ZEYN's POV,Pagkatapos e-explain sa'min ang lahat ni Lolo ay nagpasya muna akong magpahangin sa may terrace.
Kaagad naman akong kinilabutan ng biglang umihip ng malakas ang hangin, kaya kusa akong napayakap sa'king sarili, dahil sobrang lamig niyon sa aking pakiramdam
Babalik na sana ako sa loob kung saan nandun parin si Ivan at si Lolo na matamang nag uusap.
Pero natigilan ako ng mapansin kong parang may anino ang biglang sumilip sa may likuran ng bahay, kaya muli ay tumindig nanaman ang balahibo ko sa takot.
At hindi korin alam sa sarili ko dahil parang may sariling buhay ang mga paa ko ag natagpuan ko nalamang ang aking sarili na papunta sa likod bahay. Napalunok ako ng laway.
Mga limang hakbang nalaang at malapit na ako kung saan lumiko ang itim na bagay na nakita ko.
Apat....
Tatlo...
Dalawa..
Hingang malalim!
Isa!.
Pag silip ko ay kaagad akong napahiyaw ng biglang may nagliparang mga itim na ibon sa gawi ko.
"AAAAAHHH!!!"
Malakas na sigaw ko habang tinataboy palayo ang mga itim na ibon.
"Zeyn!!??"
Rinig kong tawag ni Ivan sa pangalan ko.
Maya- maya pa ay nakalapit na sa'kin si Ivan at tinulungan akong itaboy ang mga itim na ibon.
Nagtaka naman kami ng parang may isinaboy si Lolo sa mga ibon, at parang bula lang na naglaho ang mga iyon.
"Ano po yung sinaboy nyo"
Takang tanong ko. Tumingin lang sya ng seryoso sa'min."Isang uri ng bagay na pantaboy ng itim na ispirito"
Nagtaka naman ako sa sinabi nya.
"Zeyn, makinig kang mabuti. Hindi lang ang kakambal mong si Zee ang tunay na nanggugulo sa'yo"
Kusang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nha.
Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak sa'kin ni Ivan.
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
Kinakabahang tanong ko."Ng buksan mo ang libro, hindi lang ang kaluluwa ni Zee ang napakawalan mo, pati narin ang itim na ispirito na kasama nya-
"At hindi si Zee ang tunay nyong kaaway dito. Kundi ang isang pang babae, na kumakain ng mga buhay na kaluluwa-
Mga taong minsan naring pinamahayan ng galit,sakim, at paghihiganti, yan ang mga bagay na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob upang manatili dito sa mundong ibabaw"
Parehas kaming napanganga ni Ivan sa sinabi ni Lolo.
Kung ganun? Sya ba yung babae na unang una kong nakita sa Atic sa bahay? Ng una kong buksan ang libro sya ang unang lumabas. Ibig sabihin, sya ang parang tinutukoy na nightmare?
Stay wide awake coz you'll never knew where reality ends, and fiction begins! Its Zee! Ito ang gustong ipaalam ni Zee sa libro na sinulat nya?
Ilang minuto rin kaming binalot ng katahimikan, pero napukaw ang diwa ko ng mapalingon ako sa maliit na ilog na may maliit na daungan ng bangka. Lumakad ako palapit sa tubig.
Paakiramdam ko kasi may tumatawag sa pangalan ko?
"Zeyn?"
Nagtatakang tawag sa'kin ni Ivan, pero hindi ko sya nilingon. Sa halip ay nagtuloy lang ako sa paglakad.Ng nasa dulo na ako ng daungan ay huminto ako at tinitigan ng mabuti ang tubig, may tumatawag talaga sa'kin?
Bigla akong napatingin sa kaliwa ng makita kong may lumulutang papunta sa harapan ko. Nakangisi ito sa'kin ng nakakatakot. Hindi!
"ELAINE! NO!"
Sigaw ko at tsaka pilit syang inaabot sa tubig, pero nanatili lang itong nakangisi sa'kin at unti unti naring nawala.
"Zeyn! Okay kalang?"
"Si-si Elaine, Ivan si Elaine, kailangan na nating umuwi"
Kahit nagtataka ay napatanngo nalang sya.
Nagpaalam na kami kay Lolo Carlo.
At ngayon ay nakasakay na uli kami sa bus pabalik sa lugar namin.
Kailangan mong makipag ugnayan kay Zee...
Muli ay naisip ko ang hiling sinabi ni Lolo, bago kami tuluyang umalis.
Tinawagan narin ni Ivan si Elaine kanina, pknasabi kolang na wag mo na syang maliligo sa kahit saang swimming pool.
Hayssstt!!!!
Sana lang sumunod sya sa'min kahit ngayon lang..
💚💙💛❤💖💗💝
Tagal kong walang UD dito sa story nato.
Pero heto na,hehe kahit na madaling araw na ay ginawa ko talaga, mahirap na kasi minsan lang makapag isip ng matino ang baliw kong utak. Nyahahaha...
P.S_ sana support nyo parin to^^
Pati ako kinakabahan habang tinatype ko'to.
Kaya sorry kung nawala yung takot sa part natu. Huhu di ako makatulog!#yung feeling na bigla nalang umandar ang utak mo para mag UD. Pero why o why??? Bakit itong horror pa na'tu!?
××
VOTE & COMMENT PO!^^💋💋💋💋TY,
👉jhuriemo101👈
BINABASA MO ANG
the LIFE of DEATH (NOT EDITED)[slow Update]
KorkuAko si Zeyn Suarez-- Hindi ko ginusto na magkaroon ng ganitong klase ng kakayahan. Kakayahang makita at malaman ko kung sino ang pwedeng mapahamak, kung kaninong buhay ang maaaring malagay sa panganib. Sinubukan kong iligtas ang mga taong nakikita k...