Special Chapter

2.8K 76 5
                                        

SPECIAL CHAPTER

WARNING! ANG CHAPTER NA ITO AY KALOKOHAN LAMANG. PUWEDE NINYONG BASAHIN O PUWEDE RING HINDI (PERO I SUGGEST BASAHIN NIYO NALANG< MAY ILANG PART KASI DITO NA CONNECTED SA SUSUNOD NA CHAPS)

Sunday..before ang date nina Cara at Floyd

Otor's POV (haha, masama bang magkaroon ng POV sa story na ito haha. Isinama ko rin dito sina redpinkflower at jeromedeguia54 bilang pasasalamat sa mga votes nila pero kung ayaw niyo, no problem, puwede niyo namang sabihin sa akin para palitan natin -.* )

"Hi guys, ako si KC, at iniimbitahan ko kayong samahan ako sa adventures ko Yehey! Uy teka teka teka, wag mo munang ilayo ang camera, maganda to promise!"
Naglakad ako papasok sa isang condominium building. Ang yaman talaga ni Floyd no? may pa condo condo pa siya! Yaman! Sosyal!

"Halika kayo readers, puntahan natin si Floyd. Guguluhin natin siya. follow me. Charge!"

At tumakbo na ako papasok. Nakasunod naman yung camera man na binayaran ko. Nakatingin sa amin ang mga tao pero wala akong pakialam sa kanila no!

"Nakasakay na tayo sa elevator papunta sa unit ni floyd. Nasa fifteenth floor pa kasi yun! Ang arte talaga niya! Buti nalang may elevator no?"

*Ting!

"Narito na po tayo sa 15th floor, mga sir, ma'am!" anunsiyo ng cute, friendly at always naka-smile na elevator girl. 'Redpinkflower' yung nakalagay na name tag niya.

After forever, sa wakas nandito na kami sa tapat ng unit ni Floyd.

"Ito po ang condo unit ni Floyd, might as well tandaan niyo para kung wala kayong magawa, puwede kayong magpunta dito ^_^"

*ding dong

Antagal namang buksan ni Floyd. Inip na inip na ako ha!

* ding dong

Wala parin!

Alam ko na!

Kinuha ko yung sapatos ko at siyang ipinukpok ko sa pinto niya. tignan lang natin kung hindi pa niya ito bubuksan!

Wala pa ngang sampung minuto eh nakita ko na ang nakabusangot na mukha ng guwapong si Floyd.

"Sino ka! At bakit parang may balak ka pa yatang sirain tong pintuan ko!" galit na sabi niya.

Hindi talaga question mark ang ginamit niya ha!

"Umayos ka nga Floyd kundi bibigwasan kita!" inisuot ko uli yung sapatos ko at saka pumasok sa loob. "Halikayo guys, punta tayo sa kitchen ni Floyd!"

Pumasok ang camera man at sumunod sa akin.

"Teka teka, bawal ka dito!" pigil niya sa camera man ko.

"Sige na nga, diyan ka muna sa labas" sabi ko nalang.

"Nasaan ba ang kitchen mo Floyd?"

"Sino ka ba talaga ha?"

Hindi ko na pinansin ang sinasabi niya kasi *.* kumikinang ang mga mata ko sa nakita ko!

Ohlala punong-puno ng frozen yogurt ang fridge ni Floyd!

"Floyd!!!! And dami mong frozen yogurt! Akin na ang mga ito ah!" kinuha ko ang isa ang walang sabisabing kinain ito. "Ancharap chiguro tumira dito!"

"Hoy babae! Akin yan! Umalis ka na nga dito sa condo ko kundi palalayasin kita!"

Tinignan ko siya ng masama. Eh panu kasi inagaw niya yung kinakain ko eh -.-.

"You really don't kilala me? Walanjo ka Floyd! Ang magandang si ako ay hindi know ni you! Anubey!" itinirik ko ang mga mata ko sa kisame at nag roll eyeballs kay Floyd.

DRAGONAIA: The Lost Dragonair (To be Edited soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon