Chapter 12 »Advice«

124 99 7
                                    

•Aliza•

Kaya ko nasabi na loyal at mayaman siya dahil... Loyal siya kasi kahit marami nakatingin na babae sa kanya di niya tinitignan focus lang siya sa mukha ko at kahit maraming nagpapapicture sa kanya di siya nagpapapicture ang lagi niya lang sagot ay "Sorry bawal." Yan ang lagi niyang sagot oh! Di ba! Ang loyal ayaw magpapicture sa iba di katulad ni Vermillion kahit mga bakla at nanay pa nagpapapicture sa kanya sige lang siya ng sige. Kaya ko naman nasabing mayaman siya juskooo!! Tignan mo naman kung saan kaming restaurant? Sa pinaka-mahal na restaurant sa buong pilipinas at Bumili pa kami ng coffe sa Starbucks. O di ba ang yaman tapos lahat ng gusto kong bilin kahit mahal bibilin niya halos di na nga siya nakapag shopping dahil ako lagi niyang binibilan.

"Ikaw Miguel wala ka bang bibilin? Puro ako binibilan mo baka di mo na nabibili gusto mo dahil sa kin ah?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Wala naman akong gustong bilin at okey lang turo ka lang ng turo ng gusto mo bibilin ko para sumaya ka." Sabay ngiti niya sakin.

"Pasweet ka ah! Porket nanliligaw ka sa kin. Joke hahaha" Pagbibiro ko sa kanya.

"Whattttt?! Nililigawan ba kita? Hahaha!! Joke lang din syempre. Hindi naman pasweet sadyang ginagawa lang kitang prinsesa." Pagbibiro nya din sa kin.

"May pagkabaliw ka rin pala no? I like." Sabay kurot ko sa ilong nya.

"You like me? So tayo na ba?" Pagtatanong nyang pabiro.

"Hmmmm... No! Konting kembot pa sa panliligaw." Ani ko sabay ngiti sa kanya.

"Sayang! Kala ko naman tayo na hahaha... Sige konti na lang pa e." Natatawa niyang sabi sabay akbay sa kin.

"Hahaha... Baliw ka nga!" Pagkurot ko ulit sa Ilong niya. Hinayaan ko na ang pag-akbay niya sa kin.

Nagtuloy-tuloy ang katuwaan namin dalawa habang nag shoshopping kami ay! Este ako lang pala taga bayad lang siya ng mga gusto ko. Hahaha!! Inggit kayo no? Pero don't worry guys sure naman akong marami pang ganyan na lalaki tulad ni Miguel. Sadyang mga bad boy lang sila sa paningin natin at bad boy sila kumilos pero pag minahal ka sure mawawala ang pagkabad boy nyan. Sure naman akong makakahanap din kayo ng ganyan na lalaki tiwala lang.

Author Advice

Sobrang totoo yan para sa kin guys dahil sa totoong buhay may nanligaw sa kin na mukhang bad boy at babaero/fuck boy. Pero lahat ng tingin ko yan sa kanya nagbago nung sinagot ko siya at 6months na kami ngayon sa 25, 7months na naming dalawa. Oo bad boy talaga siya pala away, pala cutting, pala od pero nagbago siya para lang sa kin at oo sa iba kilos bad boy parin siya siga-siga ganun pero pagdating sa kin nawawala yun nagiging sweet, mabait, ako ang boss samin dalawa. Kaya para sa advice ko po piliin niyo po yung taong kayang maghintay sainyo kahit gano man katagal at yung lalaking boss sa iba pero ikaw parin ang magiging boss para sa kanya. Wag niyong piliin kung pogi ba yan, mayaman, famous ang piliin niyo ang tulad ni Miguel oo mayaman siya pero mapapansin mong loyal siya sayo at may respeto. Tulad ng boyfriend ko ngayon di sobrang pogi, hindi famous, hindi mayaman pero nabibigay niya ang gusto ko. At ayun ang lumigaya at maramdaman na totoo ang pagmamahal nya sakin.

•Aliza•

So ayan si author na nagbigay ng advice. Sobrang haba no? Pero iisa lang naman meaning ng mga yan kung hindi piliin mo yung kaya kang mahalin ng totoo yung magiging loyal sayo at papasayahin ka. Balik tayo samin dalawa ni Miguel wag niyo ng pansinin si author papansin lang yan hahaha!! Peace author I love you mwuah...

"Hala!! 9:00pm na pasara na tong mall tara na bilis baka masaraduhan tayo dito may pasok pa naman tayo bukas." Kinuha ko yung ibang dala nyan na pinamilo ko sabay hinatak ko siya palabas sa mall.

Pero niisang exit o entrance sarado na lahat sumisigaw na ako ng "Tulong!! Tulong!!" at "May tao pa po dito!! Buksan niyo tooooo!!" Pero wala na talagang tayo sa labas kaya ayun no choice kami dito kami matutulog sa loob ng mall. Masyado kasi kaming natuwa sa paghaharutan namin dalawa di namin napansin ang oras para wala kaming nakikitang ibang tao. Kaya ang ginawa ko tinawagan ko si mommy pero nakapatay ang cellphone niya ganun din naman si kuya Kai.

"Hmmm... May cellphone ka di ba? Tawagan mo kaya parents mo or kahit sino na puwedeng tumulong satin dito." Pag-aalala Kong sabi sa kanya.

"Meron pero nakalimutan Kong mag pagload e." Ani niya.

"Walang kuwentang cellphone tapon mo na yan joke. Hahaha..." Pagbibiro ko sa kanya at tumawa rin naman siya kahit paano.

"Akin na cellphone mo may tatawag ako." Ani ni Miguel.

"Oh! Eto bilisan mo lang 17% na lang kasi yan." Sagot ko sabay abot sa kanya ng cellphone ko habang naglalakad-lakad kami dito sa mall.

Mga ilang minuto na niyang hawak ang cellphone ko pero di parin sumasagot ang tinatawagan niya. Gabi na kasi sobra kaya sure yan na wala ng gising pa ng ganitong oras. Ayoko namang tawagan si Vermillion syempre di naman kami tutulungan nun lalo na at si Miguel pa ang kasama ko may galit yata talaga tong si Vermillion kay Miguel kasi nakuwento ni Miguel sa kin mga nangyari sa kanilang dalawa ni Vermillion.

"Oh eto na cellphone mo tapon mo na rin yan wala ng battery hahaha!! Joke lang din." Sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Pano na tayo niyo? Naku naman talagaaaaa!! Ayokong makaroon ng absent papagalitan na naman ako ng masungit naming math teacher nito." Naiinis ko sigaw sa loob ng mall nato.

"Easy ka lang Aliza gagawa akong paraan okey? Basta easy ka lang dyan at wag maingay ng makapag-isip ako ng maayos pano tayo lalabas dito." Sabi niya sa kin sabay gulo ng buhok ko.

Mag 12:00pm na di parin kami nakakaalis dito sa mall nato. Pero kahit kaming dalawa lang dito ni Miguel parang marami parin akong kasama sa sobrang daldal niya as in magiging masaya ka parin kahit sila lang kasama mo dahil sobrang joker din niya. Halos malalaglag na yung panga naming dalawa sa kakatawa namin at dahil din sa pag kikilitian namin kaya kami tawa ng tawa na parang baliw.

Boyfriend O Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon