Chapter 7 »The War«

158 108 4
                                    

•Vermillion•

Nang nagalit na si Kai sa amin kinabahan na kaagad ako dahil alam ko mas todo ang pag sisigaw at ang pagka-nagagalit siya. Malakas pa naman tong si Kai kaya nga siya ang naging master o boss ng grupo namin.

"Vermillion!! Tara na sa baba kakausapin kita." Sigaw ni Kai. Mas lalo akong kinabahan dahil sa sigaw niyang yun.

"Sige Kai wait lang susunod ako ubusin ko lang tong yosi." Sagot ko. Pag kinakabahan kasi ako lagi akong nagyoyosi.

"Bilisan Mo!" Galit sa sigaw niya. Hindi ko na inubos ang yosi dahil pag ganun na ang boses niya siguradong super duper galit na yan.

Dali-dali akong bumaba kung nasan si Kai. Nasa 3 floor kami ng building si Kai ay naka upon sa upuan ng teacher at ako ay nakaupo sa pag-student galit na naka tingin sakin si Kai.

"Ano na naman sa tingin Mo ginagawa Mo at kinukuha Mo number ni Aliza?" Tanong Niya habang galit na nag-yoyosi.

"Uhmmm?! Kasi. Yun nga pagtitripan ko siya. At.? Para ako naman ang mangkulit at manggulo." Sagot ko habang iniisip ang mas magandang dahilan para hindi niya ko sapakin.

"Di ba may usapan tayo na hindi Mo kukunin ang number ni Aliza at hindi Mo na siya papansinin. Para hindi na siya tuluyan main-love sayo.?" Inis na sabi ni Kai sabay tapon ng yosing hawak niya.

"Oo nga may usapan tayo pero hindi ko naman mapipigilan na pansinin siya sa ginagawa niyang kabaitan sa kin." Sagot ko sa kanya.

"Anong hindi mapipigilan ha?! Mapipigilan Mo yan wag mong pansinin, wag mong hingin number niya, block Mo sa Facebook at twitter, layuan Mo ng layuan ka rin niya, at higit sa lahat wag mong tagapin lahat ng ibibigay niya sayo!" Galit na sabi niya sa kin sabay tulak sa kin .

Tumayo ako at sinagot siya ng galit. Pano hindi ka magagalit sa ginawa niya sa kin nakakabeast mode ang p*t*ng ina. "Oo hindi ko kayang gawin lahat ng yan pero sige gagawin ko yan para sayo dahil boss ka namin.!!" Sabay labas sa room kung saan kami nag uusap at umakyat agad ako sa roof top.

Nang umakyat si Kai halata sa mukha niya na nanggigigil siya sa ginawa ko. Ngayon siya naman ang beast mode I'm sure na susuntukin ako nito.

"Hoy Vermillion!! Sumasagot ka na sa kin ha?! Lalaban ka na bang p*t*ng ina mo?!" Sabay hatak ng damit ko pataas.

Pero hindi ako sumasagot dahil sasapakin na talaga ako nito. Pero sa sobrang gigil niya sa kin tuluyan na niya akong sinapak at tumulsit ako sa may inuupuan ko. Pinunasan ko ang dugo sa labi ko gamit ang kamay ko. Walang ginawa ang mga kasama namin tinayo lang nila Ako sa kinabagsakan ko dahil sinigawan sila ni Kai.

"Walang tutulong diyan!! Ang tumulong diyan siya ang bubugbugin ko!!" Sigaw niya kaya agad nila akong pinitawan dahil takot din sila kay Kai. Tumayo na Ako ng maayos para bumalik sa pag-kakaayos ng mukha ko.

"Ano lalaban ka pa?! Tara dito mag-suntukan tayo!!" Sigaw Niya sakin pero hindi ko na lang siya pinansin.

"Ano! Laban! Di ba matapang Ka na? Lumalaban Ka na nga sakin ei."Pag-aaya niya sakin na lumaban sa kanya. Hindi ko na lang siya pinapansin para hindi na siya lalo mainis sakin.

"Tama na yan Kai."Awat ni Miguel kay Kai. Ayan na naman si mayabang na kala Mo talaga mabait pero tinatago lang naman ang pagka-badboy niya para ligawan si Aliza.

"T*ng *n* kasi neto sumasagot na sa kin kala Mo lalaban na!" Sigaw ni Kai sabay kuha ng yosi sa arm chair at sinindihan ang yosi.

"Pano sumusobra ka na kasi masyado." Galit na sabi ko habang inaayos ang damit ko.

"Ay t*ng *n* sumasagot na naman." Sabay tayo Sa kinauupuan niya para suntukin ulit ako pero hindi niya na gawa dahil pinigilan ni Miguel.

"Tama na yan Kai!" Sigaw ni Miguel habang sinalo ng kamay niya ang suntok na dapat ay sa mukha ko. Pinababa ni Kai ang kamay niya at ganun din si Miguel bumalik si Kai sa kinauupuan niya.

"Hoy ikaw Miguel!! Wag ka ngang umepal sa away namin nag papakabait Ka na naman!!" Sinapak ko si Miguel para wag ng umepal. Pinunasan niya ang labi niya para tignan kung may dugo. Pero walang dugo dahil hindi ko naman nilakasan at kung nilakasan ko iyon I'm sure meron yan dugo at tumulsit na sana siya.

"Hoy Vermillion!! Ikaw na nga pinag-tatanggol ni Miguel ikaw pa galit ha?!" Sigaw ni Kai sa akin malamang pang-tatanggol ni Kai si Miguel dahil feeling Niya na si Miguel na ang magiging boyfriend ni Aliza.

"Hey guys!! Easy lang kayo. Tayo-tayo na nga lang magkakaibigan dito at tayo ang kinakatakutan ng school na ito." Awat samin ni Greyzon ng medyo pa biro.

"Sorry Kai." Ani ko kay Kai na kala Mo sobrang bait pero naiinis parin Ako sa loob-loob ko.

"Kay Miguel hindi ka mag-sosorry?! Pagkatapos ka niyang pagtanggol tapos sasapakin Mo lang?" Ani ni Kai sabay tapos Sa ubos ng yosi.

"Sorry Miguel." Pag-sosorry ko kay Miguel sa isip ko ang sinasabi ko Sa kanya ay "Sorry Miguel. Next time kasi wag Ka ng eepal Sa away namin di Ka naman lumalaban." Kung pwede ko lang sabihin sa kanya sinabi ko na.

"Sige okey lang yun Ver." Pag-papatawad niya sa kin. Kala Mo mabait talaga hindi naman naku... Nakakainis talaga tong Miguel na to.

"Yun! Mag babati rin naman kayo dahil tayo lang magkakaibigan dito na matatapang." Sabat ni JC habang nag-yoyosi.

"Tama!!" Sigaw ni Gabriel. Kami lang naman kasi talaga ang magkakaibigan dito sa school na matapang kaya nga kinakatakutan kami dito Sa pangalan palang ng grupo 'Black magic'

"Tayo bang lahat ang kinakatakutan? O si Kai lang o may isang pinagkikiligan lang?" Sigaw ko sabay sindi ng yosi para kumalma Ako at Hindi na Ako manuntok.

"Sino sinasabihan Mo ng pinagkikiligan lang? Si Miguel? E ano? Pogi siya, matalino, mayaman." Pang-tatanggol ni Kai kay Miguel. Alam naman pala nila bakit hindi na lang tanggalin sa grupo para walang kinakikiligan Sa grupo kung hindi kinakatakutan lang.

Boyfriend O Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon