Chapter 24 »I'm fucking jealous«

88 77 4
                                    

Vermillion

I don't know why I'm jealous to Miguel. Maybe because i like Aliza but now Miguel and Aliza are together as a couple. I want to hit Miguel right now as in now I'm pissed off to him.

"Hello guys, meet my girl." Bati ni Miguel habang pinapakilala si Aliza ng naka-akbay pa siya.

"Kilala namin kapatid nga siya ni Kai di ba!" Pangbabara ko sa kanya. Pano ba naman kasi kilala na namin si Aliza papakilala pa.

"Sabi ko nga Vermillion e." Sabay upo nilang dalawa ni Aliza sa puwesto ni Miguel.

"Ano nangyari dun bakit ang sungit?" Bulong niya kay Greyson. Jusko dapat di ka na bumulong kung maririnig ko lang din.

"Ewan ko dyan kanina pa ganyan yan e. Sobrang tahimik tapos pag kinausap sisigaw." Sagot ni Greyson.

"Cr lang ako." Pagpapaalam ko.

Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila basta-basta na lang akong bumaba. Ewan ko ba ano nangyayari sa akin nagseselos lang ba ako dahil crush ko din si Aliza o mahal ko na talaga siya? ang lito sumasakit na ulo ko. Gusto kong magdrive sa bundok para tahimik pwede pa akong humarurot ng sasakyan para malabas ko tong mga nararamdaman ko.

Pumunta ako sa parking lot para kunin ang kotse ko para pumunta sa bahay namin na nasa bundok. Papalabas na ako ng gate ng biglang dumating ang mommy nila Aliza na ayaw akong palabasin.

"Hey you! Vermillion right?" pagtatanong niya sa akin.

"Yes po tita." Mahinang sagot ko.

"Saan ka pupuntaha? matatapos na ang break niyo lalabas ka pa?" pagtatanong niya ulit sa akin.

"May problema lang po tita gusto ko lang po sanang pumunta sa bundok para makapag-isip-isip po ako." Sagot ko. Lalabas na sana ako ng bigla niya akong pigilan at pinasarado ang gate sa guard.

"Hindi niyo na po kasi ako naiintindihan! ang anak niyo si Aliza sila na ni Miguel paano naman ako na matagal na niyang gusto at matagal ko na din siyang gusto!" Sigaw ko at nagulat naman siya sa pag sigaw kong yun.

"Sino ka para sigaw ako? Tandaan mo ako ang may-ari ng paaralan na to kaya wala kang karapatan sigaw-sigawan ako! At wala kang pake kung sila na dahil kung tutuosin mas gusto ko pa si Miguel kesa sayo! Ayaw ka namin para kay Aliza hindi pa ba malinaw yun sayo?" Sigaw niya sa akin wala naman akong nagawa kung hindi magsorry na lamang sa na gawa kong pagsigaw.

"Sorry tita. Nadala lang po ako mahal ko po kasi talaga anak niyo. Pasensya na po." Paghingi ko ng tawad.

"Sige kung gusto mo mapag-isa lumabas ka na." Inutusan niya ang guard para bukas ang gate ulit.

"Thank you po. And sorry." Lumabas na ako ng school at minaneho ng paharurot ang kotse ko ng sobrang bilis.

Nang makarating ako sa bahay namin agad akong pumasok sa loob para magpahinga at para makapag-isip-isip. Pumunta ako sa malapit na dagat sa bahay na ito para magpahangin. Sa sobrang bored ko nagswimming na lang muna ako para lumamig ang ulo ko kahit paano. Nakapunta ako sa bandang malalim at agad din naman akong sumisid para bumalik sa mababa na parte. Agad akong nagpunas ng makabalik na ako sa bahay at agad akong pumunta sa cr para mag-anlaw dahil sobrang alat ng dagat na iyon halos mas maalat pa yata yun sa asin e.

Pagka-anlaw ko agad naman akong nagbihis ng damit ng pinsan kong si Jade ang napakabait kong pinsan. Kaya nga siya ang dinala sa ibang bansa para maghandle ng company ng daddy ko Imbis na ako ang maghawak ng company namin siya pa ang naghawak. Pero okay lang naman sa akin kasi sanay naman ako na laging hindi ako ang napipili sa pamilya namin. Kaya siguro grabe ako magreact ngayon kasi hindi na naman ako ang napili nag-iisa na lang si Aliza na alam kong ako ang pipiliin pero hindi pala.

"Nagugutom na ako." Pumunta ako sa kitchen pero kahit biscuits ay wala kaya naman pumunta pa ako sa malapit na puregold dito.

Ang tanging binili ko lang ay itlog at noodles dahil wala naman akong dalang pera ang tanging dala ko lang ay 200pesos. Tinitipin ko kasi ang pera ko para makapag ipon ako at mabili ang mga gusto ko kasi hindi binibili ng daddy ko ang mga gusto ko. Si mommy naman binibilan niya ako pero ngayon hindi ko nalaman bakit nagbago bigla sa akin si mommy kaya nga ako naging ganito kasi tanging sila Kai na lang ang tinuturing kong pamilya pero ngayon nawala na din dahil sa Miguel na yan.

"Eto po bayad ate." Sabay abot ko ng 100pesos sa kahera.

"Thank you sir." Sabay abot niya ng sukli ko at kinuha ko naman ang mga binili kong pagkain.

Binigay ko sa guard ang resibo para parmahan niya na katunayang binili ko tong mga dala ko. Agad naman akong sumakay sa kotse ko at bumalik sa bahay para makapag-luto na ako ng kakainin ko dahil sobrang gutom na gutom na ako. Ikaw ba naman ang hindi mag almusal tapos di pa kumain ng break time niyo sa school tanging yosi lang ang pagkain ko.

"Makaka-kain na din. Gutom na ako sobra." Sambit ko pagtapos kong maluto ang noodles at ang kanin na sinaing ko.

"Hi, sino ka? ikaw ba ang anak ni tito Max?" pagtatanong ng isang babae na bumaba.

"Oo ako nga. Sino ka? At bakit ka narito sa bahay namin?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Anak ako ng partner niyo sa company. Ako si Liza, Liza Ricafort." Pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya para makipag shake hands sa akin.

"Vermillion." Tanging sagot ko sabay tanggap ng kamay niya para makipag shake hands.

"Ano yan niluto mo? Puwede pang kumuha at makisabay sayong kumain?" Pagtatanong niya.

"Sige okay lang naman. Di ko naman kayang ubusin yan lahat eh." Ngiti kong sabi sa kanya habang kumakain.

"Bakit ka nga pala nandito? Hindi nabanggit ng daddy mong pupunta ka rito." Sambit niya habang kumukuha ng pagkain.

"Wala naman gusto ko lang mapag-isa pero para hindi din pala ako makakapag-isa dito kasi nandito ka e." Inis na sabi ko. Umupo siya sa harapan ko at hindi kami nagkikibuan kahit man lang hi o hello.

Boyfriend O Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon