The Lost Dragonair
Chapter 54CARA'S POV
Inilagay ko ang kinuha kong hipon sa trolley ng supermart na ito. Halos mapuno na nga ito sa dami ng aming bibilhin. Kasama ko ngayon si Athena dito sa VV Supermarket para bilhin ang mga kakailanganin namin mamaya sa birthday ko. Siya ang tagatulak at ako naman ang taga-kuha ng mga ingredients.
Inilabas ko ang listahan na ibinigay sa akin ni inay at binura na doon ang 'hipon' na nakasulat.
.
"Pasta" basa ko sa panghuli naming kukunin."Tara sa may pasta Athena."
"Ha? Eh ang layo niyon eh. Ang bigat kaya nito"
"Ako na nga lang diyan" aagawin ko na sana ang trolley pero inilayo naman niya ito sa akin.
"Ako na, bawal kang mapagod." Sabi niya at buong lakas niyang itinulak ang trolley papunta sa kinaroroonan ng mga pasta.
Hindi na ako nagsalita kasi nasasanay na ako sa special treatment na ipinapakita ng mga ito simula kahapon pa. Masuwerte pa nga ako at nautusan akong bumili ng mga sangkap eh (*.*).
Kumuha na ako ng ilang kilo ng pasta at nagtungo na kami sa cashier.
"Walang kikilos! Itaas ang mga kamay!" Nagulat kaming lahat nang may grupo ng nakaitim at nakamaskarang mga kalalakihan na pumasok at isinigaw iyan. Itinutok pa nila ang kanilang mga baril sa amin.
Tumili ang mga kababaihan sa loob ng supermart at nagsitakbuhan sa kung iba't ibang direksiyon. Habang kami naman ni Athena ay nanatiling nakatayo doon, gulat parin sa nangyayari."Sinabi nang walang kikilos eh!" Nagpaputok ng dalawang beses ang isang lalaki.
So totoong baril ang hawak nila talaga?
"Dapa!" Dumapa naman kaming lahat. Nanginginig na ako sa takot pero pinilit ko paring kumalma.
"Ilabas niyo lahat ang pera at alahas ninyo!" Ma-awtoridad na utos ng isang lalaking sa hinuha ko ay ang pinakalider ng grupo.
Isa-isang nagsipuntahan ang mga kasamahan nito sa mga tao para kunin ang mga alahas at pera nila.
Shit! Paano ngayon ang mga bibilhin ko? Hindi ako papayag na mahohold-up ako. Kumilos ang lahat para ibigay sa mga hold-upper ang mga pera, alahas at mga gadgets nila samantalang hindi parin ako tuminag sa pagkakadapa.
Maya-maya, naramdaman ko ang palapit ng isa sa mga lalaki sa amin.
"Miss, ilabas niyo ang pera niyo!"
Nakita kong ibinigay ni Athena ang cellphone niya. Nanginginig pa ang kamay niya habang iniaabot sa hold-upper ang kanyang pera at cellphone.
"Ikaw miss?"
"Wala po akong pera" sabi ko.
"Impossible! Tayo!"
Hinila niya ako patayo.
"Akin na ang pera mo!" Inilahad niya ang palad niya.
'Ibigay mo na' bulong sa akin ni Athena pero hindi parin ako sumunod.
"Kung gayon, sumama ka sa amin!" Doon na ako nataranta. Kukunin ko na sana ang pera ko pero nilagyan na nila ng duct tape ang bibig ko at itinali ang mga kamay ko. Piniringan din nila ako.
"Cara!" Nag-aalalang sigaw ni Athena.
"Mga kasama, tayo na! Walang susunod sa amin!" Pinangko ako ng isa sa mga lalaki at isinakay sa sasakyan nila. Bago pa nila maisara ang pintuan, may narinig akong :" Ang babae! Nahimatay!"
At wala na akong narinig pa dahil may ipina-amoy sila sa akin dahilan ng pagkahilo ko.
--------------------
Nagising ako nang maramdaman ko ang haplos ng mga kamay na iniisa-isang inaalis ang aking mga damit.
BINABASA MO ANG
DRAGONAIA: The Lost Dragonair (To be Edited soon)
FantasyTo new Readers: Huwag po ninyong unahing basahin ang last chapter. Please lang.. MAHALAGANG PAALALA: Ang istoryang ito ay maraming typos (Typographical error). Yun lang ✌ ISANG kakaibang bata ang napadpad sa mundo ng mga tao. Lumaki siya nang hindi...