Chapter 13 »Stuck in The Mall«

108 95 4
                                    

Miguel•

Nang maiwan kami sa mall sumaya ako dahil alam kong makakasama ko siya buong magdamag. May alam akong paraan para makapag charge at makapagpaload siya pero hindi na bukas iyon. Sasabihin ko sa kanya kung bukas yun. Matagal ko ng kilala ang pamilya ni Kai dahil naging kaklase ko siya last last year at nagging magkaibigan kami ng sobra nun pero ng magkahiwalay kami wala na akong balita sa kanya. Pero dahil nga sa sikat ang grupo nila nagkaroon ulit ako ng balita sa kanya ganito ang nangyari kaya ako napasali ako sa grupo nila.

July 25, 2016
"Hey! Kai kamusta na?" Tanong ko sa kanya.

"O! Ikaw pala Miguel, okey lang ikaw ba?" Pagbabalik niya ng tanong ko.

"Eto okey lang din naman. Long time no see pre ah? Nakikita ko lagi kapatid mo si Aliza ba yun? She's still beautiful."

"Oo nga eh di kita nakikita dito last year hapon ba schedule mo last year? Ow! My sister Aliza? You like her?"

"No! Sa L.A ako last year nag-aral bumalik lang ako kasi ayoko dun payabangan kasi eh. Yes I like her but-" Hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla ng nagsalita si Kai.

"Ah ganun ba? Gusto mong ligawan si Aliza sumali ka sa grupo namin tutulungan kitang ligawan siya. O pano pag-isipan mo na ah? Bukas kita tayo sa tambayan namin sa old building sa pinakataas kailangan bukas may desisyon ka na. Sige pasok na kami sa subject namin see you tomorrow!!" Tuloy-tuloy niyang sinabi sa kin yan hindi niya na hinintay ang mga sasabihin ko sa kanya.

"Okay see you!!" Sigaw ko habang medyo malayo na sila sa kin.

July 26,2016

Umakyat ako sa sinabing place ni Kai sa old building. Habang unti-unti akong papalapit lalo akong kinakabahan dahil kilala ko si Kai pag may grupo siya puro away at gulo. Dapat susundin niyo siya. Dapat nagyoyosi at umiinom ka tulad niya. At marami ka pang ibang dapat gawin pag kagrupo mo siya.

"O Miguel! Nanjan ka na pala! Lika dito gusto ko ng malaman desisyon mo!" Ani niya habang nagyoyosi siya.

Lumapit ako sa kanya ng nakangitin ako. Lahat naman ng kagrupo niya nakatingin sakin. Lalo na yung nakikita kong nililigawan ni Aliza yung Vermillion. Pano ko nalaman? Simple lang dahil nga sa nakikita ko si Aliza halatang halata na nililigawan na niya halos yung lalaking wala naman pake sa kanya.

"So what?" Tanong niya.

"Sige pumapayag na ako. Pero-" bigla nanaman siya nauna sa sasabihin ko.

"Pero? Pero di ka iinom at magyoyosi? Okay lang naman basta kahit minsan uminom ka okay?"

"Okay sige. Basta minsan lang at ayoko na uminom ng marami."

"Sure Miguel! Minsan lang naman kami uminom dito." Ani ni Kai.

End

Ayan ang dahilan bakit ako napasali sa grupo nila. Dahil nga gusto Kong makuha ang loob ni Aliza gusto Kong makuha ang matamis niyang oo galing sa bibig niyang mapula *titig sa labi ni Aliza* hanggang ngayon naglalakad parin kami habang naghaharutan at nagtatawanan halos na ikot na nga namin tong mall eh. Nang mapagod kaming dalawa naupo muna kami sa isang tabi para magpahinga muna.

"Hays... Magkakaroon na ako ng absent lagot ako sa teachers ko..." Naiinis niyang sabi.

"Pasensya ka na ah? Kasalanan ko tong lahat eh." Pagsosorry ko sa kanya.

"No! Kasalanan ko to ang tagal-tagal ko kasing magshopping eh." Pagsisisi niya sa sarili niya.

"Hahaha... Okay lang yan makakalabas din tayo dito maaga naman siguro nagbubukas tong mall."

"Oo maaga pero break time nanamin ang bukas nito 8 or 9 kasi nagbubukas tong mall." Inaantok niyang sabi.

"Inaantok ka na. Sige tulog ka muna jan maghahanap muna ako ng macocontact natin. Puwedeng pahiram muna ng cellphone mo?" Tanong ko sa kanya.

"Sure. Sige matutulog muna ako thank you ah." Sabay ngiti niya sa kin.

Nang makatulog na siya nilagay ko ang ulo niya sa balikat ko. Tinititigan ko siya habang natutulog kahit pala natutulog siya ng naka nga-nga ang ganda parin niya. Nagsimula na akong tawagan lahat ng nasa contact ko pero lahat ng yun ay mga di na sumasagot mga tulog na siguro mga yun.

Dahil sa wala akong mahanap na macocontact unti-unti akong inaantok. Tinago ko muna ang cellphone naming dalawa at hinawi-hawi ang buhok niya. Paghawi ko sa buhok niya nagising siya.

"Sorry. Tulog ka na ulit di ko alam nagigising ka pala paghinahawi buhok mo." Pagsosorry ko sa kanya.

"Hindi okay lang at mas lalo nga ako inaatok paghinahawi buhok ko. Nagising lang ako kasi naramdaman ko gising ka pa. Matulog ka muna yaan mo na hahanapin naman ako nila kuya Kai kaya sure pupunta dito yun sa mall."

"Sige okay lang matulog ka na ulit aalagaan at babantayan na lang kita." Ngiti kong sabi sa kanya.

Natulog ulit siya sa balikat ko. Habang ako naman inaalagaan siya at binabantayan dahil ayokong may mangyaring masama sa kanya. Alam Kong nag-aalala parin siya dahil nga sa naiwan kami dito sa mall at dahil magkakaroon na siya ng absent ayaw na ayaw niya kasing nagkakaroon siya ng absent kahit isang beses. Dahil sa alam ko naman na totoo ang sinabi niyang hahanapin siya nila Kai lalo na ang mommy niya pupunta dito yun.

30 minutes ago

Nararamdaman kong may nakatitig sa kin at may naririnig akong tumatawa. Unti-unti Kong binuksan ang mga mata ko at pagtingin ko nakatitig si Aliza sa kin habang pinipigil na niya ang tawa niya. Grabe lalo akong naiinlove sa kanya pag tumatawa siya ng ganun.

"Gising ka na pala! Bakit ka tumatawa ka? May dumi ba ako sa mukha?" Pagtatanong ko sa kanya.

Tinuro naman niya yung labi ko. Pagpunas ko sh*t tumulo yung laway ko kaya pala siya tawa ng tawa. Hindi parin siya tumitigil sa pagtawa niya kaya kiniliti ko siya ng kiniliti.

"Hahahaha!! Tama naaaa... Miguel! Tama na!" Sigaw siya ng sigaw ng tama na habang tumatawa siya dahil malakas talaga kiliti niya kahit sa leeg, tenga, kili-kili at sa iba pang parte ng katawan niya.

"Ano tatawanan mo pa ako ah?" Pagtatanong ko habang nagtatawanan kaming dalawa.

"Hindi na po." Hinihingal niyang sabi na parang hinahabol niya paghinga niya.

Boyfriend O Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon