CHAPTER 39

2.8K 83 1
                                    

The Lost Dragonair
By kleocy01

CHAPTER 39

ATHENA'S POV

Ugh! Cara and her weird, wild ideas! Here I am, stuck with James. Kung hindi ko lang siya best friend!
Ano ba kasi ang dapat pa naming pag-usapan in James, I mean, nag-usap na kami right? Okay na kaming dalawa. Hindi kami nagpapansinan, but its okay, I guess. Basta't friends padin kami (friends pa nga ba kami? Idk).

Yes nasasaktan padin ako, yes galit na galit padin ako sa kanya, yes hindi ko pa siya pinapatawad at wala akong balak, yes he hurt me that much. SO much, so much na dahilan ng pag-iyak ko tuwing maaalala ko yung ginawa niya sa akin, but heck I am trying to move on already! Tanggap ko na hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Iniiyak ko na lahat kagabi para wala na akong luhang ilalabas pa. Kaya ako nagka eyebugs ng bongga diba? So what's the point of talking about it right now? What does Cara want. Doesn't she see? Okay na ako. Okay na okay.

I looked at James na kasalukuyang nakayuko.

Hindi ako okay!

Shocks! Just the sight of him makes me wanna cry!

'Athena, calm yourself. You are moving on already. Besides you promised not to cry anymore' sabi ko sa sarili ko.

Pero bakit sa tuwing titignan ko siya, bumabalik ang lahat? Lahat ng sakit na idinulot niya sa akin.
Just seeing him reminds me of how much I love him. And how much I was hurt

Dahil ba hindi ko pa siya napapatawad?
I guess its time na patawarin ko na siya so we can move on together.

"Hey" I said, trying to make my voice to sound cool.

Itinaas niya yung ulo niya. Kanina pa kasi siya nakayuko eh.

"Hindi ko alam kung anong iniisip ni Cara at iniwan nila tayo rito. I guess, hindi niya alam na okay na tayo" sabi ko sa kanya at pilit ngumiti.

Tumingin siya sa akin. "We're okay?" He looked at me as if he is being puzzled.

"Bakit, hindi ba tayo okay?" Ngumingiti pa rin ako.

"I don't know. Galit na galit ka kasi sa akin noong huli tayong nagkita eh" he said as he placed his hands inside his pocket.

"Yes, galit na galit ako sayo noon. Eh sino ba ang hindi diba? Nasaktan mo ako, tapos sasabihin mong mahal mo ako. Gago!" Tumatawa ako habang sinasabi sa kanya ito. Pilit na tumatawa.

Tumingin siya sa akin na parang nababaliw na ako.

"Eh, hindi ko naman sinasadyang saktan ka eh. But I'm still sorry"

Yeah right, its not his fault. Naging OA lang ako. Ugh!

"Ano ka ba. Past na iyon no." I said.

"So pinapatawad mo na ba ako?" Sumilay ang isang umaasang ngiti sa labi ni James.

"Let me think, yes?"

"Bakit patanong pa!" Para siyang batang nagtatantrums. How cute he he.

"Why? You don't want? Actually ayaw kita sanang patawarin eh pero pagod narin ako eh. Besides, we're friends so it will be really awkward kung hindi tayo nagpapansinan right?"

Tumango-tango siya then biglang ngumiti. "So, it means, puwede nang maging tayo?"

Bigla akong nasamid sa sinabing yun ni James kahit wala naman akong iniinom. "Pinatawad lang kita James!" Dinilatan ko siya.

"Huh? Pero bakit?"

"James tama na ha? Sapat na na friends na uli tayo"

Ngumisi siya. "Paano ba yan? Hindi lang hanggang friends ang gusto ko." Tapis kumindat pa siya.

Ugh James! Huwag ka namang ganyan please, nahihirapan kaya ako!

"Let's just go James!" At hinila ko siya paakyat sa room namin.

Makakamove on kaya ako sa sitwasyon naming ito? Tingin niyo?

-----------

CARA'S POV

Ang tagal namang mag-usap ng dalawang iyon.

"Floyd, nag-aaway kaya yung dalawang iyon?" Tanong ko kay Floyd na kasalukuyang nag lalaro ng C.O.C.

"Sina Athena at James? Panigurado. Parang aso at pusa yung dalawang iyon eh." Sagot niya sa tanong ko.

"Who?" Tanong ng maarteng si Veronica.

"Its none of your business" sabi ko na lang.

"Hmp!"

"Yes!!" Nagulat kaming lahat sa pagtalon at pagsigaw ni Floyd. "Tagumpay! Ang weak na village. Ang weak ng leader."

"Kaninong village?" Tanong ni Sky.

"Village niyo" sabi ni Floyd tapos nag smirk kay Sky.

"What? Damn Floyd! Bakit yun pa, marami naman diyan eh!" Reklamo ni Sky. 

"Gusto kong makuha ang position mo eh haha"

Tsk tsk. Umiling iling ako. Boys!

"Jhamie!" Tumakbo si Veronica.

"Ayan na pala sila eh" sabi ni Sky.

Tumingin ako sa pintuan. Nandoon nga sina Athena at James. =_= kasama si Veronica na nakakapit na naman sa beywang ni James. Ugh napaka landi talaga ng bruhildang ito!

Lumapit agad sa akin si Athena. Mukhang masaya ah.

"Ang saya mo yata. I'm guessing the talk had gone well?" Sabi ko.

"Yeah, bati na kami. Ang gaan lang sa pakiramdam, until that bitch showed up" sabi ni Athena habang umuupo sa seat niya.

"Selos ka na naman?" I grinned.

"Na ah, ako magseselos?" Tanggu pa niya. Tsk tsk. Nagseselos nga siya.

"You're just in denial stage my friend." Sabi ko sabay tap sa balikat niya.

"Stop it Cara, James and I are okay now. And I'm trying to move on, just as you said."

"Good luck" sabi ko sa kanya sabay tawa.

Umiling iling lang siya.

"Jamie, tabi tayo ha" narinig na naman namin ang malanding si Veronica.

"Kay Vlad ka na tumabi, si Sky ang kaupo ko eh"

"Iiiihhh, ayoko!" Ang Arte!

"Ahem, bawal ang pabebe dito" parinig ko sa kanya.

"Ako ba ang pinariringgan mo?! You trash!"
Aba't! Sobra na siya ah!

"Hoy babaeng pabebe at maarte! Wala lang karapatang tawagin akong basura! Eh sa ating dalawa ikaw ang mas bagay na maihalintulad sa basura eh!" Dinuro duro ko yung pagmumukha niya. Pakainin ko siya ng basura eh!

"Hmp!" Inirapan niya ako. "Basta! Dito padin ako!"

Napilitan nang lumipat si Sky ng upuan. Sa tabi namin ni Athena siya umupo, bali yung upuan sana ni Veronica.

"Dito nalang ako uupo"

"Pagpasensiyahan niyo na yang kapatid ko ah, may saltik kasi yan eh." Bulong sa amin ni Vlad.

"Vlad!!! Narinig ko yun! Isusumbong kita kina mama!" Sigaw naman ng kakambal niya.

Haay, may mas malala pa pala kaysa kay Dianne.

Tingin ko, mas spoiled itong si Veronica. Under si Vlad sa kanya eh. Katulad ni Floyd kay Nica. Naalala ko tuloy haha.

Mayamaya rin ay dumating na ang teacher namin. Dahil bago sina Vlad, nagpakilala muna sila.

------

To be continued

DRAGONAIA: The Lost Dragonair (To be Edited soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon