Miracle
Nagising ako dahil sa ingay. Tumayo ako habang kinukusot ang aking mga mata..
Teka--Si Tara?
"Tara?" Tawag ko. Asan na kaya yun?
Bumaba ako at nakita sila na natataranta.
"Guys? Bakit?"
"Si Ren at Gino.. W-Wala na sila..." Naiiyak na sambit ni Beth. Pilit naman syang pinapakalma nina Coleen at Chichi..
"A-Asan sila Tara, Pearl, Peter at... Dexter?"
"Paggising ko, wala na si Pearl sa tabi ko.." Nanginginig na sagot ni Chichi.
"Ganun rin ako. Bigla nalang nawala si Dexter." Sagot ni Lenard..
"Pati si Tara..." Bulong ko pero alam kong rinig nila.. "Eh si Peter?"
"Umakyat sa kwarto kung saan nakita yung katawan ni Gino. May nakasulat kasi sa wall, a-at dugo ni Gino ang ginamit.."-Josh
"Anong.. Nakasulat?"
"Anwu.."-Lenard.
"What the hell does that mean? At anong nangyayari? Bakit ba to nangyayari satin??" Humahagulgol na ng iyak si Chichi. Inakbayan na lamang sya ni Lenard na naiiyak na rin..
Why? Why us?
"Anong nangyayari?" Bumaba na si Ate Mari. Sinabi namin sa kanya kung anong nangyayari at pati sya, natakot.
"D-Dapat di ko kayo pinatuloy dito.. May mamamatay t-tao sa bahay ko?" Mukhang maiiyak narin si Ate Mari.
"Please po wag mo muna kami paalisin!" Pagmamakaawa ni Coleen. Umiling si Ate Mari. "Hindi ko kayo paaalisin. Delikado.."
Third Person's Pov
Unti-unting minulat ni Dexter ang mga mata.. Nakaramdam ito ng kirot sa ulo at binti. Nalaman nyang nakatali ang paa't kamay nya sa isang silya.
"Uy! Gising ka na pala?"
Inangat nya ang ulo upang makita kung sino ang hayop na may gawa sa kanya ng ganon. Gulat na gulat ito sa nasaksihan.
"W-What the hell?!"
"Hello din.." Natatawang sagot nito..
Kumuha ito ng mansanas at ipinatong sa ibabaw ng ulo ni Dexter.. "Wag na wag kang gagalaw, hinayupak ka." Banta nito.
Walang nagawa si Dexter kundi pumikit.
Lumayo ito at kumuha ng 3 butterfly knife.
"Go..." Ibinato nito ang isang butterfly at dumiretso ito sa tuhod ng binata. Napasigaw si Dexter sa sobrang sakit.. "Ooops. Too low.."
"To..." ibinato nito ang ikalawang patalim at dumiretso ito sa mata ni Dexter. Rinig na rinig sa loob ng kwarto ang palahaw ng nagmamakaawang binata. "Almost there.."
"Hell..." Ibinato niya ang ikatlong butterfly knife at tumama sa noo ng lalaki. Natigil sa pagsigaw si Dexter at natulala, wala ng buhay "Bulls eye. Oh. I mean, Dexter's forehead. Hahaha.."
Isa isa nyang binunot ang kutsilyo, umagos ng umagos ang pulang likido mula sa mga sugat nito. Ng bunutin nya ang patalim sa mata ni Dexter, napasama ang mata nito.
"Dexter De Chavez, Game Over.."
