Lenard

"Bakit Lenard? Anong nakita mo?" Tanong ni Chichi sakin.

"Tangina! Someone's watching us!" Hinila ko ang maninipis na wire na nakakabit sa sulok ng kwarto at tama nga ang hinala ko, sa dulo nito ay may maliliit na cameras. Hayop matalino rin ang gago.

"Kung sino man ang may-ari ng bahay na ito, sya ang pumapatay.. Si Ate Mari..."

"Pero pwede rin na yung baliw nyang kapatid! Diba nung una natin syang nakita, may dugo sa mga kamay nya? At parang gusto nya tayong patayin!" Bulalas ni Coleen.

"Dito lang kayo, susundan ko si Miracle Kailangan nya tong malaman-"

"Lenard no! Wag mo kong iwan!" Ngumiti ako kay Chichi at lumapit para halikan sya.. Naramdaman kong nababasa na ang pisngi ko, kapwa kami umiiyak.. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at mataman syang tinitigan..

"No babe, Di kita iiwan.. Mahal kita. Babalikan kita. Sabay tayong makakauwi. Papakasalan pa kita! Gagawa pa tayo ng 100 na babies!" Natawa na lamang si Chichi at kahit ayaw nya, binitawan na nya ang mga kamay ko..

I mouthed the words 'I love you..' bago ako lumabas. Isinarado ko ang pinto at hinanap si Miracle. Binuksan ko kada kwarto hanggang makarating ako sa huling kwarto, bukas ang pinto at kitang kita ko kung paano sakalin ng kapatid nya si Ate Mari...

Si Miracle ay nasa isang tabi, umiiyak habang marahan na umiiling. Bakit gusto nya akong paalisin? Ayaw nya bang tulungan ko sya?

Nakakita ako ng kahoy kaya pinulot ko ito at hinampas sya sa ulo, bumagsak ito sa sahig at halos mabiyak ang ulo nya sa lakas ng palo. Umagos ang dugo't laman mula sa ulo nya.

"Jusko salamat! Hindi ko akalaing magagawa nya to! Napakarami nyang pinatay! Ililigtas ko sana si Miracle pero halos patayin nya rin ako!" Umiyak ng umiyak si Ate Mari..

Lalapit sana ako kay Miracle ng pigilan ako ni Ate Mari. Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Ako ng bahala sa kaniya, hanapin mo si Peter! Lumayo kayo sa kanya!"

"Huh? Bakit?"

"Isa rin sya sa pumapatay! Kasabwat sya ni Stef!" Awtomatiko akong napaatras at napatakbo. Chichi please be safe. I love you..

Miracle

"Paano ba yan? Hindi ko na kailangan tapusin si Peter. May gagawa na nun para sakin. Kasalanan ko bang napapalibutan ka ng mga tanga?" Humalakhak sya ng humalakhak.

Stupid Lenard!! Arggh!

Nanlumo ako ng madako ang tingin ko kay Ate Stef. She's gone.. At ang masaklap, kaibigan ko pa ang nakapatay sa kanya..

"Ano? Suko ka na? Wag muna. Mataas ang boto sayo eh. Mabuti pa, kumain ka muna. Magluluto ako dali!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bereit, Impostato, Anwu.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon