Peter
"Pero... Magkakaibigan tayo? Imposible naman..."
"Yan ba talaga ang nasa isip mo?" Tanong ko sa kanya dahil obvious naman na nagdududa rin sya sa mga kasama namin sa bus..
"Tsk. Tigilan mo kasi ang kakanood ng Horror Movies.. Halika na.. Baka may tao dun.. Humingi na lang tayo ng tulong.." Tumayo na sya mula sa batong inuupuan nya at sumunod sa kanila..
Yes. Im fond of horror movies. Pero di ko naman akalaing may mangyayaring ganito.. Parang nasa pelikula kami. Ito yung time na iisa-isahin kami ng killer.
"Peter ano ba halika na! Mali ang pagdudahan sila! Kita mo naman na takot rin sila gaya natin!"
Lumakad na ako papunta sa pwesto nya at sabay kaming pumunta sa bahay na yun.
Miracle
Infairness ha? Malaki tong bahay na to.. Para nga syang palasyo eh. Malinis ito at maraming mga bulaklak sa paligid. Hindi sana nakakatakot kaso nasa gitna ng kagubatan.. Kaya medyo creepy pa rin..
Maya-maya ay may babaeng lumabas. Siguro nasa 30 na ang edad nya. Magulo ang buhok at nagpupuyos ito sa galit. Teka? Anong ginawa namin?!
"Anong ginagawa niyo rito?! Umalis na kayo!! Mamamatay kayo!! Umalis na kayo mamamatay kayo!!!" Sigaw ito ng sigaw at parang gusto nya kaming patayin.. Hindi kaya....
May mga dugo ito sa kamay kaya nanlaki ang mga mata namin. Saglit kaming natahimik at napaatras. Sya... Sya ba?
"Ate? Ate!" Lumabas rin ang isang babaeng halos ka-edad niya lang, pero di tulad niya, maayos ang hitsura nito at kalmado. May suot pa syang apron at may hawak rin syang sandok..
Nagulat yung babaeng magulo ang buhok ng makita nya yung kapatid nya ata. Natigil sya sa pagwawala at yumuko.
"Pagpasensyahan nyo na sya, ha? Umm.. Ate pumasok ka muna sa loob.." Binigyan nya muna kami ng matalas na tingin bago pumasok sa loob.
The lady infront of us sighed and smiled apologetically. "Sorry about that. Yung ate ko kasi... May mental disorder, eh.. Ano bang kailangan nyo?"
"Kasi po-" Magsasalita sana si Beth ng pigilan sya ni Peter...
"Sorry po sa abala. May dumadaan po bang bus dito? Nasiraan po kasi kami, eh. Hindi po kami maka-hingi ng tulong kasi walang signal ang phones namin..."
"Alam ko ang daan patungo sa highway, dun may bus na dumadaan.. Dadalhin ko kayo doon. Pero... Walang magbabantay sa ate ko... Umm.. Pwede bang sa Lunes na lang kasi sa Lunes pa darating si Ella, yung anak ko . Dito na lang muna kayo magpalipas ng gabi."
Sabado ngayon.. Baka pwede na. Mukha naman syang mabait. Pero nakakatakot talaga yung babae kanina.
"Wala na naman po kaming choice, eh. Hahaha.. Sige po salamat po Ate-"
"Mari..."
"Ah. Okay po ate Mari.."
"Tamang-tama nagluluto na ako ng hapunan..."
Pinapasok kami ni Ate Mari at binigyan kami ng kwarto. Kada-kwarto, dalawa ang magshe-share...
Magkasama kami ni Tara sa kwarto. Inayos namin ang mga gamit namin at bumaba para kumain..
Hindi maalis sa isip ko yung babae kanina. Pati narin yung nakaukit sa katawan ni Manong.
Sana maging safe kami dito..
