*THIRD PERSON'S POV*Madaling araw pa lamang ng alas kwatro ay gising na si Zeyn dahil bigla nalang sumakit ang tyan nya kaya mabilis syang napatakbo patungo sa loob ng CR na nasa kwarto lang nya.
Ng makapasok na sya ng CR ay napatingin sya sa salamin. Napansin nya ang kanyang sarili na namumutla? Malalaki ang eyebags?
Naisip nya na maganda naman lagi ang tulog nya.
Kaya labis syang nagtaka kung bakit ganito ang itusarng nakikita nya ngayon sa salamin.
Napaigtad sya ng makarinig ng malakas na kalabog na nagmula sa Atic.
Napatingin sya sa taas ng kisami at naisip nanaman nya ang babaeng nakatalikod na nakita nya sa Atic.
Ano kaba Zeyn! Wag mo ngang tinatakot ang sarili mo! Baka nahulog na gamit lang yung kumalabog sa itaas diba?. At alalahanin moring nasa ibaba pa ang kwarto ng parents mo. Lalong Nakakahiya naman kong iistorbuhin mo ang Lola mo sa pagtulog. Kaya kalma ka lang okay!
Pagpapakalma nya sa kanyang sarili at tsaka sya bumuntong hininga ng malalim.
Aaaaah!!!!
Napasigaw ulit sya ng masagi nya ang suklay at mahulog iyon sa lapag.
Ano ba Zeyn??
Sabi ko sayo kalma diba!.Inis nyang wika sa kanyang sarili.
At naiiling na pinulot nya ang suklay.Then maghihilamos na sana sya ng mapansin nya ulit ang sarili nya sa salamin.
Hindi iyon sumusunod sa bawat kilos na ginagawa nya
Bagkus ay nakangisi lang ito sa kanya ngayon na ikinakaba nya.Gusto nyang tumakbo ng mga oras na iyon pero hindi nya magawa.
Lalo syang nataranta ng maramdaman nyang dahan dahan lumalapit ang mukha nya sa salamin hanggang sa maglapat na ang kanilang mga noo ng repleksyon nya sa salamin.
Impit syang nagsisigaw dahil pakiramdam nya ay may nakatakip sa bibig nya at hindi nya magawang makapagsalita ng maayos.
Maya maya pa ay may naramdaman syang mga kamay na humahaplos sa kanyang ulo. Nanlalaki ang mga mata na pilit nyang tinitignan kong sino ang humahawak sa kanya.
At ito ay ang sarili nya. Na nasa loob ng salamin.
Kasabay ng pag iyak ay nagawa nyang mapasigaw dahil sa sakit,takot, at pagkataranta ng i.untog untog sya ng sarili nya sa salamin.
Walang tigil sya nitong inuuntog.Hanggang sa magCrack na yung salamin at maramdaman nyang may mabilis na umaagos na kulay pula sa kanyang mukha.
Dugo?!.
Sigaw ng kanyang isipan
Pakiramdam nya anumang oras ay mawawalan na sya ng ulirat dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Samantala ay hindi nya namalayan ang pagpasok ng kanyang Lola at nakita nito ang ginagawa nyang pananakit sa kanyang sarili
(yun ang tingin ng Lola nya) pero hindi nito alam ang buong pangyayari.
"Apo!..ano ba yang ginagawa mo hah?"
Puno ng pag aalala na tanong nito kay Zeyn.
BINABASA MO ANG
the LIFE of DEATH (NOT EDITED)[slow Update]
HororAko si Zeyn Suarez-- Hindi ko ginusto na magkaroon ng ganitong klase ng kakayahan. Kakayahang makita at malaman ko kung sino ang pwedeng mapahamak, kung kaninong buhay ang maaaring malagay sa panganib. Sinubukan kong iligtas ang mga taong nakikita k...