good mood ako kaya ko gagawin ang sinasabi nilang "Kabaitan"
I waited impatiently as he tries to study me. Hayy, hindi ako magtataka kung pagdudahan niya a--

Naputol ang aking pag iisip nang nagsimula lang magsalita.

Okay i trust you.
Ngayon ay ako naman ang nagulat nang simula niyang tanggalin ang mga nakatali sa aking kamay at paa
Nang matapos siya ay tumayo ako.
Atlast! May hands and feet are free.

Frose nakita mo ba---
Naputol na ang sasabihin pa ni Crystal ng makita niya ako na wala ng tali.

What the!? Anong ginagawa mo Frose!? Bakit mo siya pinakawalan!? Nasisiraan kana ba ng bait!!
sigaw niya, urgh! Ang sakit sa tenga ang boses niya.

What's your problem ha! E sa gusto nya akong pakawalan? Problema mo!?
Sagot ko din sakanya. Kainis, sila na nga yung tutulungan.

Paano kung may gagawin siya masama? At ikaw babae! Para sabihin ko sayo wala kameng tiwala sayo. Alam kong may kapabilidad kang pumatay ng tao. Hindi ka ang blaze a kaibigan namin!
Kairita talaga ng boses. Bwisit!
Sasagot pa sana ako ng biglang may sumabog na malakas. Tumilapon kameng tatlo at tinamaan ako sa dingding.

Tumayo agad si Frose upang lumaban. Napapaligiran na kame ng mga alagad ni Lusyfer.
Nagsimula ding gumuhit si crystal ng mga halimaw tulad ng higanteng bull upang makatulong lumaban.
Sinikap ko tumayo, hinawakan ko ang aking ulo at napaismid nang may nakita akong dugo sa aking kamay. Shit! double shit.

Kailangan ko ng magplano
Dapat sasama ako sa mga gunggong na to, ng hindi na hahalata ang aking plano.
Naglabas ako ng itim na apoy at itinama kay Frose at Crystal pero syempre its part of the act. Hindi ko naman sila pupuruhan.

Urgh! Sabi na e! Look what you did Frose! Yan ba ang pinagkakatiwalaan mo!?
Pagalit na sigaw ni Crystal.

Nanatiling tahimik si Frose habang nakatitig saakin.
I should continue with the act.
Nagsmirk ako sa kanilang dalawa at sumenyas sa mga Alagad ni Lusyfer na aalis na kame.
Tumapon ng huling bomba ang mga alagad bago tuluyang umalis.
Habang nakatalikod ako ay naramdaman ko mahuhulog na ang kisame kay crystal kaya nagpakawala ako ng Fire shield upang hindi siya tamaan.
Shit! This is so not me. I am evil, i should not do good. Urgh!
Maka alis na nga. Bwisit!

--

(Crystal Pov)

Dave, nakita mo ba si Rebecca?
Tanong ko habang nagbabantay kame ng Entrance and Exit Gate.

Wala.
Tipid na sagot ng hinayupak.ewan ko ba, Bat ang tahimik nitong isang to, mapapanis ang laway niya sa sobrang tahimik niya.
Ano kayang nagustuhan ni Blaze dito dati? Hay. Speaking of blaze. I miss her so much :(
I badly miss her. Sana bumalik na siya.

Tch. Sige, balik muna ako sa detention room. Kakausapin ko muna si Frose.
Paalam ko sakanya, napadaan ako sa Office ni Mr. George at narinig ko ang pag uusap nila. Hindi ko alam kung sino kasi tinted ang windows at door.

Itago mo yang scroll of life okay? May tiwala ako sayo. Alam ko yan ang habol ni Lusyfer kaya dapat hindi mapasakanya ang scroll na yan, dahil dyan siya kukuha ng lakas upang ipatumba ang 4 powerful kingdom. (Water Kingdom,Fire Kingdom, Earth Kingdom, and Air Kingdom)
Masyadong sakim si Lusyfer at gustong maghari sa buong mundo.
Mahabang paliwanag ni Mr George.

Hay. Bakit kasi ang sakim sakim ng demonyong yun!? E pwede naman siyang maghari sa kingdom niya.
Pa peymus masyado. Tsk

Tuloy tuloy lang akong naglakad. Tatanungin ko kaya si Frose kung nakita niya ba si Rebecca.

Frose nakita mo ba----
Naputol ang aking sasabihin nang makita ko na hindi na nakatali si Blaze. Errr, the dark blaze..
Syempre nagpanic ako. Baka tatakas siya, or worse kukunin siya ng mga alagad ni lusyfer.
Shit!

What's your problem ha! E sa gusto nya akong pakawalan? Problema mo!?
Kitams? Urghh! Sasagot pa talaga. Lalo akong naiinis bwisit!

Paano kung may gagawin siya masama? At ikaw babae! Para sabihin ko sayo wala kameng tiwala sayo. Alam kong may kapabilidad kang pumatay ng tao. Hindi ka ang blaze a kaibigan namin!
Totoo naman. Kitang kita ng dalawang mata ko,well hindi naman talaga as in kasi nakatalikod yung babae habang brutal na pinapatay si Johnny.


-Flashback-

Umagang umaga ay maganda ang mood ko dahil papunta ako sa may Cctv room ngayon dahil sabi ni Johnny kahapon ay puntahan ko siya now.
Errr.. nauna na ako kay jade ambagal kasi!
Atlast at mapapatunayan na namin kay Mr George ang sino man ang may gawa ng muntikan pagpatay kay Blaze nung Virtual exam day.

Malapit na ako ng makita ko ang babaeng katulad na katulad kay blaze.
Nakatalikod siya saakin at nanigas ako sa aking kinatatayuan ng nakita kong hinablot niya si Johnny at sinaksak gamit ang kanyang kamay.

Urghhhhhh!!!!
Tanging daing nalang ni johnny ang aking narinig. Wala pa masyadong students dahil masyado pang early.
Napaatras ako ng makita kong lumingon siya saakin.
At ngumiti habang nilalasahan ang sariwang dugo ni Johnny.
Sa sobrang takot ko ay napatakbo ako habang nangingig.
Si blaze ba yun? O baka hindi? Huhuhuhu. Naguguluhan akooo.

-End of Flashback-

Boooogsshhhhh!!!
Isang malakas na pagsabog ang nagbalik saakin sa reyalidad.
Shit! May kalaban na nakapasok!!!
Tumayo agad si Frose upang lumaban. Napapaligiran na kame ng mga alagad ni Lusyfer.

Gumuhit ako ng Higanteng bull para lumusob sa nga alagad ni Lusyfer.
Nakita kong unting unti tumayo si Blaze at napaismid siya sa sakit.
Tutulungan ko na sana siya nang may tumama saaking apoy sa balikat.
Ouch! Shit lang. Ang init.

Urgh! Sabi na e! Look what you did Frose! Yan ba ang pinagkakatiwalaan mo!?
Frustrated kong sigaw. Naiinis na ako sa nangyayari.

Ngumiti naman ng nakakaloko si dark blaze habang kameng ni frose ay hinang hina na.
Paalis na sila ng mapansin kong mahuhulog na ang kisame sa akin.
Urrgh! Wala na akong energy para gumuhit pa ng kahit anong panangga kaya't hahayaan ko nalang.
Bahala na si batman.
Pumikit ako ng mata...
Ilang minuto pa ang lumipas ng wala kahit na ano ang bumagsak saakin. Nakita ko ang fire shield sa taas ko.
Kaya pala..
Napalunok ako.. she still cares. Deep inside. Alam kong nasakanya parin si blaze. At kayang kaya niya itong labanan anytime.

Napaluha ako. Hinanap ko si blaze pero its too late, wala na sila :(

Umalis na sila Crystal. Mabuti pa hanapin na natin ang iba.
Malungkot na sabi ni frose. Etong cold prince na to masyadong halata na patay na patay kay blaze. Hayyyy sana matapos na tong gulong to.

Im sure ililigtas niya ang kapatid mo Frose.
Ewan ko ba, out of nowhere lang yun kusang lumabas. Parang feel ko lang kasi. Hahaha feelingera. Echos lang

Crystal! Ayos lang ba kayong dalawa?
Kita mo tong babaeng to. E halos mamatay na kame ni Frose dito tapos ayos pa? Tsss. Ayos talaga. Insert the sarcasm. (-_-)

Nasan si blaze?
Tanong ni Clark ang sama ng tingin kay frose. Andito na din ngayon si Mr George at yung ibang classmates namin.

Kinuha na nila.
Matipid na sagot ni Frose, shit natetense ako sa kanilang dalawa. Parang may electricity something na namamagitan sakanila.

Seriously guys? Ngayon pa ba kayo magkakaganyan? Hello. Wala na si blaze. Pwede mag isip nalang tayo ng paraan para iligtas siya?
Napafacepalm si jade sa frustration. First kay Blaze, next uhhh dahil sa Selos?? Haha if i know.

Tama si Jade. Kaya kayong dalawa pwede ba?
Tumahimik nalang silang dalawa at tumingin kame kay sir george.





Kailangan na nating magplano para maligtas si Blaze at ang kapatid ni Frose.
Tumango kame sa sinabi ni Mr George. Pero natandaan ko yung sinabi ni Blaze na dapat magmasid kame kung sino ba talaga yung tapat dito sa Academy.
Dahil may.....









Traydor.

Itutuloy...

Alice Wonderland Academy (Awesomely Completed!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon