Chapter 30 »Ang Aking Napili«

138 69 4
                                    

•Aliza•

Nakapag-desisyon na akong bumalik kay Miguel dahil tama nga ang sinabi nila mommy at kuya na hindi ko gugustuhin pag naging kami na ni Vermillion. Napakababaero niya grabe! gusto ko siyang patayin sa mga pinag-gagawa niya sa 'kin na pananakit! sana pala una palang hindi ko na siya nagustuhan! sana pala hindi ko na iniwan si Miguel para lang sa walang kuwentang! babaero! na Vermillion na yan. Tama nga sila nasa huli ang pag-sisisi lalo na sa ginawa ko sobra akong naiinis sa sarili ko! sinaktan ko ang taong minahal ako ng sobra-sobra at minahal ako ng totoo. 

Iyak lang ako ng iyak sa kwarto habang sila mommy, kuya, at yaya katok ng katok sa kwarto ko para ayain kumain pero hindi ko sila pinapansin o kahit man lang sumagot ng "ayoko." iyak lang ako ng  iyak talaga. Pangatlong araw natong hindi ako kumakain dahil sa nangyari na pananakita ng Vermillion na yan. Iniwan ko pa si Miguel para lang kay Vermillion pero lolokohin lang pala niya ako *Iyak ng malakas* grabe siya! hindi ko tuloy alam kung paano ko kakausapin si Miguel para lang bumalik siya sa 'kin. Para ibalik yung saya ng relasyon namin. Narinig ko naman si mommy na tinawagan si Miguel para papuntahin dito, pero alam kong hindi siya pupunta dahil sa nagawa kong pag iwan sa kanya.

After 45 minutes

"Nandyan siya sa kwarto niya Miguel ayaw niyang lumabas kahit man lang kumain. Iyak lang siya ng iyak buong magdamag nag-aalala na kami sa kanya." Narinig ko sabi ni mommy.

Lumabas ako sa kwarto para yakapin si Miguel ng mahigpit at para magsorry sa kanya dahil sa nagawa ko.

"Sorry! I'm very very sorry, love! please continue our relationship?!" Umiiyak na sabi ko sa kanya habang mahigpit na nakayakap.

"That's okay, love. Okay continue our relationship please don't carry okay?" Ani sabay himas niya sa likod ko para patahanin.

"Sige baba lang ako mag-usap muna kayo. Magluluto na din ako ng kakainin niyo dalawa." Ngiti ni mommy sabay baba niya.

"Tara dun tayo sa kwarto mo, love." Ani habang naka-akbay sa 'kin ng papasok kami sa kwarto ko.

"Sorry love and thank you." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Wag mo ng alalahanin yun, love. Ang mahalaga tayo na ulit at wala ng makakapag-hiwalay ulit sa'ting dalawa." Sabay halik niya sa noo ko.

Binuksan ko ang TV ng kwarto ko para habang nag-uusap kami meron kaming napapanood na movie. Pinanood namin ang Goblin ang favorite Kdrama ko and syempre mga nanood kami ng mga action and horror movies.

"Anak? Miguel? eto na pagkain niyo." Sigaw ni mommy.

"Thank you po tita." Pagpapasalamat ni Miguel At inabot ang pagkain namin para ilagay sa lamensa. Ngumiti lang si mommy sabay umalis na para pumunta ng office niya.

"Ang dami naman ng nito ang dami pang ulam." Sambit ko pagka-abot ni Miguel sa 'kin ng pagkain ko.

"Syempre ilang days ka kay walang kain sinabi sa 'kin ni tita." Galit na sabi ni Miguel.

"Sorry, love. Alam mo naman nangyari di ba sobra akong nasaktan nun. Iniwan kita para sa kanya tapos ganun gagawin niya sa 'kin." Nalulungkot kong sabi.

"Okay lang yun sige na kain na tayo." Ani ng nakangiti.

Sabay kaming kumain habang nanonood. Matapos namin kumain agad namin inayos ang lamensa para kakaunti na lamang ang akin aayusin.

"Dito nga pala ako matutulog okay lang ba?" Pagtatanong niya.

"Seryoso? sure why not, love." Masayang sabi ko sabay yakap sa kanya. Second time na niya tong dito siya matutulog sa tabi ko pero ngayon matutulog siya dito samin magpupuyat na siya kasi nga mag movie marathon kaming dalawa.

"Ano gusto mong next natin, love?" Tanong ko.

"Ikaw bahala basta yung sasaya ka ka." Halik niya sa noo ko.

"Hmmm... Legend of The Blue Sea na lang, love? maganda yun kay Lee Min Ho." Masaya kong sabi habang nililipat ko sa Legend of The Blue Sea.

"Kinain ng kdrama be like. Hahahaha!!" Pang-aasar niya sa 'kin.

"Ha ganun?" Sabay kiliti ko sa kanya habang siya hindi makagalaw dahil di ba kahinaan natin lahat ang kiliti.

"Ayoko na love!! Ayoko na!! Tama na!!" Sigaw niya ng malakas kaya naman pumunta agad si mommy sa 'min.

"Ano nangyayari dyan Miguel? okay lang ba kayo?" Tanong ni mommy sa 'min.

"Opo mom!" Sagot ko.

"Titaaa!! nira-rape po ako ni Aliza!! tita tulong!!" Sigaw ni Miguel.

"Baliw talaga kayong dalawa! sige na, balik na ako sa office ko marami pa akong tatapusin eh matulog na kayo pagtapos ng pinapanood niyo!" Sigaw ni mommy.

"Yes Mommy."

"Sige po tita."

"Ano aasarin mo pa ako? kala mo ha!" Sambit ko ng tigilan ko siyang kilitiin.

"Hindi na po boss kasi..." Bitin niya sabay mabilis na kiniliti ako.

"Waaahhhh!! mommy!! nira-rape ako ni Miguel!! Hahaha!! Ayoko naaa!!" Paulit-ulit ko sigaw ng ako naman ang ayaw niyang tigilan kilitiin.

"Di mo ko titigilan ha! etong sayo!" Sigaw ko sabay palo sa kanya ng unan ko.

Nagpaluan na lang kami ng unan at nagkilitian hanggang hindi namin napansin natapos na ang pinanonood namin. Natulog na kami dahil sobra kaming napagod sa ginawa naming harutan at ngayon ang gulo ng kwarto ko kaya bukas maglilinis kaming dalawa. Hindi puwedeng ako lang ang maglilinis baka gusto niyang hindi siya makauwi sa kanila char lang.

"Tulog na tayo love pagod na ako." Sabi ko.

"Sure love una ka na ayusin ko lang tong ibang ginulo natin at patayin ko lang yung TV at DVD." Ngiti niya sa akin sabay halik sa noo ko.

"Goodnight, love." Sigaw ko.

"Goodnight and sleep well, love." Ani habang tinatanggal sa saksak ang TV at DVD.

Ang sarap talaga sa feeling kapag pinagsisilbihan ka ng taong mahal mo no? sana lahat ng lalaki katulad ni Miguel para wala ng iiyak pa na babae para lang sa taong lalaking mahal nila. Syempre ganun din sa mga bakla at tomboy sana hindi na sila umiiyak sa taong mahal nila depende na lang kung pamilya na nila ang iniiyakan nila di ba. Kaya kung bibigyan lang ako ng tatlong kahilingan una kong hihilingin ang sana hindi na kami maghiwalay pa ni Miguel, pangalawa sana hindi na umiyak ang mga tao sa wala namang kwentang tao, at last sana lahat ng gusto ng mga tao sa taong mahal nila ay mapunta sa kanila.

Humiga na si Miguel sa tabi ng maayos na niya ang lamensa at TV. Hinalikan niya ako ulit sa noo at sabay bulong ng "Goodnight my princess." sabay ngumiti siya ng dumilat ako. Niyakap ko siya at niyakap din naman niya ako kaya sobrang sarap sa feeling ng nayakap ko ulit siya kaya naman hindi ko na siya muling sasaktan pa tulad ng ginawa ko sa kanya para lang sagutin si Vermillion.

Kaya kayo dyan wag na wag niyong ipagpapalit ang tao sobra-sobra kang minahal kesa sa taong sobra-sobra mo ngang minahal hindi naman pala kayang ibalik sayo ang pagmamahal na iyon. Hindi sa lahat ng oras pipiliin mo ang nilalaman ng puso mo dapat mag-isip ka din ng maayos kung saan makakabuti at kung saan hindi masasaktan ang puso mo. At last syempre wag kayo agad-agad naniniwala sa mga sinasabi nila sayo lalo na kung alam mo naman na una palang playboy na sila. Pero syempre wag padalos-dalos ng desisyon kung hindi pa kayo sigurado minsan talaga may mga playboy na kayang magbago para lang sa taong minamahal nila, sadyang kailangan niyo lang mapatunayan kung talaga bang nagbago na siya o hindi pa. Bigyan niyo sila ng mga pagsubok para maabot nila kayo hindi yung easy to get lang kayo kasi kung ganun talagang masasaktan kayo at masasaktan dahil sinagot mo kaagad hindi mo naman pala alam na totoo ang mga pinag-sasabi niya sayo.

Boyfriend O Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon