I Dedicated this chapter to you! MutieKitty thanks sa pagsupport! :"):")
"ZEYN's POV"
Pagkatapos kong maibagsak ang picture ni Zeyn ay kaagd ring lumapit sa'kin si Ivan.
"Okay ka lang ba?"
Tanong nya.Tumango lang ako habang halata parin ang takot sa'king mukha, habang pinagmamasdan ko 'yong picture na kinuha ngayon ni Lolo Carlo sa lapag
"S-sorry po"
Kinakabahang hingi ko ng paumanhin kay Lolo Carlo.
Bahagya lang syang ngumiti sa'kin.
Then pinaupo nya muna kami sa isang sofa.
Ng mailigpit na nya 'yong nabasag na frame ay umupo sya sa isang sofa na nasa harap namin ni Ivan."A-ano nga ule ang sadya nyo dito?"
Paunang tanong ni Lolo Carlo"Gusto lang po sana naming malaman kung ano ang nangyari sa pamilya ni Zee?--at sa kanya narin po?"
Sagot ko kay Lolo Carlo.
"Ang totoo nyan iha, isang misteryosong pangyayari rin para sa'min ang totoong nangyari sa kanila, teka kilala mo ba ito?"
Tanong ni Lolo, sabay abot sa'kin ng isang lumang litrato?
Teka????"O-opo sya po ang Pa-papa ko"
Kinakabahang sagot ko
"Ikaw nga ang nawawala nyang anak!"
Masayang wika nya, pero labis ko naman iyong ikinagulo ng isipan.
"T-teka po--ano pong ibig nyong sabihin?"
Naguguluhang tanong ko. As in gulong gulo na talaga ako.
****
(A/N: hahaha actually pati ako e gulong-gulo narin! Promise!:))
*****"Hindi moba alam ang totoo?
Si Vicky ang tunay mong ina! At si Zee naman ang kakambal mo"Paliwanag nya na ikinagulo nanaman ng utak ko! Arrggghh!!!.
Bakit ngayon kolang naisip na malabong mangyari na kambal nga kami ni Zee sa ama?-- sa magkaibang nanay?!
So?--all this time pinaniwala ako ng mga taong nakapaligid sa'kin na nagloko si papa noon kay mama? Na anak lang ni papa sa labas ang kakambal kong si Zee?!!!
Arrrgghh!!!
Bakit ngayon kolang naisip ang lahat ng 'to! Bwisit!
"A-ano pong nangyari sa'min noon?"
Curious na tanong ko.
Kaya nagumpisa na ule magkwento si Lolo Carlo
"Mahirap lamang ang pamilyang kinagisnan ni Vicky, ng makapagtapos sya ng Highschool ay kaagad syang nagtungo pa'manila upang maghanap ng trabaho.
Pero paglipas ng tatlong taon ay bumalik ule sya dito sa bayan ng Sauri, pero may kasama syang lalake at 'yon ang papa mo, at isang buwan narin nagdadalan tao noon si Vicky"
Huminto sya sa pagsasalita at tumimgin sa labas ng bintana.
"Hanggang sa sumapit na nga ang kanyang kapanganakan, at labis silang natuwa na mag-asawa ng magsilang si Vicky ng kambal na babaeng sanggol.
At dahil gusto nilang hindi malaman ng Lolo mo kung saan naglalage ang mag-asawa ay mas pinili ng mga ito ang manirahan dito,kung saan malayo sa karamihan.
Pero ilang buwan palang ang nakalilipas ng biglang sumugod dito ang Daddy ng papa mo, at kasama nito ang babaeng pinakilala nya bilang fiance ng Papa mo. Labis na nalungkot si Vicky ng araw na iyon pero wala syang magawa para ipaglaban ang asawa,, pero ang mas labis na nagpalungkot at nagpasama ng Loob ni Vicky ay ng kuhanin ng Lolo mo ang karga-karga nyang sanggol. At ikaw iyon.
Ang alam nila ay ikaw lang ang nag-iisa nilang anak sapagkat kasalukuyang natutulog noon ang kakambal mong si Zee sa loob ng kanilang bahay.
Matagal kang hinanap ni Vicky. Kung saan saan sya nagpunta noon para lang makita ka, pero bigo parin sya.
Hanggang dumating ang araw na hindi na sila bumalik dito.
At magsimula noon ay nawalan narin ako ng koneksyon sa kanila... At pagkalipas ng ilang taon ay may nagbalita nalang sa'kin na patay na nga raw silang mag-ina.
Pero hanggang ngayon palaisipan parin sa'kin kung ano at paano sila namatay. Walang nakakaalam ng tunay na pangyayari."Halos hindi ko alam ang sasabihin ko ng matapos ng magkwento si Lolo Carlo. Malayong malayo sa kwentong sinabi sa'kin ng pamilya ko noon...
At hindi ko narin alam kung sino ba talaga ang dapat kong pagkatiwalaan sa ngayon?.
Pero bakit paba sila nagsinungaling sa'kin?
Ano naman kayang paliwanag ang sasabihin nila pag nagkataon?
Kailangan ko pa bang maniwala sa sasabihin nila sa'kin ngayon?
A/N:
Wew! Pabitin muna hah?--hihi.XD. BTW! Wag sana kayong maguluhan masyado!(pero ako tlaga naguguluhan narin. Kaya dko rin kayo masisisi..:)
Tip: dito po parang nag-uumpisa palang tayong malaman ang buong katutuhanan. So stay tune! Para hindi masyadong maguluhan..^^
Thanks for the support guy'z!!!
Vote/Comment!
@jhuriemo101
BINABASA MO ANG
the LIFE of DEATH (NOT EDITED)[slow Update]
HorrorAko si Zeyn Suarez-- Hindi ko ginusto na magkaroon ng ganitong klase ng kakayahan. Kakayahang makita at malaman ko kung sino ang pwedeng mapahamak, kung kaninong buhay ang maaaring malagay sa panganib. Sinubukan kong iligtas ang mga taong nakikita k...