Ren
Humiga ako sa kama dahil sa sobrang pagod. Biglang hinatak ni Gino yung paa ko. (Kami ang magkasama sa room na to.)
"Dude di ako maka-tulog~~"
"Tss. Tara yosi tayo?" Tumayo ako para lumabas. Sumunod rin sya sakin...
Pababa na sana ako ng makita kong may terrace sa dulo ng hallway.
"Gino dun nalang kaya tayo?" Tanong ko kay Gino. Di nya ako sinagot kaya lumingon ako. Pero wala na sya sa likod ko.
"Tsk. Gago talaga. Asan na kaya yun?"
Pumunta nalang ako sa terrace at kumuha ng yosi at lighter sa bulsa ko. Sinindihan ko ito at inilagay sa pagitan ng labi ko. Bahala na si Gino, malaki na sya..
Nakatitig lang ako sa kawalan ng may tumawag sakin.
"Ren..."
"Oy. Bakit gising ka pa?"
"Wala lang. Ikaw?"
"Di ako makatulog eh.. Kinikilabutan parin ako sa nakita ko kanina." Sagot ko.
Bahagya syang natawa. May kinuha sya sa back pocket ng jeans nya sabay ngisi sa akin..
"A-Anong-"
"Alam mo ba kung sinong pumatay sa driver natin?" Nakangiti parin sya habang pinupunasan ang patalim na hawak nya..
"Ako.. Mas maganda kasi ang plano ko sa bakasyon natin.."
Dahan-dahan syang lumapit habang ako ay paatras ng paatras. Napalunok ako at napapikit. Paano nya to nagawa?
"B-Bakit?" Di ko alam kung paano ako nakapagsalita.. Kinakabahan ako ng sobra.
Tumawa lang siya ng tumawa. Halakhak ng demonyo. Oo demonyo sya. Pinagkatiwalaan namin sya.. Pero sya rin pala ang tatraydor samin..
"Bakit? Hmm. Sige na nga. Basta secret lang natin ha?
All of you were part of my GAME. Kayo ang players. At oo nga pala, hindi ako ang may hawak sa buhay nyo... Sila.. Unfortunately, tanggal ka na. Wala ka kasing kwenta.."
Nakaramdam ako ng kirot sa sikmura, yumuko ako at nakita ang kanyang patalim na nakatusok dito. Diniinan nya pa ito at dahan-dahan na inikot.
"Ahh! S-Shit! Ugh!"
Napaluhod ako sa sobrang sakit. Sumusuka na ako ng dugo. Hirap na hirap na akong huminga...
"Ren Cortez, Game Over.." Sinaksak nya pa ako ng ilang beses habang tawa ng tawa.
Shit.. Magiingat kayo sa kanya...
