ELAINE's POV:Kasalukuyan akong nakaupo dito sa gilid ng pool habang nakababad ang aking mga paa sa tubig.
Bigla namang nag ring ang phone kong nakapatong lang sa table malapit sa'kin.
Pinabayan kolang 'yon na mag ring ng mag ring. Pero ng makatatlong ulet na ay nagpasya na akong tumayo, at tinignan kong sinong estorbo naman ang tumatawag sa'kin. Psss!
Ivan? Bakit kaya?
Bulong ko ng makita kong si Ivan yong natawag.
***
-Hello? Elaine?-Panimula nya sa kabilang linya.
-Bakit?-
Bored na tanong ko.-May importante lang akong sasabihin sayo, pwedeng wag ka munang mag e stay sa swimming pool nyo or sa bathtub or kahit na saang may tubig-
Automatic na napakunot ako ng noo sa mga sinabi nya. May halong pag kainis narin.
-tsss. At bakit naman?-
-na-nasa panganib ang Buhay mo, nakita ka ni Zeyn sa vision nya kanina-
-Tss.. talaga lang ha? Pwedeng paki tanong din dyan sa walang hiyang babae na kasama mo kong kelan nya makikita ang sarili nyang vision? Kung paano sya mama---
-Elaine ano ba!? Concern lang naman kami sa'yo, kaya please makinig ka naman kahit ngayon lang, para narin sa kaligtasan mo-
Natahimik naman ako sa sinabi nya. Tss. Ano bang gusto nila? Magpasalamat pa ako sa kanila dahil lang sa kaya nilang baguhin ang mga masasamang pangyayari na pwedeng mangyari sa'kin?
Tss. Pwes hindi nakakatuwa at nakakamangha ang kakayahan ng babaeng 'yon! Nakakainis sya.
Dapat sarili nalang nya ang nakikita nya. Kong paano sya mawawala. Kainis lang-_-
Kahit may part sa'kin na nagsasabing sundin ko nalang ang sinabi ni Ivan, ay nilakasan ko parin ang loob ko para isawalang bahala nalang iyon.
At kong katapusan kona talaga. Wala naman na akong magagawa pa e.
Pumunta ako sa pool at nagsimula ng lumusong. Lumangoy lang ako hanggang sa gusto ko. Nakakarelax kasi ang lamig ng tubig.
BINABASA MO ANG
the LIFE of DEATH (NOT EDITED)[slow Update]
HorrorAko si Zeyn Suarez-- Hindi ko ginusto na magkaroon ng ganitong klase ng kakayahan. Kakayahang makita at malaman ko kung sino ang pwedeng mapahamak, kung kaninong buhay ang maaaring malagay sa panganib. Sinubukan kong iligtas ang mga taong nakikita k...