The Lost Dragonair
by kleocy01Chapter 38
Monday
CARA'S POV
"Good morning Inay, good morning itay" bati ko sa mga magulang ko sabay halik sa pisngi nila. Narito sila sa kusina at kumakain ng breakfast.
"Oh 'nak, ba't ang ganda ng ngiti mo ngayon?" sabi sa akin ni inay sabay lapag ng niluto niyang itlog. "Halika't sumabay ka na sa amin ng tatay mo"
Umupo ako at sumandok ng kanin. "Wala, naman po..."
"Sus, kung alam ko lang eh dahil sa panliligaw ng dalawang mokong na iyon sa iyo" sabi ni itay.
"'tay.."
"o bakit? Totoo naman ah"
Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Eh, may nagugustuhan ka na ba sa dalawang iyon?"
"mayroon 'tay pero slight lang" sabi ko sa kanya. Sanay na kaming pag-uasapan ang mga ganitong bagay. Hindi rin ako naglilihim sa kanila.
"Slight slight, eh sino sa mga iyon?" sabi ni tay tapos sumubo ng kanin.
"Si Floyd po" nahihiyang sagot ko.
"Yung parang baklang yun na makapal ang eyeglass?"
"tay naman.."sabi ko nalang.
"Hay naku, tigilan mo na nga yang anak mo." sabi ni inay na tumatawa tawa pa.
---------
"o anak, sumabay ka na sa akin ah" sabi ni itay at kinuha yung susi ng kotse na ibinigay nila Athena sa kanya.
"Opo itay."
"O, at nandito pala yung dalawang ito!"
Napatingin ako sa sinasabi ni itay at nagulat ako nang makita ko sina Floyd at Sky na may kanya-kanyang kotse.
"Magandang umaga po" bati ng mga ito sa tatay ko.
Lumapit silang dalawa sa akin at iniabot ang mga bulaklak na dala nila."Ah-thank you ah," sabi ko nalang at napayuko. Nakakahiya! Anobang iniisip ng dalawang ito at sabay pang nagpunta rito? Hindi ba sila naaasiwa.
"O Cara, panano na iyan, mukhang may sundo ka pala" sabi ni itay.
"Itay, sa iyo pa rin po ako sasabay"
Napatingin siya sa akin at sa dalawang lalaki.
"Boys, pasensiya na at sa akin sasabay ang aking anak. Magkita nalang kayo sa school ninyo"
Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha ng dalawa pero agad silang ngumiti pareho.
"Paano ba iyan Sky? Unahan nalang tayo sa pagpunta doon?" sabi ni Floyd at umakbay pa kay Sky.
"Game!"
Umilng-iling nalang ako. Hindi ba awkward para sa kanila na nanliligaw sa iisang babae lalo na at magkaibigan sila?
---------
Nagpunta kami sa bahay nila Athena. Ihahatid na sana ako ni itay ngunit hindi pumayag si Athena na hindi kami sabay.
Papunta na kami sa school. Naninibago lang ako dahil ang tahimik masyado ni Athena.
"Athena, kumusta na" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin. "Okay lang ako Cara" napansin kong medyo paos na ang boses niya. Napansin ko rin na nangingitim na ang ibaba ng kanyang mga mata na pilit niyang itinatago sa pamamagitan ng concealer.
BINABASA MO ANG
DRAGONAIA: The Lost Dragonair (To be Edited soon)
FantasiTo new Readers: Huwag po ninyong unahing basahin ang last chapter. Please lang.. MAHALAGANG PAALALA: Ang istoryang ito ay maraming typos (Typographical error). Yun lang ✌ ISANG kakaibang bata ang napadpad sa mundo ng mga tao. Lumaki siya nang hindi...