PeterBereit, Impostato, Anwu.
Pusang gala ano bang ibig sabihin ng mga yun?!
Bumaba ako at nakitang nagbe-breakfast na sila, ay hindi pala nagbe-breakfast, nakatitig lang kasi sila sa pagkain nila.
"Wag naman kayong ganyan. Kailangan nyong maging matatag.. Malakas. Kaya kumain na kayo.." Malungkot na sabi ni Ate Mari.
Hindi na ako pumunta sa kanila at dumiretso nalang ako sa labas, dito sa garden inilibing yung driver, si Gino, at Ren.
Naawa nga ako sa hitsura nila eh
Si Ren, puro paso mula sa sigarilyo, puno rin ng sigarilyo ang bunganga nya, napakaraming saksak ang tinamo nya. Sinaksak rin sya sa tuktok ng ulo nya...
Si Gino naman, putol-putol ang katawan, ginawa pang display. Yung ulo nya sinabit sa bintana na parang parol. Yung mga kamay at paa nya, ipinatong dun sa kama, yung mga braso at hita nya naman, nasa nightstand. Yung katawan nya, nasa cabinet. Pero nagtaka kami dahil di namin nahanap yung lamang-loob nya..
Lumapit ako sa halaman malapit sa isang puno para pumitas ng bulaklak. Pero may napansin ako sa trunk ng puno.
Parang kalmot na may dugo..
Shit.
Bethany
"Chichi.. Natatakot ako.. Baka tayo na ang isunod... Chichi.." Umiiyak parin ako hanggang ngayon.. Andito ako sa kwarto kasama sila.
Ako
Coleen
Chichi
Miracle
Peter
Lenard
JoshKami nalang ang natitira. Wala si Peter, di pa bumabalik.
Speaking of the dog, humahangos na bumalik si Peter.
"Josh! Halika may nakita ako!"
"Ha? Teka sama ako!" -Lenard
"No. Stay here with them. Protektahan mo sila! Wag kayong lumabas dito!"
Tumakbo na sila paalis at sinarado namin ang pinto.
Lord. Help us please.
Peter
Binalikan ko yung puno at pinakita ito kay Josh.
"Sinong mga nawawala?"
"Pearl, Tara, and Dexter." Sagot nya sakin. Bigla kaming nakarinig ng mga putok ng baril.
"Puntahan natin! Baka mailigtas pa natin sila!" Naunang tumakbo si Josh kaya sumunod ako sa kanya palabas at papunta sa kakahuyan.
