Chapter 26 »Ang Pag-amin Ko«

86 73 2
                                    

•Vermillion•

Balak ko na sanang umamin kay Aliza nung 3rd monthsary nila nung December 1 kaso lang masaya siya sa feeling ni Miguel kaya inisip ko muna ang mararamdaman niya kaya pinalipas ko na lang ulit ang pag-amin ko sa kanya. Napag-planuhan ko ng amin kay Aliza sa mismong birthday ko at syempre sasabihin ko muna din sa tropa ang desisyon ko lalo na kay Kai.

"Uhmm... guys? may gusto sana akong sabihin sainyo." Sabi ko.

"Ano yun Vermillion? buti naman at na isipan mo na mag-sabi ngayon sa amin." Ani Gab.

"Oo nga! ang tagal mo din ganyan ang mood at ang tagal mo ng ganyan na puro lang yosi, yosi, tapos yosi na naman." Singit ni Jc.

"Ang dami niyong sinasabi! ano ba sasabihin mo Vermillion?" Tanong ni Kai sa akin.

Medyo kinakabahan talaga akong sabihin ito sa kanila lalo na kay Kai alam niyo naman ugali ni Kai di ba. Pero kailangan kong sabihin to para na din sa ikabubuti ng kalooban ko ayoko na ng ganito! tago ng tago sa feelings ko nakakasawa ang mag-tago kung alam niyo lang.

"Kasi... sana walang magalit sainyo pag-sinabi ko to? lalo na ikaw Kai."

"Bakit ano ba yun ha? pipilitin kong wag magalit, sige." Sagot ni Kai

"Ano kasi. Gusto ko ng sabihin kay Aliza na matagal ko na din siyang gusto!" Mabilis na sigaw ko.

"What?! matagal mo na akong gusto?!" Nagulat naman ako ng makita ko si Aliza kasama si Miguel.

"A-aaa... E-ehh... ano." Nauutal-utal ako kaya naman si Kai biglang nagsalita.

"Hindi ka niya gusto! iba ang sinasabi niyang gusto niya matagal na! umaasa ka na naman kay Vermillion nandyan na si Miguel." Sigaw ni Kai.

"Hindi Kai! tama na aaminin ko na kay Aliza ang lahat!" Sigaw ko sabay titig niya ng nakakatakot na talagang kakabahan ka pag tinuloy mong sabihin.

"Aliza, matagal na kitang gusto pero kasi. Sabi ng kuya mo wag kong sabihin dahil nga ayaw nila ako para sayo dahil sa ugali ko. Dahil babaero daw ako, dahil playbot daw ako, at dahil daw sasaktan lang kita." Sambit ko habang hawak ang kamay niya at si Miguel naman ay nanggigil sa akin kaya nasapak ako nito ng napakalakas.

"Ano ba! bakit mo ginawa yun?" Sigaw ni Aliza sabay alalay sa akin pagtayo.

"Hoy Aliza! pinagtatanggol mo pa yang Vermillion na yan ha! tandaan mo mas naghirap si Miguel makuha ka nag-effort pa si Miguel para mapasagot ka tapos ganito gagawin mo sa kanya ha?! tumayo ka dyan hayaan mo siyang tumayo ng mag-isa!" Sunod-sunod na sigaw ni Kai sa kapatid niya.

"Kuya! ang tagal niyo akong niloko! alam mong mahal ko si Vermillion una palang! umaasa ako sa kanya! umaasa akong magugustuhan at mamahalin niya ako! at eto yung pinakahihintay kong yun! sorry Miguel mahal kita pero mas lamang parin ang pagmamahal ko kay Vermillion." Umiiyak na sabi ni Aliza habang ako nakayuko at pinupunasan ang dugo sa labi ko na sinapak ni Miguel.

"Ano? makikipag-hiwalay ka kay Miguel para sa g*g* yan?! sinasabi ko sayo Aliza ngayon palang! hindi mo gugustuhin ang makarelasyon ang lalaking yan!" Ani ni Kai.

Sakto naman umakyat ang mommy nila sa tambayan namin. Yes, pumupunta talaga ang monmy nila dito para icheck kami at tinatapon ang mga yosi na nakikita niya dahil ayaw na ayaw niyang may nagyoyosi sa school niya at lalong ayaw niya magyosi ang anak niya.

"Ano ang nangyayari dito? bakit ka umiiyak dear? ano na naman ba ginawa niyo sa anak ko?" pagtatanong ng mommy nila sabay yakap ni Aliza rito.

"Pano mommy si kuya Kai! inutusan niya pala si Vermillion para hindi sabihin na gusto din niya ako." Umiiyak na sabi niya.

"Alam ni mommy yun! dahil nga ayaw namin para sayo ang lalaking to!" Sabay sipa ni Kai sa mukha ko para mapahiga.

"Kuya! papansin ka din masyado no! di mo naman to buhay kaya wag mo akong pagsasabihan at wag mo akong pipigilan sa gusto ko!" Sigaw ni Aliza.

Habang pinupunasan ko ang mga dugo sa mukha ko nakikita kong si Miguel na halatang gigil na gigil dahil ang kamao niya ay nakadikit na sa pader.

"Aliza, baby? come here." Sabay lapit naman ni Aliza sa mommy niya.

"Baby, alam ko ang ginawa ni Kai pumayag ako kasi ayun ang makakabuti sayo. Hindi makakabuti sayo na si Vermillion ang magiging boyfriend mo dahil playboy siya alam mo yan. Oo alam kong gusto mo siya at gusto ka niya pero anak masasaktan ka lang kapag siya ang pinili mo nasa huli ang pag-sisisi, anak." Ani ng mommy nila.

"No mom! si Vermillion ang pipiliin ko! nakapag desisyon na ako sorry di ko kayo susundin ngayon mom. Mahal ko si Vermillion sorry Miguel sana maintindihan mo." Malungkot na sabi ni Aliza at niyakap niya si Miguel.

"Grrr... p*t*." Pigil na sabi ni Miguel sabay suntok ng malakas sa pader at halatang nagdugo ang kamao nito dahil may natirang dugo sa sinuntok niyang pader.

"Nasa huli ang pag-sisisi anak." Ani ng mommy niya sa kanya at sinundan si Miguel pababa.

"Tindi mo! masaya ka na nasira mo ang matagal na pinaghirapan ni Miguel?!" Sigaw sa akin ni Kai sabay bato niya ng yosi sa akin.

"Sh*t." Napasigaw ako dahil sa legs ko tumama ang yosi na binato niya.

"Omygod!" Gulat na sabi ni Aliza sabay alis ng yosi kung saan ito tumama.

"Tsk. Tsk. Tsk." Sabay baba din ni Gab.

"Tindi mo par! kala ko ang laki ng problema mo ayun pala si Miguel ang makaka-problema ng malala." Sambit ni JC.

"Grabe ka par! grabe talaga!" Sabay-sabay na silang bumaba lahat habang kaming dalawa na lang ni Aliza ang natira.

"Okay ka lang ba? hayaan mo na sila mga wala silang kwenta! wala silang kwentang kaibigan." Sabi ni Aliza.

"Thank you, Aliza." Sabay ngiti ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Ano ka ba wala yun no. Matagal na kaya kitang hinihintay alam mo yan di ba."

"Salamat talaga ha? ako parin pinili mo kahit na masaya ka na naman kay Miguel. And sorry hindi ko ginustong masira ang relasyon niyo."
"Ano ka ba hayaan mo na yun kakausapin ko na lang si Miguel para kahit paano maging mag-kaibigan parin kami."

"Sige. Thank you ulit kahit na ayaw sa akin ng pamilya mo at ayaw nila na ako ang maging boyfriend mo pinili mo parin ako. Thank you kasi kahit alam mong playboy ako sinubukan mo parin na maging boyfriend ako. Wag kang mag-alala hindi ka mag-sisisi na pinili mo ako kasi mamahalin kita ng sobra at hinding-hindi kita lolokohin." Sambit ko sabay hawak sa maganda niyang mukha.

"Thank you din kung ganun." Sabay ngiti niya sa akin habang punupunasan ang mga dugo sa mukha ko.

Nang bumaba kami para pumunta sa next subject pinag-titinginan kami ng mga tao at halatang pinag-uusapan kaming dalawa ni Aliza. Hindi namin sila pinansin tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad papunta sa next subject ni Aliza dahil ihahatid ko siya sa room nila kahit ganito na ang itsura ko. Nang mahatid ko siya agad naman akong pumunta sa room namin na kung saan ay kaklase ko pa si Miguel at katabi.

Hindi kami nagpapansinan ni Miguel hanggang sa matapos ang klase at hanggang sa mag-uwian kami kahiy isang hi o hello man lang hindi kami nagpansinan at sure lagi na kaming ganito.

Boyfriend O Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon