CHAPTER 52

2.6K 87 2
                                    

(Hindi pa naedit ang last chapters na ito hehe. )

FAVOR NAMAN, VOTE NAMAN KAYO O KAHIT COMMENT MAN LANG HIHI

ANG CHAPTER NA ISINULAT KO NG ILANG ORAS BABASAHIN NIYO LANG NG ILANG MINUTO. PLEASE, GIVE CREDITS TO ME T_T...

THE LOST DRAGONAIR

CHAPTER 52

Someone's POV

NAPAIGTAD ako nang maramdaman ko na naman ang pagpatay sa isang Dragonaian. Kumawala ang isang luhang pilit kong pinipigilan. Paano humantong sa ganito ang lahat? Ito na bang kabayaran sa nagawa kong kasalanan?

Hindi ko man makita ang Dragonaia,alam ko nang hindi maganda ang nagyayari doon.

Sa unang pagkakataon ng ilang taong pamamalagi ko dito sa mundo ng mga tao, nagpasya akong muling tingnan ang Dragonaia.

Nagtungo ako sa silid aklatan nitong aking mansion. Hinanap ko ang nakausling libro roon at saka ito hinila pababa. Umatras nang bahagya ang salansanan ng mga aklat sa aking likuran na sinundan ng paglangitngit ng bumubukas na pintuan, hudyat na matagal na itong hindi nabubuksan.

Kinuha ko ang lampara at naglakad paibaba sa hagdan. Hinawi ko ang ilang mga agiw na nakaharang sa aking dinadaanan.

Sinanay ko ang aking mga mata sa dilim at sa tulong ng liwanag ng lampara, nakita ko ang pinaghalong langis at tubig na nakalagay sa bilog na gintong kristal na nakalagay sa sentro nitong kuwarto. Ang bilog na gintong kristal na ito ang nagsisilbing tanglaw para makita ko ang mga nagaganap sa Dragonaia. Kumbaga dito sa mundo ng mga tao, para akong manonood sa telebisyon. Pero ang pagkakaiba, maaari kong makita ang nangyayari sa nakaraan, kasalukuyan at sa hinaharap.

Inilagay ko sa isang tabi ang lampara at sinimulang umusal ng orasyon hinggil sa muling pagbukas ng bolang kristal.

"Aéra kai to nerò, tigi kai fotia, magikó kathréftí, epitrépste mon na doñme ti symvainéi stin Dragonaia"

Unti-unting nagliwanag ang bolang kristal hanggang sa nagliwanag ang kanina'y madilim na silid.

Nagkaroon ng puting usok sa loob niyon nang ilang sandali kasunod ng unti-unting pagkakabuo ng larawan, larawan ng Dragonaia.

Parang nawasak ang puso ko sa aking nakikita.

Ang aking Dragonaia, ito'y sira na! Puro itim na usok ang makikita sa paligid, itim at pulang lupa na biyak-biyak na.
Wala na ang dating makulay, masaya at malaparaisong lugar na minahal ko, ipinaglaban at inalagaan.

Ang mga Dragonaian, marami na ang namatay sa kanila. Nagkalat sa paligid ang mga buto nila na ngayo'y pinagpipiyestahan ng mga insekto.

Ang mga Physsian, para silang mga halimaw na pumapatay. Para silang may sumpa na lahat ng daraanan nila ay mamamatay, malalanta at mangingitim.

DRAGONAIA: The Lost Dragonair (To be Edited soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon