Chapter 29 »Ang Muling Panliligaw«

72 73 2
                                    

•Miguel•

Nang malaman ko ang lahat ng ginawa ni Vermillion kay Aliza sobra akong nang gigil kay Vermillion at syempre nagkaroon naman ako ng pag-asa dahil alam kong pwede ng maging sa akin ulit si Aliza. Oo alam kong sinabi niyang hindi pa ulit siya handang umibig pero handa naman akong hintayin siya kahit napakatagal at isa pa handa akong ligawan ulit siya.

"Kaya mo yan Miguel! magiging sayo ulit si Aliza." Sigaw ko sa loob ng kwarto ko habang tinititigan ang aming mga pictures dalawa.

*Ring~ Ring~ Ring~*

Aliza's Mom calling

Miguel: Yes, hello tita?

Aliza's mom: Miguel? hihingi sana ako ng favor sayo?

Miguel: Sure tita, ano po ba yun?

Aliza's mom: Maaari bang pumunta ka ngayon dito? ilang days na kasing nagkukulomg si Aliza sa kwarto niya hindi rin siya kumakain.

Miguel: Sige po tita magbibihis lang po ako tapos pupunta na po ako dyan.

Aliza's mom: Sige Miguel, salamat mag-iingat ka.

Miguel: Sige po tita, thank you po.

End of call

Agad naman akong nagbihis ng sabihin bigla ni titang pumunta ako sa kanila. Pagkakataon ko na din to kaya hinding-hindi ko na papalagpasin pa ang pag-asang to. Nag toothbrush lang ako at sabay alis kaagad sa bahay para agad na makapunta ng mabilis kila Aliza.

"Miguel! saan ka pupunta?" Tanong ni mommy.

"Kila Aliza mom! ilang days na po kasi siyang di kumakain o kahit man lang lumabas sa kwarto niya." Agad kong sagot habang tumatakbo papunt sa kotse.

"Mag-iingat ka okay?!" Pahabol na sigaw ni mommy.

"Yes, mom! thank you bye!" Sagot ko naman.

Agad kong minaneho ang sasakyan ko ng mabilis dahil sobrang excited na akong makita at makasama ulit si Aliza ng matagal. Ilang minuto na lang ay malapit na ako sa bahay nila Aliza kaya naman agad akong nagmadali sa pagmaneho at bumusina para pagbuksan ng yaya nila ang gate nila Aliza.

"Hello po tita." Bati ko ng makita ko si tita na inaabangan ako sa pinto nila.

"Nandun siya Miguel. Tatlong araw na siyang hindi kumakain nag-aalala na ako sa kanya." Ani tita.

"Sige po tita ako na pong bahala kausapin si Aliza." Sagot ko kay tita.

"Sige Miguel, salamat." Pagpapasalamat ni tita at hinatid niya ako sa kwarto ni Aliza.

"Sige Miguel nandyan siya katukin mo na lang."

"Si---" Naputol ang sasabihin ko ng biglang lumabas si Aliza sa kwarto niya na agad akong niyakap ng mahigpit habang umiiyak.

"Nakakagulat ka naman Aliza." Sabay himas-himas ko sa likod niya.

"Sorry! I'm very very sorry." Paulit-ulit niyang sabi sa akin.

Boyfriend O Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon