CHAPTER 6: The Truth(part1)

147 54 29
                                    

Dedicated to @cRaZzY_dYlAn20

*LILY'S POV*


Pagkatapos ng mga nangyari kagabi kay Mary ay kaagad kong pinapunta si Zeyn sa bahay namin ng 5:30am.



Tutal ako lang naman ang nandito sa'min ngayon,
Minabuti ko naring papuntahin ang iba pang barkada

Elaine
Jack
Ivan
and JD.

Kasalukuyan kaming nandito ni Zeyn sa kusina ng biglang sumulpot si Elaine.
Yung tatlong boys naman nasa sala.



"By the way Lily?. Where is Mary?"


Takang tanong ni Elaine ng mapansin nyang wala si Mary.


Oo hindi pa nila alam ang nangyari kay Mary,at hindi talaga namin alam ni Zeyn kung paano ipapaliwanag sa kanila ang lahat.

Magsasalita na sana ako pero biglang sumigaw si Ivan na kasalukuyang nanonood ng Tv.


"Guyz bilis tignan nyo itong balita! "

Litanya ni Ivan habang tinuturo-turo pa yung TV.
Kaya napapunta kami agad sa tabi nya.



"Grabe may nasagasaan pala kagabe don mismo sa harap ng Bar na pinuntahan natin?.
Kawawa. Tsk,tsk"
Dugtong pa ni Ivan.



At alam kona kung sino sya
Kaya 'di na ako nag-abalang panuurin ang balita ayaw kung makita ule ang nangyari kay Mary.




"So scary!. Mabuti nalang at wala na tayo ng mangyari ang aksidente." Wika ni Elaine



"But wait sino daw pala?
Or ano ang pangalan?."

Tanong ni jack na galing sa labas. Akala ko nandito sya kanina sa loob?. Si JD naman tahimik lang habang nakatutuk sa TV.



At natahimik na ang lahat ng biglang ipakita ang pangalan ng biktima

Mary White.


Napayuko naman si Zeyn.
At napatingin ang buong barkada sa dereksyon namin ni Zeyn magkatabi kasi kaming nakatayo sa may gilid.


"Si---si M-Mary?."
Naiiyak na tanong ni Elaine. Na ikinayuko ko.

At lumapit na sya sa akin.


"W-wait!. Kaya mo ba kami pinapunta dito----?
Para sabihin na?."

Nahihirapan syang banggitin ang mga salitang gusto nyang itanong kaya nagsalita nalang ako.



"O-Ou nangyari yun kagabe."
Naiiyak na sagot ko.



"Bakit alam mo ang tungkol dito?!. Diba sabay sabay tayong umalis ng Bar kagabe!.
Kaya imposibleng malaman mo kaagad ang lahat ng ito!."
Sigaw ni Elaine sakin.



Hindi ko alam kong bakit biglang umurong ang dila ko at hindi ko sya magawang sagutin.

Ang ayaw ko pa naman ay ang sinisigawan ako.


the LIFE of DEATH (NOT EDITED)[slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon