Miracle

1:13 pm

Maya-maya lang aalis na kami. Hay salamat. Makakapag-relax na kami! Dun daw kami sa probinsya nila Beth. Ewan ko kung saan yun.

"Anak may sulat para sayo..."

Sulat? Uso pa pala yun?

"Kanino daw po galing?"

"Walang nakasulat eh. Itatapon ko ba?"

"Wag ma akin na..."

Kinuha ko sa kanya yung puting sobre at binuksan..

Halos mabitawan ko ito dahil sa sobrang gulat. Tae -_- Prank nanaman? Diba napapagod sila Dexter? Tss..

Bereit ...

Yan ang nakasulat. Tapos parang daliri lang yung ginamit sa pagsulat. At pulang ink pa ang ginamit! Grabe natakot ako dun ah!

Bereit? Ano yun?

3rd Person's Pov

Lumabas na si Miracle dala ang mga gamit nya pati narin yung sobre. Nang makarating sya sa bahay nila Bethany, nandun na ang mga kaibigan nya pati narin yung bus na gagamitin nila.

"Hoy Dex! Grabe ka talaga kinabahan ako dun ah!"

"Anong pinagsasasabi mo?" Takang-taka si Dexter.

Pinakita ni Miracle yung sobre at nanlaki ang mata ng mga kabarkada niya-nagulat rin si Dexter.

"A-Akala ko ako lang ang nakatanggap ng ganyang sulat..." Kinakabahang sambit ni Tara.

Lahat pala sila ay nakatanggap ng ganun.

"Guys halika na umalis na tayo! Baka classmate lang natin yan na walang magawa sa buhay!" Sigaw ni Lenard na nakasakay na sa bus katabi ang kasintahan na si Chichi.

Hindi na lamang nila ito pinansin at sumakay na sa bus.

Bereit, Impostato, Anwu.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon