CHAPTER 10

73 30 9
                                    


*ZEYN's POV*

"Zeyn wala na sya*sob*"

Umiiyak na wika sa'kin ni Lily ng makarating na kaming magbabarkada sa pinanyarihan ng aksidente. Hindi ako makapaniwalang wala na ang boyfriend nyang si Jack, ang kaibigan namin.

Parang kelan lang masaya pa kaming magkakasama at nag-aasaran.

Parang kanina lang naghahanda pa ng supresa si Lily para sa kanya.

Parang kanina lang masaya kaming lahat para sa first anniversary nilang dalawa.

Kanina lang masaya pa silang magkausap ni Lily sa telepono.

Habang hinihintay namin sya sa Resto.

Pero-----naghihintay na pala kami sa wala----

"Sshhhh--magpakatatag ka okay? Nandito lang kami lagi sa tabi mo."

Pagcomfort ko sa kanya at niyakap sya.

Hindi ko narin napigilan ang sarili ko na mapaiyak.

Iniwan ko muna si Lily sa barkada ng medyo gumaan na ang pakiramdam nya.

Pinagmasdan kong mabuti ang buong paligid.
Kung saan kinaladkad ang sinasakyan ng kaibigan naming si Jack.

Tumigil ang paningin ko sa mga bubog ng mga basag na salamin.

Sabi ko na nga ba---totoo ang lahat ng mga hinala ko.

Pero hindi ko akalain na sya. Na sya pa ang kailangang mamatay. Akala ko magiging okay lang ang lahat. Akala ko maling hinala lang ang lahat ng mga naisip ko kanina.

Bakit?! Bakit kasi ako pa?!

Ano bang kasalanan ko sa'yo Zee?!

Bakit pati ako dinadamay mo sa mga nakaraan mo?!.


Napaupo nalang ako at napasabunot sa'king sarili Dahil sa sobrang gulo ng isipan ko.

Hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat kong gawin?.

Hindi parin nagsisink-in sa utak ko ang mga pangyayari at hanggang ngayon hindi ko parin kayang tanggapin sa sarili ko na maytaglay ako ng ganitong klase ng kakayahan.

Una si Mary---ngayon naman si Jack!.

At simula palang alam kona.

Pero binabalewala kolang.

Binibigyan nya ako ng mga Clue para mapigilan ko ang mga dapat na mangyari .

Pero natatakot ako---



Natatakot ako na baka pag lalo kolang pinigilan ang mga bagay.

Baka lalo lang silang magpakita sa'kin ng mga pruweba--kung kaninong buhay na ang susunod na kukunin nila.



Ayaw kona ng ganito-- Gusto konang maging isang normal.

Gusto kong mamuhay ng tahimik---kagaya ng dati.

Habang Litong-lito parin ako kung anong dapat kung gawin.


Biglang may taong nakatayo ngayon sa harap ko at nagulat ako sa sinabi nya kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Alam mong mangyayari ang lahat ng ito----diba?"

Tanong nya habang nakatingin sa'kin ng masama






"Huh?"
Gulat kong tanong kahit alam kuna ang gusto nyqng iparating.

"A---ano bang pinagsasasabi mo dyan?"

the LIFE of DEATH (NOT EDITED)[slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon