CHAPTER 45

2.6K 77 4
                                    

(Don't forget to vote guys)

The Lost Dragonair
By Kleocy01

VLAD'S POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Athena at isinama niya ako papuntang Baguio. Hindi niya ba naisip na maaari ko siyang pagsamantalahan? Hehe pero siyempre joke lang. Kaibigan ko siya at tsaka mahalaga siya sa akin kaya hinding hindi ko siya puwedeng saktan. Besides, may usapan kami ni Dianne.

Hinagod ko ng tingin ang mukha niya. Kasalukuyan siyang natutulog habang nakasandal sa balikat ko.

She's a figure of pure innocence besides being very beautiful.

Her thick, long, curly eyelashes, her golden locks, her perky nose..they are all perfect. Napadako ang tingin ko labi niya. They are pinkish and so...kissable.

Napalunok ako ng sunod-sunod habang nakatitig dito.

I shook my head. Ano ba itong mga naiisip ko. Sumandal ako sa headboard ng upuan at sinubukang makatulog.

But with this chic by my side, I doubt magagawa kong makatulog. And worse, baka hindi ko matupad ang pangako ko kay Dianne.

----------

CARA'S POV

Buwisit! Nakakainis! Nanginginig ako sa galit!

Paano ba naman kasi! Bigla biglang papasok itong si Veronica at in-assume agad na sa kanya nagpropose si James! And worst, isinuot niya ang singsing na dapat ay para kay Athena! Kumuha pa siya ng mga larawan habang nakayakap siya kay James! Ang landi niya, ang feeling niya! Gusto ko siyang pagsasampalin at ingudngod ang mukha niya sa semento hanggang sa maging kaderder ito na siya naman talagang dapat sa kanya kasi kaderder ang ugali niya pero pinipigilan naman ako lagi nila Floyd!

"Veronica, give me that ring! That's for Athena!" Mariing sabi ni James habang tinitignan si Veronica nang masama.

"James, honey. You asked me to be your girlfriend and now you're asking me to return the symbol of our love for each other? No way honey! Smile!" Tapos yumakap uli siya kay James saka kumuha ng litrato nalang dalawa.

Itinulak siya ni James.

"Hindi kita tinanong! Ang assuming mo! Akin na nga yan!"

Veronica just smirked. "From now on, you are mine James. Kahit na ano pa ang sabihin mo. I'm your girlfriend and you're my boyfriend." Pilit pa niyang hinahalikan si James.

"Veronica ano ba! Its all just a misunderstanding! Guys tara na nga, iwan na natin tong baliw na ito!" With that itinulak niya nang malakas si Veronica kaya napasubsob ito sa sahig.

Dinaanan namin siya at umalis na ng classroom na iyon. Pero bago kami makaalis, narinig pa naming sumigaw si Veronica.

"AKIN KA LANG JAMES! WALANG SINOMAN ANG PUWEDENG UMAGAW SA'YO!"

"She's so crazy about you man" naiiling na sabi ni Sky.
Iningosan lang siya ni James.
----------
Nakabusangot parin ang mukha ni James hanggang ngayon. Naandito kami sa KFC para pakainin ang mga nag-aalburuto naming tiyan. Nagpunta sina Sky at Floyd sa counter para mag-order na ng kakainin namin.

"James, huwag ka nang mag-alala. May ibang araw pa naman para sa plano mo kay Athena eh. Kaya chillax ka lang okay?" Pang-aalo ko sa kanya.

"I know! Pero yung singsing! May sentimental value yun! Family ring namin iyon, Cara at para lang iyon kay Athena! Now it's with that bitch" napaigtad ako nang sipain niya ang paa ng lamesa.

Kinuha ko ang singsing at ibinigay iyon kay James.

"O ayan, napulot ko kanina nabitawan yata ni Veronica nang itulak mo siya"

DRAGONAIA: The Lost Dragonair (To be Edited soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon