MiracleNaiwan kami dito sa loob. Si Coleen, di parin tumitigil sa pag-iyak. Si Chichi at Beth naman, pinapatahan sya. Si Lenard at ako, tahimik lang.
"Lenard, sandali lang.. Lalabas lang ako sandali."
Lumingon sila sakin. "No! Baka mapano ka! At isa pa sabi ni Peter wag daw tayo lalabas-Coleen?! Shit yung inhaler ni Coleen!!"
"What?! Teka kukunin ko!"
Bethany
Tumakbo ako pabalik sa room namin at hinanap yung bag ni Coleen. Ng makita ko ito, hinalungkat ko ang mga laman pero di ko talaga makita.
Nakarinig ako ng mga yabag ng paa kaya lalo akong nataranta. "Shit. Shit. Asan na ba yun?!" Naiiyak na ako habang hinahanap yung inhaler. Papalapit ng papalapit yung mga yabag ng paa kaya natigilan ako sa paghahanap.
Dahan-dahan akong lumingon at napahawak sa dibdib ko.
"You scared me you little shit! Grabe ka! Buti nakabalik na kayo!!"
Ngumisi sya sakin pero parang may kakaiba sa ngiti nya ngayon....
"Ito ba ang hinahanap mo?" Inilabas nya mula sa bulsa nya yung inhaler at napatango ako.
"Yes! Inaatake nanaman kasi si Coleen, eh.." Inagaw ko mula sa mga kamay nya ang inhaler.. Pero..
"Teka? Paano napunta sayo to?" Tumingin ako sa kanya at tumawa lang sya. Ibinalik ko ang tingin sa inhaler at nakitang may bahid ito ng dugo.
"A-Anong ibig sabihin n-nito?"
"Isa lang ang ibig-sabihin nyan.. Bethany Rosales, your game is finally over.."
Oh shit.
