Peter
"Grabe po talaga! Ang sarap ng luto mo, Ate Mari!"
"Salamat Josh. Haha.."
Masaya silang nagke-kwentuhan habang kumakain. Kakaiba nga tong adobo eh. Dont get me wrong, masarap talaga. Kaya nga kakaiba eh.
Kampante sila kasi nakita namin yung main door. Ang daming locks at mukhang matibay. Yung mga bintana naman ay may mga grills kaya okay lang.. Hindi kami mapapasok ng killer..
"Akyat na po kami.. Salamat po ate Mari. Nabusog po talaga kami.."
"Okay lang. Sige na magpahinga na kayo.."
Third Person's Pov
Umakyat na sila sa kani-kanilang kwarto maliban sa isang tao, dumiretso ito sa basement ng bahay ng tumunog ang kanyang telepono
"Ano ba?! Buti nalang at wala na sila dahil kung hindi, naku! Bulilyaso!" Bulyaw nya sa kausap.
"Chill. Haha. Oo nga pala, medyo madami kang tatapusin ngayong gabi. Wala, eh. Mabababa ang boto sa kanila. Mga mahihina kasi.." Tumawa ang nasa kabilang linya.
"Teka, mamaya ka na tumawag, may palabas.." Pinatay nya ang phone habang tutok na tutok sa monitor..
"Bingo. Mukhang madali to.. Tsk. Wala talaga silang kwenta.."
Umalis na ito dala ang patalim habang nakangiti. Ngiting nakakakilabot.
