*ZEYN's POV*Napagdisisyunan namin magbabarkada na sa kotse nalang ni JD at ni Ivan kami sumakay. Ako at si Lily ay dito sa kotse ni Ivan si Elane at JD naman ang magkasama sa isang kotse.
Ng makarating na kami sa Royale Restaurant ay kaagad na bumaba si Ivan at Lily.
Kasunod naman namin ang kotse ni JD nagpark ito sa tabi ng kotse ni Ivan.
"Okay ka lang?"
Tanong sa'kin ni Ivan bago sya bumaba ng kotse."Ah-Oo"
Sagot ko at pilit na ngumiti."Good! Tara baba na tayo"
Halatang di naman sya excited. Tumango nalang ako at binuksan ang pinto ng kotse.
Pagkababa ko ay bigla akong kinabahan ng makaapak ako ng maraming mga bubog.
Ewan ko ba pero naimagine ko sya na--: ah basta hindi mangyayari 'yon! Imposible. Erase erase!.
Pero kinakabahan talaga ako.
Bakit kasi hindi pa sumabay sa'min si Jack?"Zeyn?---Okay ka lang ba?"
Napatingin ako kay Lily.At kitang-kita ko sa mga mata nya ang labis na kalungkutan mararanasan nya.
Hindi ko alam kung bakit ko sya nakitang ganoon?.
Gosh! Kinakabahan talaga ako.
Dapat ko bang sabihin sa kanya ang tunay kung nararamdaman ngayon?Pero ayaw ko namang masira ang mga plano na pinaghirapan nya.
"O-oo naman!"
Sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya.Hindi- -------!
ayaw kung masira lang ang plano nya ng dahil lang sa walang kasiguraduhan na nararamdaman ko. Argghh! Kaasar!.
*At nagtuloy na kaming lahat sa loob ng Restaurant*
"Nga pala Lily--si Jack? Saan na daw sya?"
Tanong ko nalang.
"Ah-- malapit na raw sya mga 10 mins. Nalang at darating na sya"
May halong impit na tiling wika sa'kin ni Lily.
Natawa nalang ako sa reaksyon nya.
"Congrats sa'nyo Lily, Happy first Anniversary sa'nyong dalawa"
Wika ko at tsaka sya yinakap.
"Thank you Zeyn, alam nyo hindi ko talaga akalain na magtatagal kami ni Jack, ang isang playboy noon naging Loyal sa'kin, napakalaking blessing na ibinigay sa'kin ni God na makilala at maging parte ng buhay ni Jack Perez"
Nagkatyawan naman kami sa tinuran nya. (Haha ang Korne lang haha joke lang)
"Kaya pag ako rin nakahanap ng isang Loyal at mamahalin ako/ko poreber ay deretso agad kami sa simbahan, diba Elaine?"
Wika ni Ivan sabay wink pa kay Elaine.
"Sa kulit mong yan? Sa tingin mo ba may magtatagal sa'yo?"
Pabirong sagot ni Elaine kay Ivan."Bakit? Yan nga ang gusto ng mga girls ngayon e,makulit,gwapo,at gentleman---O diba! Pasok na pasok ako dyan!"
Mayabang na sagot ni Ivan napa tss! Nalang si Elaine.
Kaya nagtawanan nanaman kaming lahat.
At nahiling ko nalang kay God na sana lagi nalang kaming ganito.
BINABASA MO ANG
the LIFE of DEATH (NOT EDITED)[slow Update]
HorrorAko si Zeyn Suarez-- Hindi ko ginusto na magkaroon ng ganitong klase ng kakayahan. Kakayahang makita at malaman ko kung sino ang pwedeng mapahamak, kung kaninong buhay ang maaaring malagay sa panganib. Sinubukan kong iligtas ang mga taong nakikita k...