Chapter 22 »Doing The Effort«

97 79 2
                                    

•Miguel•

Pagkatapos kong magpahinga sandali agad-agad akong pumunta sa Sm para bumili ng mga kakailanganin na materials. Madami-dami din ang kakailangan kaya naman sinama ko ang isa sa mga driver namin para may katulong ako magbuhat ng mga bibilin ko. Nilista ko ang mga kakailanganin ko sa isang papel inuna ko ang mga mahahalaga.

List to buy:

Carton/Karton (big size) 6pcs, white folder 10pcs, colorful accessories/designs 10 or more pcs, tape 1pcs, double sided tape 2pcs, ruler 3pcs, pencil 3pcs, cutter2pcs, glue (big) 2pcs, scissors 3pcs, color pen 16 or more colors.

Ayan ang mga unang important materials sa gagawin Kong effort para kay Aliza. Marami pa ang kulang pero syempre 2days pa naman bago ang surprise date na napag-usapan ng tropa. Nang mabili namin ang lahat ng yan umuwi agad kami para makakain na dahil anong oras na kami umalis sa bahay kaya eto ginabi na kami masyado. Pagka-uwi namin sa bahay agad kaming pumasok sa bahay para kumain. Yes, kasama din namin kumain ang mga trabahador namin sa bahay dahil pamilya na kami nagtuturingan sa bahay. Hindi ko na nilabas ang mga pinamili namin dahil bukas ay dadalin ko rin iyon sa school.

The next morning

Sinundo ko na si Aliza sa kanila at pagsakay na pagsakay niya nakita agad niya yung mga materials sa likod ng sasakyan.

"Ano yun?" Pagtatanong agad niya.

"Wala yan mag karton lang." Sagot ko.

"Ganun ba? Para saan naman ang mga yan?" Tanong ulit niya sa akin.

"Aaaaa..... Para sa contest sa mga designs sa akin pinabili." Pagdadahilan ko.

"Haaa... Ang dami naman mga pang-designs ang inutos sayo. Hindi ka ba nahirapan buhatin?"

"Oo nga e. Nahirapan din syempre sumakit nga katawan ko puwedeng pahilot naman?" Natatawang sabi ko

"Akin na hilutin ko." Medyo tumagilid ako para ipahilot ang likod ko na hindi naman talaga masakit.

"Aray!" Sigaw ko dahil sinuntok niya ng malakas yung likod ko.

"Kala mo maloloko mo ako ha! Style mo bulok!" Sabay tumawa siya ng malakas.

"Pag ikaw hinalikan ko tignan mo madadala ka." Pagbibiro ko.

"Ikaw hahalikan ako? Sus! Bakla ka kaya pano mo ako mahahalikan aber?"

"Bakla pala ha!" Sabay sugod ko ng mukha sa labi niya pero di ko tinuloy tinatry ko lang siya.

"Ano bakla ako?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Oo! Hindi mo nga natuloy oh!" Sabay dila niya sa akin.

Ilang minuto lang ay dumating na kami sa school. Naghiwalay na agad kami para pumunta sa klase namin at ako naman ay pumunta sandali sa cr upang umihi.

Hanggang sa nag break time na kami pinuntahan ko agad si Aliza para sabihin na baka hindi muna ako sumabay kumain sa kanya. Sisimulan na namin kasi ngayon yung explosion box kung tawagin. Habang kinakausap ko si Aliza sila Gab at ang kambal ay kinuha na ang mga gamit sa kotse ko.

"Hey, how are you?" Sabay upo Kong sabi kay Aliza.

"I'm fine, Tara kain na tayo?" Pagtatanong niya samin mga kaibigan niya.

"Ahhmm... Hindi muna ako sasabay ngayon Aliza kasi marami kaming gagawin ngayon kailangan namin kasi matapos agad yun." Sagot ko sa kanya habang siya naman ay pakain na.

"That's okay kung mahalaga yan tapusin mo na para din sa grade mo yan."

"Thank you Aliza." Sabay tayo ko sa kinauupuan ko para pumunta na sa tambayan.

"Okay goodluck." Nakangiti niyang sabi.

Pumunta na ako sa rooftop para puntahan ang tropa upang masimulan na namin. Ang nag susukat sa box ay si Gab at JC ang taga gupit naman ay ako at si Greyzon habang si Kai at Vermillion ay nanonood lang habang nagyoyosi.

"Pre mamaya ako tutulong pag marami na ang gagawin ha?" pagsasalita ni Kai.

"Sige pre okay lang kayang-kaya na namin to konti palang naman ang gagawin e." Sagot ko sa kanya habang nagsusukat parin ako.

Hanggang sa matapos kami sa paggugupit at pagsusukat pinagtikid-tikid nanamin iyon gamit ang tape upang maging box na ito. Tumulong na si Kasi sa pagbuo ng box hanggang si Vermillion namin ay tutulog na. Nang matapos namin gawin itong box binalutan na namin ng magagandang designs ang box upang maging maganda at kaaya-ayang tignan. Nang biglang nagbell inayos na namin ang gamit at binalik na ni Greyzon ang mga gamit sa kotse ko habang kami ay pumunta na sa sunod-sunod namin klase.

"Goodmorning class!!" Sigaw ng teacher namin pagkapasok at bumati rin naman kami ng sabay-sabay sa kanya.

"Okay class, hindi tayo magkaklase ngayon dahil marami akong gagawin para sa contest ibibigay ko lang ngayon ang 3rd grading top 5." Ani niya Sabay labas sa mga medals always medal ang binibigay pag 3rd and 4th grading na.

"Sino-sino kaya yun? Hindi na ako aasa na nasa top 5 ako jusko sa talino ba naman ng mga kaklase natin." Ani ni Alexandra sa akin ang isa din sa matalik na kaibigan ni Aliza. Si Alexandra ay isa sa mga kasabay namin ni Aliza kumain pag vacant.

"Matalino ka rin naman e. Okay lang di kasama sa top ang mahalaga makapagtapos ka ng pag-aaral." Sagot ko sa sinabi niya.

"Sabagay you have a point." Sabay ngiti niya.

"The top 5 is... Jeon, Vermillion congratulations." Sabay punta ni Vermillion para kunin ang medal.

"And the top 4 is... Quiozon, Brielle congratulations." Sabay punta ni Brielle para kunin ang medal. Si Brielle ay pinsan ng tropa namin kambal na sina JC at Greyson.

"And the top 3 is... Ricafort, Miguel congratulations." Yes! Ako ang tinawag I'm always the top 3 minsan lang ako mag top 2 or top 1.

"Thank you po." Pagpapasalamat ko sabay kuha ng medal. Ang top 2 at top 1 ay mag pinsan sila laging dalawa ang nag-aagawan sa top 1 sina Mary at Ivy. Silang dalawa rin ang laging lumalaban sa mga contest para sa section namin.

Nang uwian namin dumeretcho kami sa bahay ng kakilala nila Gab na tutulong sa amin gawin ang box. Agad namin binaba ang gamitin na materials para sa explosion box.

"Hi, Tara pasok kayo dun na natin gawin yan sa bakuran namin." Ani niya at kami naman ay sumunod habang buhat ang mga materials.

"Nasimulan na namin para konti na lang din ang gagawin natin ngayon." Sabi ko sabay baba namin ng gamit sa mahabang lamensa nila.

"That's okay mas mabuti na yung maaga niyo sinimulan para maaga din natin yan matapos." Ani niya at simulan ulit namin ang box para hindi na kami abutin ng madaling araw.

Natapos namin ang box ng 10:45pm pictures and letters na lang ang kulang kaya ako na lang ang maglalagay kaya nagsiuwian na kami sa mga kanya-kanya namin bahay at ang tumulong saamin na babae ay binigyan ko ng 1,500. Wala pa kaming picture ni Aliza na marami anim palang ang pictures namin nung nag mall kami nun kaya naman bukas kailangan ko makapag papicture sa kanya ng marami-rami.

Boyfriend O Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon