Chapter 18 »I Need Advice«

94 85 5
                                    

Vermillion•

Aaminin ko na sana kanina kay Aliza ang nararamdaman ko para sa kanya pero umepal nanaman tong mga babae na kung tawagin dito sa school ay "Pokpok Queens" mga pokpok kasi talaga ang anim na yun. Dahil lahat na lang ng makikita nilang pogi sa school na ito o sa labas ng school ay hinaharot nila. Kung minsan nga nasasapak na sila ng mga lalaki dahil bigla-bigla nilang hinaharot kahit hindi nila kilala. Nainis ako sa mga babaeng yun dahil pagkakataon ko na yun para umamin kay Aliza pero sumabay na lang ako sa harot nila para magselos si Aliza. Ang cute kasi ni Aliza pag nagseselos siya lalo akong nafa-fall sa kanya.

Nang tawagin na ang anim na pokpok naglakad na ako papunta sa first subject ko na kaklase ko naman sa tropa namin ay si Kai sa subject na science ang hate subject teacher namin ni Kai. Paano ba naman hindi namin magiging hate yung teacher na yun napaka-maldita na kami pang black magic lagi ang sinisigawan at trip na trip ipahiya pero dahil teacher siya pinagpa-pasensyahan na lang namin. Syempre kahit naman paano may galang kami sa mga nakakatandaan at sa mga guro namin may mabuting puso pa naman kami kahit paano hindi tulad ng iba na kung demonyo sila sa labas ay ganun din sila sa klase nila. Hindi naman kasi lahat ng badboy ay pinabastos ang teacher ang iba ay may galang parin kahit paano.

"O nandito ka na pala! Kanina ka pa namin hinahanap ng tropa saan ka ba galing ha?!" Tanong ni Kai sa akin pagpasok na pagpasok ko sa room namin.

"Ah-eh..." Pag-iisip ko ng dahilan.

"Ah... Eh... Ih... Oh... Uh...? O okay na? Natapos ko na saan ka nga galing ah? Nag-aral ng abakada?" Pagtatanong niya ulit.

"Ah... Sa Cr lang! Oo sa nagCr lang ako sandali." Pagdadahilan ko.

"Okay class please quite now!! And you Vermillion! Why are you still standing?" Sigaw ng teacher kong ang sarap batuhin ng upuan. See? I told you kaming mga black magic ang gustong-gusto netong ipahiya.

Umupo ako sa tabi ni Kai at nakinig sa buset kong teacher. Habang nagtuturo ang aming guro iniidip ko parin kung paano ko ba aaminin kay Aliza ang nararamdaman ko ng hindi nalalaman ni Kai *tingin kay Kai* hays! Mauunahan na ako ni Miguel nito kaya kailangan ko na talagang aminin kay Aliza ang nararamdaman ko habang maaga pa. Dahil pag sinagot na niya si Miguel wala na! Wala na akong pag-asa kahit man lang umamin hindi ko nagawa! Kaya naman gustong-gusto ko ng aminin sa kanya na oo! Yes! Mahal na mahal din kita Aliza matagal na.

"Vermillion!!" Sigaw ng teacher ko at ako naman ay nagulat kaya nawala ang pagkatulala ko.

"Yes ma'am?!" Pagtatanong ko.

"I said answer this questions!! In your one whole sheet of paper!!" Pagsigaw niya habang tinuturo ang pinasasagutan niyang mga tanong.

"Okay po ma'am." Sagot ko sabay kuha ng one whole sa loob ng bag ko.

Nag-sagot na ako sa papel habang nag-sasagot ako si Aliza parin ang nasa isip ko at kung paano ang gagawin Kong Plano para umamin sa kanya.

"Huy! pre!" Sigaw ni Kai. Napatalon naman ako sa kinauupuan ko kaya nagising nanaman ang diwa ko.

"Ano ba yun pre?! Gulat ng gulat amf!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Parang lagi ka kasing wala sa sarili pre okay ka lang ba ha? May problems ba pre?" Pagtatanong niya sa akin.

"Wala! Wala!" Sagot ko sabay sulat ulit sa papel ko.

"Okay sabi mo eh! Basta sabihin mo na lang pag may problema para matulungan ka ng tropa ha!" Sabay tapik niya sa likod ko.

"Sige pre salamat!" Sagot ko sa kanya habang nakatingin lang sa sinasagutan Kong papel.

Nag-sagot na lang ako ng nag-sagot para matapos ko agad dahil sure hindi nanaman to magpapalabas habang hindi pa tapos. Nang magpasahan na ng papel pinalabas na kaming lahat at dumiretcho sa kanya-kanyang sunod na sa subject. Ang sunod ko subject ay history na ang teacher naman namin nato kung ano ang kinamaldita ng Una naming subject ganun naman siya kabait kaya siya ang favorite Kong teacher dahil sobrang bait niya kesa sa mga ibang teachers ko.

Hanggang sa matapos kami sa history subject ayun parin ang iniisip ko break na namin kaya kinausap ko si ma'am Juliet ang teacher ko sa history para humingi ng advice kung ano gagawin ko.

"Hi ma'am?"

"Uy! Vermillion? May problema ba?"

"Wala naman po ma'am."

"Bakit nandito ka ha? Tapos na klase natin ha?"

"Uhmm... Puwede po bang magtanong ma'am?"

"Sure ano ba yan?"

"Kasi po ma'am... Paano ko po ba aaminin sa isang babae na mahal ko din siya ng hindi nalalaman ng iba?"

"Ha?! Hindi nalalaman ng iba? Mahirap yan dahil kahit anong gawin mo may makakaalam at makakaalam nyan ang secret ay hindi natatago ng matagal yan. At kung mahal mo ang isang tao ipaglalaban mo siya at ipagmamalaki sa maraming tao."

"Hays! Hirap ng sitwasyon ma'am." Malungkot na sagot ko sa advice ni ma'am.

"Hahaha... Kaya mo yan! Kung mahal mo ipaglaban mo siya! Sige Vermillion una na ako marami pa akong tatapusin eh. Good luck sayo ha." Sabay tapik ni ma'am sa braso ko.

Sabay kaming lumabas sa room ni ma'am siya ay papunta sa Dept. At ako naman ay sa tambay ng black magic. Umakyat ako sa tambayan ng wala sa sarili ni-isa sa kanila wala akong pinapansin kahit pag-akyat ko hindi ko na apiran si JC.

"Ui pre! Ang tagal mo ha?" Sabay lahad niya ng kamay niya para makipag-apir sa akin pero tuloy-tuloy lang ako sa upuan ko.

"Ano nangyari dun? Parang nakakita ng multo." Pagtatakang sabi ni JC sa tropa.

"Kanina pa nga yan ganyan eh. Tinanong ko naman ano problema ayaw niyang magsabi." Sagot ni Kai.

"Hayaan niyo na baka naman gusto niya makapag-isa baka personal masyado problema niya." Ani ni Miguel.

Hanggang sa mag-uwian na para akong wala sa sarili kaya nga napapagalitan na ako ng mga teachers ko at pati sila Kai ay nag-aalala sa akin dahil nga sa iba ang kinikilos ko.

Boyfriend O Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon