Miracle

"Goodbye and have a good day." Lumabas na si Ms Deny at hudyat iyon na tapos na ang madugong labanan-what I mean is tapos na ang exam namin. Grabe. Dumugo talaga utak ko dun.

"Hoy Himala! Anyare sayo?" Siniko ako ni Pearl habang nakangisi.

"Mapunit sana mukha mo, Pearl."

"SHEMAY DUGUAN YUNG PAPEL KO! ANG SAKIT SA LEEG GRABE ANG HIRAP MANGOPYA KAY PETER!!" As usual, sigaw nanaman ng sigaw si Chichi. Ingay. Pramis.

"Hoy Lenard pagsabihan mo nga yang si Chichi nagwawala nanaman! Pina-inom mo na ba yan ng gamot? Tinotopak nanaman eh!" Biro ni Ren sabay bato ng plastic bottle kay Lenard.

"Oo pinainom ko na. Nyeta mukhang nasobrahan!" Nakisakay nalang rin si Lenard at dahil dun, binatukan sya ni Chichi.

Kami nalang pala ang natitirang tao dito sa room.. Uwian na kasi. Biglang may nagsalita sa intercom.

"Students, school would be out within two weeks. Thank you.."

Hanep hindi man lang sinabi kung bakit?

"Wooh! Yun yun eh! So ano? Bakasyon tayo?" Nagtatatalon si Dexter na para bang nanalo sya sa lotto. Baliw?

"Oy sama ako! Saan?"-Josh

"Hmmm.. Suggestions kung saan masayang magbakasyon?" Dexter asked.

"Beach?" Tara suggests

"Nah. Galing na tayo dun last month.."-Dexter

"Ummm.. Pool?"-Coleen

"Nah. Boring."-Gino piped in.

"Guys.. It's been hell so ano kaya kung magrelax lang tayo. Sa isang probinsya or something?"-Peter

"GRABE ANG TALINO MO PETER! Well matagal ko ng alam na matalino ka dahil sa papel mo ako humuhugot ng lakas kada exam!"-Dexter

"Gago.. Baka humuhugot ng sagot?" Tumawa lang kami dahil dun at sabay-sabay na pumunta sa parking lot..

"Guys bukas magkita-kita tayo sa bahay nila Bethany, 2 pm sharp!"

"Oks. Geh bye guys!" And I drove off.

Bereit, Impostato, Anwu.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon