Miracle
"Guys paano tayo makakaalis dito?" Tanong ko sa kanila. Ako nalang ata ang hindi umiiyak. Oo takot na takot na ako. Pero di ako iiyak. Di ko ipapakita sa killer na mahina ako. Lalo na at malakas ang kutob kong isa sa amin ang pumapatay.
"May mali... Parang-sinadyang sirain yung makina... Paano na to?" nanlulumong sambit ni Josh.
"Guys... May malaking bahay dun, oh..." Turo ni Coleen sa di kalayuan. Oo nga. May mansyon dun..
"Tara na. Humingi na tayo ng tulong dun.." Pagyayaya ni Beth at naglakad na papunta dun dala-dala ang mga gamit nya. Sumunod na rin sila hanggang sa kami nalang ni Peter ang naiwan.
"May kakaiba... May mali... Kung motibo ng pumapatay na patayin tayong lahat, bakit nya ito isasagawa sa lugar na malapit sa isang bahay? Paano kung trap pala yun. Paano kung.. Isa sa atin ang pumapatay?"