Chapter 25 »First Monthsary«

90 74 2
                                    

•Aliza•

First monthsary namin ngayon ni Miguel kaya naman ako ang mag-e-effort ngayon sa kanya dahil nag-effort na siya nung niligawan niya ako kaya ngayon ako naman hindi yung laging siya. Nagpatulong ako sa mga kaibigan niya at kaibigan ko lalo na sa black magic group dahil sila ang mas nakakakilala kay Miguel.

Marami na kaming pictures ni Miguel hindi tulad dati kaya ngayon marami na akong malalagay na pictures at memories dahil madalas ang bonding naming dalawa magmula ng naging kami na. Ako na nga ang madalas niyang kasama e. Minsan na lang siyang sumama sa black magic. Kung minsan pa nga sinasama pa niya ako sa tambayan ng black magic at dun kami magkukulitan.

Sa bahay namin ginagawa ang effort ko sa kanya na may lettering na hawak ng kambal na sila JC at may mga lobo at ribbon na nakatali sa taas parang medyo tulad bg ginawa niya. Kami naman lahat ay nakagitna at ako ang pinagpa-gitnaan nilang lahat habang hawak ko ang cake na may nakasulat "Happy 1st Monthsary Love <3" sinimulan na namin ang plano kung paano siya pupunta ng mabilis dito sa 'min.

Text Convo

Love, puntahan mo naman ako sa bahay ngayon please? T_T

Bakit love? ano nangyari? may nangyari bang hindi maganda sayo?

Sobrang taas kasi ng lagnat ko love. Pupunta kami ngayon sa hospital ni mommy para magpacheck up ako. Gusto ko sana kasama ka puwede ka ba ngayon?

Sige love, otw na ako. Hintayin niyo ako ni tita binibilisan ko na! Uminom ka muna ng gamot love nag-aalala ako sayo hintayin mo ako.

Sige love thank you. Ingat ka i love you mwuah...

Sige love i love you too.

End Convo

Mga ilan minuto lang narinig at nakita na namin ang pagdating ni Miguel sa bahay kaya dali-dali kaming puwesto kaagad. Halata kay Miguel na natataranta na siya at kinakabahan lalo na ng makita niyang madilim ang bahay namin kaya agad-agad siyang kumatok at ang yaya ko naman ang nagbukas ng pinto.

"Nasan po si Aliza at tita? umalis na po ba sila? malala na po ba lagnat ni Aliza? nasa taas po ba siya?" Sunod-sunod na tanong ni Miguel sa yayang nagbukas ng pinto sa kanya.

"Ayun po sila Sir!" Sabay turo ni yaya kung saan naroon kami ng agad buksan ni yaya ang ilaw.

"Happy 1st monthsary!!" Sigaw naming lahat ng sabay-sabay.

"Happy 1st monthsary, love." Habang lumalapit kami sa isa't-isa halatang naiiyak na siya.

"Thank you, love. I love you." Sabay hipan niya sa candles.

Kinuha ni kuya Kai ang cake at sabay na niyakap ako ni Miguel ng napakahigpit. Niyakap ko din naman siya at hinimas-himas ang likod niya dahil alam kong umiiyak na siya.

"Tahan na love." Himas ko sa likod niya.

"Thank you love. Sorry yung gift ko sayo naiwan sa bahay kakamadali ko, nag-aalala na kasi ako sayo ng sobra e." Ani sabay kiss sa noo ko.

"Okay lang yun love bukas mo na lang ibigay yun sa 'kin, ang mahalaga magsaya tayo ngayon!!" Sigaw ko sabay sigawan naman nilang lahat.

"Tara guys kainan na!!" Sigaw ko ulit sabay takbo nila sa lamensa kung saan madaming nakahain na pagkain.

Nang makakuha kaming pagkain ni Miguel agad kaming pumunta sa garden para humiwalay sa kanilang lahat na sobra ang ingay. Nag-usap lang kaming dalawa ni Miguel at nag-aasaran ng kung ano-anong puwedeng i-asar sa 'min dalawa.

"Thank you talaga ng marami, love." Pagpapasalamat ulit niya sa 'kin sabay akbay.

"Wala yun ano ka ba kulang pa yan sa effort mo nung niligawan mo ako. At ano ka ba love simple lang yan kaya wag kang thank you ng thank you dyan sige iki-kiss kita sa lips gusto mo?" Sabay lapit ko ng labi sa labi niya na konti na lang ay magdidikit na talaga.

"Sige nga gawin mo? kung kaya mo bleeh!" Sabay dila niya sa 'kin at biglang nilapit ulit sa bibig ko ang labi niya.

"Ayiieeee!!" Sigaw ng mga kaibigan kong baba na saktong pagpasok sa garden ay sakto din na hinalikan ko sa labi si Miguel.

"Anong ginagawa niyo dito ha?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Wala naman kakamustahin lang namin sana kayo pero mukhang okay naman pala kayo sige alis na kami bye!" Sunod-sunod na sabi ni Heart at agad pumasok ulit sa bahay habang patingin-tingin parin sila sa 'min.

"Nakita nila pano yan? ikaw kasi love eh ang sweet mo masyado." Kinikilig na sabi niya habang kumakain ng graham.

"Ikaw kasi e. Okay lang yan tayo na naman at ikaw na din ang last ko!" Sabay yakap ko sa kanya ng sobrang higpit.

"Promise, love?" Tanong niya.

"Promise!" Sigaw ko sabay taas ng kamay na sumusumpa.

"I love you?"

"I love you too, love." Sagot ko.

Nang maubos namin ang pagkain namin at pagkatapos namin magbonding at mag-usap bumalik ka-agad kami sa loob ng bahay upang makisali na sa kasiyahan nila sa loob. Nilagay na lang namin sa lamensa ang pinakainan namin at agad pumunta kung saan sila nagkakasiyahan dahil sa kantahan.

"Enjoy lang kayo guys!" Sigaw ni Miguel sa kanila.

"Happy monthsary Miliza!!" Sigaw ni Gabriel gamit ang mic.

"Sinong Meliza?" Pagtatanong ko.

"Kayong dalawa syempre sino pa ba? Miguel plus Aliza, equal Miliza." Paliwanag niya.

"Hahahaha!!" Tawanan nilang lahat.

"Dami mong alam Gab! gagawa ka na lang ng love team namin ang panget pa! kutusan ko lungs mo dyan e." Sigaw ni Miguel upang marinig siya ni Gab.

"Ganun talaga nag-aaral ako e." Sigaw niya na halatang lasing na lasing na.

"Lasing ka na Gab pano mo mahahatid girlfriend mo nyan?" Pagtatanong ni Miguel.

"Ako na lang ang maghahatid sa kanya hindi na niya kayang magdrive e." Singit ng girlfriend ni Gab.

"Mas mabuti pa nga. Baka mamaya napano ka pa pag siya ang nagdrive." Singit ko naman.

Nang mag 3:00am na ng madaling araw agad naman nagsi-uwi ang mga bisita namin sa 1st monthsary namin Miguel. Habang si Miguel naman ay nakatulog na sa kwarto ko dahil nakainom din siya kahit paano. Pinilit pa kasi painumin si Miguel ayan tuloy dito pa matutulog si Miguel pero okay lang naman para masanay na din akong makakatabi ko na siya madalas pag nagtagal kaming dalawa hindi na ako maiilang sa kanya kapag magkatabi na kaming matulog.

Boyfriend O Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon