Lenard
Bakit ba sing-tigas ng adobe ang mga ulo nila?!.
Napasandal na lamang ako sa pader habang sapo ang noo ko. Unti-unti na kaming inuubos..
Di ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Tinitigan ko si Chichi.
Kahit bungangera yan, mahal ko yan. Gagawin ko ang lahat para protektahan sya..
Napalingon ako sa corner ng kwarto dahil parang may napansin ako. Nilapitan ko ito at nanlaki ang aking mga mata.
Sabi ko na nga ba! Sya ang pumapatay!
Miracle
Pumunta ako sa kwarto nila Beth pero wala sya dun. Nakarinig ako ng sigaw at sinundan ko kung saan nanggaling.
Nasa pinaka-dulo na kwarto. Pupuntahan ko ba? Uhh.. Ermm..
Bahala na kili-kili ni Batman.
Ng marating ko ito, dahan dahan kong pinihit ang doorknob at nagulat ako ng makita si Ate Mari na sinasakal si Beth.
"Beth!" Lumingon sila saakin. Paulit-ulit na umiling si Bethany na para bang gusto akong paalisin. Si Ate Mari naman ay ngumisi.
"Umalis ka na!" Nanlaki ang mga mata ko ng itulak ako ng kapatid ni Ate Mari, may hawak ito na kahoy at pumwesto sya sa harap ko, "Alis na! Malapit lang dito ang highway tumakbo na kayo, hindi sya nag-iisa-"
Di pa man sya natatapos sa pagsasalita ay hinampas na sya ni Ate Mari ng silya. Nawalan sya ng malay.
"Tsk. Kahit kelan talaga pakielamera ka. Dapat pinatay na kita noon pa!" Tinadyakan nya ang tagiliran nito sa sobrang inis. Ibinaling nya ang tingin sa akin at ngumiti nanaman. "Hello Miracle! Gusto mong sumali?"
Hindi na sya yung Ate Mari na inosente at mabait, demonyo ang nasa harap ko ngayon..
Tumingin ako kay Beth at nanlumo ako ng makitang wala na itong ulo. Napahagulgol ako dahil sa sobrang takot na baka pati ako ay pugutan rin ng ulo.
Pinulot ni Ate Mari yung itak sa tabi ni Beth at naglakad papalapit sa akin, agad akong gumapang palayo pero nahablot nya ang buhok ko. "Teka lang naman, di pa tayo nagsisimula."
Kinaladkad nya ako pabalik sa loob ng kwarto at itinabi sa walang-buhay na si Beth. Napapikit ako dahil anytime parang masusuka ako.
"Idilat mo ang mga mata mo! Gusto kong makita mo ang gagawin ko! Tingnan mo!!" Hinawakan nya ang mukha ko at iniharap kay Beth. Wala akong nagawa kundi umiyak. "Ano ba buksan mo ang mga mata mo!! Tingnan mo ang gagawin ko!! Gusto mo bang dukutin ko yan?!" Binuksan ko ang mga mata ko sa takot na baka dukutin nya ito.
"Yan. Masunurin ka naman pala eh.." Itinali nya ako at nilagyan ng tape ang bibig ko. Wala parin akong humpay sa pagiyak.
Third Person's Pov
"Maswerte ka dahil sayo ko lang sasabihin ang sikretong sangkap ko sa pagluluto.." Hinila ni Mari ang walang-buhay na katawan ng dalagang si Beth patungo sa isang mesa,
Nanlaki ang mga mata ni Miracle ng mapagtanto ang ibig sabihin ng babae.
"Alam mo ba kung bakit masarap ang mga luto ko? Kasi kakaibang karne ang ginagamit ko.. Karne ng tao.." Tumawa ng tumawa si Mari na para bang wala na sa sarili habang si Miracle naman ay gustong sumuka dahil sa nalaman.
"Oh? Bakit parang ayaw mo? Diba masarap naman? Lalo na yung adobo-"
Hinampas ni Stef ang kapatid kaya nawalan ito ng balanse. Hinila nito ang buhok ni Mari na nagpupumiglas. Dinaganan ni Stef ang tiyan ni Mari para hindi ito makatayo. Sinampal nya ito ng ilang beses. Ng hindi makuntento ay sinakal nya na ito. "Hayop ka talaga Mari wala kang puso! Baliw ka! Mamatay ka na!!"
